Flashback
Nakatulog si Diana dahilan sa pagod na kanyang naramdaman. She is physically and mentally drained. Nasa tabi siya ng kanyang asawa habang nakatulog, nakahawak siya sa kamay neto.
Ilang oras pa na tila tulog na ang lahat sa mga oras na yun may taong biglang bumalik sa kanyang kaluluwa sa katawan.
Ang kanyang mga daliri ay hinay hinay na para bang don ang lakas niya. Agad naman ito napansin ni Diana dahilan ng pagkataranta niya at dala narin ng saya na naramdaman dahil sa wakas gising na ang asawa.
Tinawag niya agad ang doctor upang eCheck it.
" You're wife is getting better, Ms. Mackey. But for now kelangan na muna natin siya ilipat ng room para mas comfortable siya. " sabi ng doctor. Napangiti naman si Diana sa magandang balita.
" Salamat, Doc! " Puno ng saya sa boses neto.
After ma check ng asawa ay agad tinawagan ng babae ang mga magulang ng kanyang asawa at mga kaibigan nila.
" Asawa ko! Narinig mo yun? Sabi ng Doctor ok ka na daw. " sabay pahid ng kanyang luha. Luha iyon ng saya.
" Miss na miss na kita. Di na ako makakahintay na bumalik ka. " Patuloy parin ang pagtulo ng kanyang luha.
Di niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa pag iyak. Siguro ay dahil na rin sa pagod.
" Bumalik ka na sakin, love. Miss na miss na kita. " rinig kong boses na pamilyar sakin pero yung mukha niya hindi ko makilala kasi hindi ito malinaw sakin.
Pero nasisigurado ko na isa siya sa pinaka malaking parte ng buhay ko.
" Teka! Saan ka pupunta? Sandali! " Tawag niya sa taong papalayo sakanya.
" sa tingin ko ay ito ang tamang gagawin ko para mahalin mo ako uli. " sabi ng estranghero sa isip panaginip niya.
" Sino ka? Please sino ka! " Sigaw niya dito sa tao.
" Please remember me. " Puno ng sakit sa boses neto at nakikita ng babae na nahihirapan na ito. Puno ng lungkot ang mga mata ng taong iyon dahilan para naiyak siya. Naawa siya sa taong iyon na tila ba importante ito sakanya.
Unti unting binuksan niya ang dalawang mata at napaigik sa sakit ng kanyang ulo dahil sa liwanag sa paligid. Pumikit uli ang babae saka binuksan uli ang dalawang mata.
" T--u--b--i--g " nahihirapang sabi neto. Para siyang naubusan ng tubig sa katawan kaya iyon agad ang hiningi niya.
" T--u--b--i--g " ulit niya ngunit walang nakarinig. Maya maya pa'y bumukas ang pinto at bumungad sakanya ang isang babae na matangkad, singkit at matangos ang ilong na may manipis na labi. Magandang babae na hindi pamilyar sakanya. Wala siyang ibang naramdaman kundi inis. Hindi niya alam bakit niya iyon naramdaman.
" Franki!? " Gulat ang boses neto. Tarantang umalis sa silid ang babae ilang segundo pa kasama na neto ang isang doctor.
" Doc! Anyare? Kumusta na ang asawa ko? " rinig nyang sabi. Nagulat siya sa sinasabi neto.
Gusto ng babae na mag react pero wala siyang lakas. Kelan pa siya ikinasal at sa babae pa. Hindi niya ito kilala.
" She's better now pero bawal na muna siya ma stress, ok? Continue mo yung ibinigay kong gamot ha? " bilin ng Doctor.
" S--i--no--k---ka! " nahihirapan na sabi ng babae.
Si Diana naman yung ngiti at excitement na naramdaman niya ay agad nawala at napalitan ng kaba.

BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
De Todo"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...