Chapter 10

584 11 4
                                    

Franki's POV

Papalabas na ako ng classroom ko ng biglang may humablot sa braso ko tiningnan ko kung sino at nagulat ako na si Argel pala. It's been three months nong huli ko siyang makita. Sinabi ko kasi sakanya na hindi na dapat kami magkita kasi wala na siyang dapat pang maasahan sakin. I decided na tanggapin nalang ang lahat ng meron ako ngayon.

" Babe! " malambot ang ekpresyon sa kanyang mukha.

" Argel we already talked about this diba? " sabi ko sakanya. Lumungkot ang mukha niya dahilan parang may kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Oo, i still love this man pero ayoko na pahirapan ang mga sarili namin.

" Masama bang mamiss kita? Namiss kita. " naiiyak niyang sabi sakin at bigla niya akong niyakap. Ewan ko ba sa unang pagkakataon bigla ako nakaramdam ng ilang.

" Argel please baka may makakita satin ano pa masabi nila. " sabi ko sakanya saka naman siya humiwalay ng pagkayakap sakin.

" Wala naman tayong pakialam non diba? Babe ano bang nangyayari sayo? Are you falling inlove with her? " may pagduda sa tonong boses niya.

Napakunot noo ako at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Am I inlove with her?

Biglang nag flash sa isip ko yung ngiti niya dahilan para mapangiti at nakalimutang nasa harap ko pa pala si Argel.

" Babe? " nag alala na ang boses niya.

" Please Argel hindi ito ang lugar kung saan pag usapan yan. " sabi ko sabay lakad na.

" Babe! Please mag usap naman tayo kahit ngayon lang. Pangako last nato pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang? " pagmamakaawa nya na para siyang bata. Natawa naman ako dahil don.

" Sige last na to ha. " sabi ko. Napatalon naman siya dahil sa tuwa.

We decided na mag arcade pinangako ko sa sarili ko na ito na ang panghuli naming pagkikita ni Argel. Iba't ibang klaseng arcade yung sinakyan super tawa ako ng di na kinaya ni Argel at sumuka na siya. Yan kasi ang yabang di naman pala kaya.

" Nahilo ako babe. " sabi niya habang nanghihina.

" Argel please stop calling me babe okay? " saway ko sakanya.

" Franki please nahihilo na ako. " napapikit na siya. I rolled my eyes saka tinulangan siyang makatayo ng matuwid. Ang bigat niya ah.

Naghahanap ako ng pwede naming masakyan mabuti nalang may taxi na paparating sumakay kami pareho and i decided na ihatid siya sa apartment niya.

Tinulungan na rin ako ni Manong kasi nahihirapan na talaga ako kay Argel. Naka off pa yung ilaw at kelangan ko pa hanapin yung switch. Buti nalang at di ako nahirapang maghanap. Pinaupo ko muna siya sa couch saka binigyan ng pamasahe si Manong.

" Salamat ma'am. " sabi niya.

" Ay manong wagka po muna umalis sasakay ako sayo ihatid ko muna to sa kwarto. " sabay tingin kay Argel na nakatulog na.

" Ah hindi po kayo dito nakatira ma'am? " sabi niya.

" Nope. " sabi ko.

" Akala ko kasi asawa niyo eh. " sabi niya.

Tumawa naman ako dahil sa sinabi ni Manong etsuro din to eh.

" Hindi ho kaibigan ko lang siya. " sabi ko tumango naman si Manong.

" Argel gising pumasok ka na sa kwarto mo kelangan ko na umuwi baka nag alala na sila sakin. " mahina pero alam ko na narinig niya pa.

" Franki wagka umalis dito ka na muna. " parang batang sabi niya.

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon