Chapter 27

521 22 4
                                    

Diana's POV

Kanina pa ako ginugulo ng kaibigan ko. Ano ba kasi talaga kelangan neto? Badtrip pa nga ako kasi nakalimutan ni Franki yung birthday ko. Kanina umaga nagtatanong pa siya kung kelan daw.

Natawa nalang ako kasi naalala ko na may amnesia pala asawa ko. Ganun siguro yun madaling makalimutan.

" Lalim naman ng iniisip mo, ma'am. " tawag sakin. Narinig ko pang nang aasar ang boses niya. Sinabi ko kasi yung nangyari kanina.

" ma'am mo mukha mo! Ewan ko sayo. " asar ko

" Malay mo diba? May hinanda palang surprise wifey mo? " tiningnan ko siya sabay taas baba ng kilay niya.

" Sos! Sky, wag mo ko guluhin ngayon pwede ba? Wala ka bang trabaho? " curious na tanong ko sakanya.

" Hehehe. Wala naman. " ngumiti pa to na parang ewan.

Habang masayang nang aasar sakin si Sky nang maramdaman ko na may nag vibrate sa bulsa ko. Yung phone ko pala.

Napakanot noo ako ng makita ko na di naka register ito sa contacts ko.

Binuksan ko ito saka nagulat ako sa message sakin.

" Diana, pagbabayaran mo tong nangyari sakin! Di pa tayo tapos! " unknown number.

" Oh bakit? Sino ba yang nag text sayo? " nag alalang tanong ni Sky.

" Ah. Wala! Advisory lang. " sabi ko nalang sakanya baka kasi mag alala pa siya.

" Okay? Pero mamaya ah. Punta tayo sa resto bar ni, Kiara. Sabay ka nalang sakin. " Sabi uli neto. Diko alam pang ilang beses nato pinaalala niya sakin.

" Sky, madami ako tapusin na trabaho. " sagot ko neto.

" Grabe ka naman, Dee. Pahinga ka naman saka birthday mo naman eh. Saka pwede naman natin sunduin si Franki diba? " sabi nya.

" Sige titingnan ko nalang. May kikitain pa kasi akong client mamaya. " sabi ko sakanya.

" Okay. Basta babalikan Kita dito mga 6pm ha. Aalis na ako. " sabi nya.

Tumango nalang ako. Naalala ko na naman yung nag message sakin. Naisipan ko na tawagin yung pinsan ko. Ilang ring pa ay sinagot na niya ito.

" Hello, Dee. May problema ba? " Nag alala ang boses neto.

" Oo eh. " Nag alinlangan pa ako sakanya.

" Sabi na eh. Ano ba yun? "

" Pinsan, kasi these past few days lagi akong nakatanggap ng mga death threats messages pwede mo ba akong tulungan ma trace tong number na to? "

" Okay. Kita nalang tayo mamaya mga 1pm. May kaso pa kasi akong tatapusin and after that kita tayo ha. "

" Salamat, Akie. Maasahan ka talaga. "

" Wala yun! "

" Sige. Mag ingat ka ha? "

" Ikaw rin, mag ingat ka. "

After namin mag usap ng pinsan ko nag concentrate uli ako sa trabaho. Chineck ko phone ko kung may text ba galing sa asawa ko pero nanlumo ako ng wala man lang ni isa. Kainis naman. Baka busy lang siguro sa school niya.

Nag concentrate uli ako sa work ko ng biglang tumunog phone ko. Nagulat pa ako dahil don.

Napakunot noo na naman ako dahil same number na naman ito. Sino ba kasi talaga to?

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon