Diana's POV
Kagagaling ko lang sa meeting with our client ng madatnan ko si Dad na prenting nakaupo sa office ko. Minsan naiisip ko talaga na parang bata kung umasta ang dad ko pero pag sa harap na ng board napaka intimidating niya.
" There you are my Sweetie i have good news for you. " masayang bati ni Dad.
" Dad naman bakit mo pinatong yang paa mo sa lamesa ko? Diosko naman po oh. " asar ko na sabi.
" Ayaw mo ata sa good news iha eh, pasensya naman sige labas na ako. " pinigilan ko agad si Dad mukha kasing may good news talaga.
" Daddy naman dika naman mabiro sige ano ba yung good news na yan? "
" Ayaw mo eh so wag nalang. "
" Daddy! " asar na ako.
" Joke lang. Ito na, pumayag na kasi si David na makasal sayo ang anak niya. " nakangiting sabi ni Dad. Hindi ko alam pero nakita ko nalang amg sarili kong tumatalon dahil sa tuwa.
I'm sure kapag makita ako ng ibang empleyado dito baka mapag kamalan kaming mag amang siraulo.
" Talaga Dad?! Oh mygod! Dad thank you! thank you! " naiiyak na sabi ko.
" You know naman na gagawin ko lahat para sayo anak. " madamdaming sabi ni Dad.
Niyakap ko si Dad ng mahigpit sobrang laking pasalamat ko though iniwan kami ni mommy may dad naman ako na super supportive sa lahat ng gusto ko.
" I love you dad. " sabi ko.
" And I love you too Diana. "
Agad ko tinawagam ang mga friends ko nagulat pa nga sila bakit daw ako nagyaya mag lunch kahit alam nilang busy ako. Syempre, ipapahuli ko ba sila sa balita?
" ANo ba yang good news na sinasabi mo diyan Diana? Siguraduhin mong good news yan kundi mababatukan kita. " si Kiara.
" Ano yung good news Di? Buntis ka ba? " asar na tiningnan ko si Hasna.
" Ate Hasna naman eh makinig kasi muna kayo. " reklamo ko.
" Oo nga naman. " natawang sabi niya.
" Ano nga kasi yun tagal mo magkwento. " reklamo ni Kiara.
" Pwede bang mag order na muna tayo? Gutom na ako eh. " sabay himas ko sa tyan ko.
" Maryusep naman Diana! Halos magka dapadapa kami kakadali dahil sabi mo importante pa sa mga gagawin namin tas tagal mo mag kwento? Sapak you want? " si Jaime.
" Gutom na kasi ako talaga hehe. " sabi ko.
" Oh sya sya sya. Order na tayo ng foods. " si Mae.
" isa ka pa eh. " si Jaime. Natawa nalang ako sa inasta ng mga kaibigan ko aakalain mong mga professionals at may ari ng mga sariling companies pero kung umasta parang bata.
" WHAT?! " si Jaime
" REALLY?! " si Mae.
" Ikaw na Diana! " Kiara.
" Oh my! " si Ate Hasna.
" Oo nga pumayag na daw sila. " nakangiting sabi ko.
" Hala! Paano ngayon yan? Saan ang wedding? " sabi ni Kiara.
" Si Dad na bahala don. " and i smirk at her.
" Bilib na talaga ako sayo! " si Hasna. Mayabang naman na tiningnan ko silang tatlo.
" Akala talaga namin tuluyan ka na talagang ma basted ni Franki pero iba talaga pag Diana Mackey. " sabi naman ni Kiara na natawa pa.
" Well, kilala niyo ako kapag gusto ko kukunin ko. " sabi ko naman sabay kuha ng baso ko at uminom ng tubig.

BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
Random"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...