Chapter 25

347 19 3
                                    

Diana's POV

Agad akong nag U-turn at pinaharorot ang kotse pabalik kung saan ko iniwan si Franki sa bahay nila. Di ako mapakali sa pagmamaneho. Paulit ulit na dinial ko ang number niya pero walang sagot mula sakanya dahilan para mas lalong doble ang kaba sa dibdib ko.

Ilang minuto pa ay nakarating nako sa bahay nila Franki. Lakad takbo ang ginawa ko. Nagmamadaling pumasok ako sa kanilang gate. Halos lumabas ang puso ko sa kaba. Si Franki nakahandusay at walang malay. Agad akong pumasok at dali daling pinuntahan siya.

Mangiyak ngiyak ko siyang niyakap habang walang malay.

" Love, hold on. Dadalhin kita sa hospital. Please hang in there. " sabay karga ko sakanya.

Kahit na may kabigatan ang asawa ko di ko it pinansin. Dali daling sinakay ko siya sa aking kotse.

Agad kong dinial ang number ni Kiara at mga ibang kaibigan ko.

Pagkarating sa hospital agad kong tinawag ang mga doctor. Dali dali nilang inassist yun asawa ko.

Nakita ko yung doctor ng asawa ko at agad lumapit sakin.

" What happened, Diana? "

" Kanina habang tumawag siya sakin pero di niya ako sinagot and nag alala ako. Binalikan ko siya sa bahay and then naabutan ko siyang walang malay. " Sabi ko.

" I already told you this, Diana. Your wife is suffering amnesia. Alam mong isa sa makapag pa trigger ng kanya is yung makakita ng mga tao sa nakaraan niya, mga taong mahal and Isa ka na don. " medyo tumaas na boses ng doctor.

" But she's my wife, Doc! " may galit na din sa boses ko.

" I know! Pero sana you considered your wife's health. " saka ito pumasok sa hospital room kung saan nandon asawa ko.

Ilang oras na di parin ako mapakali. Uupo at mamaya maya ay tatayo naman ako. Narinig ko nalang na sinuway ako ni Kiara.

" Dee, please calm down. She's gonna be fine. " Sabay hawak ng kamay to assure na everything's gonna be alright.

" Hindi ako mapakali, Kia. Ayoko ulong may mangyaring masama sa asawa ko. " naiiyak na sabi ko.

" Yes, I know. But you have to calm down muna. " Sabi niya uli saka ako tumango.

Maya maya pa ay lumabas na yung doctor. Agad naman akong lumapit sakanya.

" Doc, how's my wife? "

" She's ok now. She just need rest. Halata kasing pinipilit niyang aalalahanin yung mga bagay na nakapag pa sakit sa katawan niya pero she's ok naman. Nothing serious. " sabi ni Doc habang nakangiti.

Para naman akong naibsan ng tinik sa lalamunan sa narinig ko.

" Again, need nya mag rest. Excuse me. " sabay alis ng Doctor.

" See? She's okay. Si Franki pa ba? " Nakangiting sabi ni Kiara sakin. Tumango naman ako. Niyakap naman ako ng iba kong mga kaibigan.

" Thank you sa pagpunta dito, girls. " sabi ko sabay pahid ng luha ko.

" Ano ka ba, Diana. Ok lang no saka di naman kami masyadong busy. " Si ate Hasna.

" Kinakabahan lang talaga ako kanina. Diko alam gagawin ko. " Naiiyak na sabi ko.

Pinauwi ko na mga kaibigan ko gusto pa sana nila mag stay kaso nahihiya naman ako kasi alam ko may mga sarili silang trabaho.

Tahimik na pinagmamasdan ko yung asawa ko. Ang himbing ng tulog niya halatang pagod na pagod.

Maingat na hinaplos ko yung maganda niyang mukha. Di mapigilang di ako mapangiti.

Naalala ko na naman ang unang beses na nakita ko siya. Diko akalain na mahulog ako sakanya. Nang dahil sakanya naniniwala ako sa "Love" na never ko ma imagined mababaliw ako dahil sa love.

Kaya ko siya minahal dahil kakaiba siya. Di niya ako minahal dahil sa isang Diana Mackey ako kundi dahil kung ano ako.

" You're totally different, Franki! Ilove so much. " Banggit ko. Hinalikan ko siya sa noo ngumiti para bang nakikita ako ng asawa ko.

Ilang minuto ang nagdaan diko namalayang nakatulog ako dahilan narin siguro sa pagod.

Mayamaya pa ay naramdaman ko nalang na parang may humahaplos sa mukha ko. Ginalaw ko yung ulo ko baka kasi naalimpungatan ako. Binuka ko mga mata ko at di sa inasahang pagkakataon nakita kong nakatitig si Franki sakin.

Nagising na pala siya. She's beautiful as always.

" Tagal mo naman nagising, Diana. " Mahinang sabi niya na may halong pang aasar.

" Pasensya na. " Nahihiyang sabi ko. Baka kasi may laway pa ako.

" Himbing ng tulog mo kaya di nalang kita ginising. Gutom ka na ba? Kumain ka na muna. May pagkain diyan dala ni Mommy kanina. Nandito pala siya kanina. " Sabi niya habang pinipilit na abutin yung pagkain pero pinigilan ko siya.

" Ako na. Need mo pang magpalakas. " Sabi ko. Malungkot na tiningnan niya ako.

" I'm sorry, Diana. " sabay iwas niya ng tingin.

" Huh? Bakit ka nagsosorry. " Tanong ko.

" Kasi. Kasi di man lang kita maalala. Feeling ko ang bigat sayo to. I'm so sorry kung lagi ka nalang nasasaktan because of me. " naiiyak na sabi niya.

" Hey stop! It's okay. Naiintindihan ko naman. " nakangiting sabi ko.

" Diana, can I ask you something? " seryosong sabi niya sakin habang kinuha yung kamay ko.

" hmmm? "

" Totoo ba talagang asawa mo ko? " nahihiyang sabi niya.

Napakunot noo namang tiningnan ko siya. Parang kelan lang diring diri siya kapag binabanggit niya yang salita na yan ah.

" Ah eh. " walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

Pero nagulat ako sa next step na ginawa niya sakin. Bigla niya akong hinalikan ng madiin. Nagulat ako sa ginawa niya pero nong maka adjust ay agad akong nagreply sa halik niya. Hinawakan ko siya sa bewang upang malapit yung katawan niya sakin.

Narinig ko ang mahinang ungol niya dahilan para mas lalong nilaliman ko yung halikan namin. Pero bago pa may mangyari ay pinutol na niya ang halikan namin. God! Ano ba tong ginawa ko.

Tahimik akong nakatitig sakanya. Baka kasi sampalin niya ako dahil sa ginawa ko sakanya.

" Diana, pwede mo ba akong tulungan na aalalahanin ka buhay ko? Please? " sabi niya na ikinagulat ko.

Ano daw? Tama ba narinig ko?

" Seryoso ka ba, Franki? "

" Yes! Gusto ko maalala ka sa buhay ko. Kaya please help me. " Nakangiting sabi niya.

" Sure! " Natutuwang sabi ko sakanya. Ngumiti din siya pabalik sakin.

" Help me to remember you, Diana. " sabi niya habang nakahawak sa mukha ko. Muli niyang inangkin ang labi ko dahilan para mapangiti ako.

" Iloveyou, Franki. " sabi ko.

Wala akong narinig mula sakanya pero sapat na sakin na gusto niya akong maalala. Masaya na talaga ako don. 

" Diko muna masagot yan, Diana. I want to make sure sa feelings ko for you. Gusto ko sabihin ang three words na yan kapag naalala na kita. I hope na one of these days mabalik na sa normal lahat. " sabay ngiti niya sakin. Yung totoong ngiti na hinahanap ko.

---

Sorry tagal ang update medyo busy lang talaga.

Enjoy!

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon