Chapter 8

492 14 0
                                    

Diana's POV

Kakarating ko lang sa bahay namin ni Franki, yes you heard it right bahay namin gift samin to ni Dad bilang mag asawa. Spoiled talaga ako kay Dad but anyways kasulukuyan akong naghihintay kay Franki dito sa sala pasado alas dyes na pero hindi parin siya umuwi. Ang tahimik ng bahay malaki nga to pero wala namang buhay tong bahay nato.

Tumayo na muna ako saka chineck yung laman ng ref pagkatingin ko beer, hotdog at itlog lang yung laman. Napailing nalang ako bukas magpapa grocery ako kay manang. I sigh in deep saka sinarado yung ref ayoko kasi na maabutan ni Franki na umiinom mahirap na madali pa naman yun magalit. Bumalik nalang ako sa dati kung pwesto saka naglaro sa phone ko. Habang naglalaro ako sa phone may biglang nag text sakin si Sky lang pala.

Sky: Hi Di how are you?  pumunta sa office mo pero wala ka naman don on vacay ka daw?

Me: yes! And kararating ko lang from New Zealand.

Sky: Really? Baka naman pwede na tayo sabay mag lunch bukas?

Me: Tingnan ko lang baka kasi busy ako bukas lalo na ngayon na tagal kong wala sa work ko.

Sky: ganun ba? :(

Me: don't worry bawi ako sayo.

Sky: pangako yan ah. :)

Me: pangako :)

Sky: sleep ka na?

Me: hindi pa eh may hinihintay pa kasi ako.

Sky: sino? Ako? 😂😂😂

Me: sira! Sige na sleep ka na

Sky: sige! See you soon Di. Miss you.

Hindi na ako nag reply sa last text ni Sky. Nilapag ko yung phone ko sa katabi kong mesa tiningnan ko muna yung wrist watch ko kung anong oras malapit na pala mag 11pm pero wala parin si Franki. Para akong binuhusan ng malamig ng tubig ng malalang baka may masamang nangyari sakanya. Nag alala ako sakanya baka kasi napano na siya. Shit! shit! Bakit ko ba siya iniwan mag isa don?

Nagmamadali akong lumabas halos magkandapa ako sa pagmamadali. Dahil sa pagmamadali ko naiwan ko pa yung susi ng kotse kaya bumalik ako sa loob para kunin yung susi. Agad akong nagmamaneho pabalik ng hospital. Pero pagbalik ko don wala na sila naiiyak ako dahil sa pag alala sa asawa ko.

Sinubukan ko siyang tawagan pero laking gulat ko ng may narinig akong tumunog so naiwan niya pala ang phone niya dito sa sasakyan. Mas dobleng kaba ang naramdaman ko ngayon. Nilibot ko ang hospital para hanapin siya pero wala akong makita.

Binaybay ko yung daan pero wala akong nakita ni halos wala ng tao sa daan.

" Stupid ka Diana! Stupid! Bakit dika nag iisip? Pinairal mo kasi yang katangahan mo! " diko mapigilang di magalit sa sarili ko. Pinabayaan ko sya. Nakakainis.

Mag start na sana ako magmaneho ng may nakita akong pamilyar na tao. Nawala yung pag alala na naramdaman ko kanina dahil nakita ko siya. Napangiti ako dahil don pero agad din nabura ang ngiti ko ng makita ko kung sino yung kasama niya. Napakuyom ako dahil sa inis.

Ang saya nila tingnan habang ako halos mabaliw sa pag alala kung okay lang ba sya or what? Pinaharurot ko yung sasakyan wala na ako paki kung ano mangyari sakin. Pero sa awa ng dios wala naman masamang nangyari sakin.

Hinagis ko yung susi ng sasakyan ko saka humiga sa couch. Napaiyak nalang ako dahil sa nakita ko kanina. Strike two Diana.

" Ano? Kaya mo pa ba ha Diana? Kaya mo pa ba? Wagkang susuko sakanya ha. Ganyan naman siguro ang magmahal diba? Masasaktan ka talaga. Malay mo lahat ng paghihirap mo mag worth pala sa huli. " sabi ko sa sarili ko.

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon