Chapter 11

676 14 4
                                    

Franki's POV

" Mabuti naman at nakadalaw kayo dito matagal tagal din kayong hindi namin nakita. " masayang sabi ni dad samin.

" Pasensya na po talaga Tito busy din po kasi ako sa office saka si Franki po busy sa school niya. " sabi niya kay daddy.

" sabagay. So kumusta naman kayong dalawa? " nakangiti si Daddy habang tinatanong kami.

" Okay naman po kami ni Franki Tito, actually mabait na po siya sakin. " sabi niya kay Dad sabay lingon sakin at kinindatan ako. Hindi ko alam kung ilang beses niya akong kinindatan ngayong araw nato.

" Mukhang nagkakasundo na kayo ah. " may tuwa sa boses ni dad.

" Dad? Kumusta na po si mom? " singit ko sa usapan nila. Ang awkward kasi sa totoo lang lalo na ngayong halos magkadikit yung katawan namin ni Diana dito sa upuan. Amoy na amoy ko yung mamahalin niyang pabango.

" your mom is getting better ija, salamat dito sa asawa mo napaka galing ng napili niyang nurse magaling mag alaga. " sabay tapik pa sa balikat ni Diana. Nabaling ang tingin ko kay Diana pero nabigla ako ng nakatitig pala siya sakin.

Nag init uli yung mukha ko hindi ko alam kung namula na yung buong mukha ko. Nakakahiya.

" Oh sya sige puntahan niyo na muna yung mom niyo paghanda ko lang kayo ng merienda. " sabay tayo ni Dad.

" let's go? " nauna na siyang tumayo saka naman niya ako inalalayan tumayo. Okay gentlewoman. Napangiti ako dahil don.

Pagkapasok namin sa kwarto nabungaran namin si Mom na nakahiga at mahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko lang siya sa tingin ko okay na ang mom. Unti unti na siyang bumalik sa dati.

" She's getting better right? " mahina pero rinig kong sabi ni Diana sa tabi ko. Binaling ko ang tingin sakanya.

" Yeah. " sagot ko saka uli tinuon ang atensyon kay Mom. " Diana? " tawag ko sakanya.

" Hmm. "

" Thank you. Thank you for doing this. "

Natahimik siya dahilan para mapatingin ako sakanya. Hindi ko alam kung tama ba ako or namalikmata lang lang ako? Umiyak ba siya?

" Are you crying? " nag alalang tanong ko sakanya.

" Nah! Tears of joy. " sabay pahid ng ilang butil ng luha niya.

" Tears of joy? " napakunot noo akong tiningnan sya.

" Franki? "

" Hmmm "

" Can i ask you a favor? "

" Favor? Sure what is it. "

" Talaga? " halos di pa siya makapaniwala.

" Oo nga. " sabi ko sabay ngiti sakanya.

" pwede bang magkakasundo na muna tayo sa natitira kong buwan na kasama ka? Yung walang away, walang sungitan? Yung puro asaran lang kulitan? Please? " sabi niya. Napako ako dahil sa sinabi niya. Natirang buwan? Tama nga pala may napagkasunduan pala kami. Isang taon after ng isang taon malaya na ako mula sakanya.

Teka bakit parang may kumurot sa dibdib ko? Ano to? Iwinaksi ko lang ito saka tiningnan si Diana wala naman masama kung susubukan right?

" Sige. " sagot ko. Napangiti naman siya dahil don.

" Yes! " sabay yakap sakin. Nabigla ako dahil don pero i don't know it feels so weird, i found myself nalang na i hugged her back.

Tiningnan ko si mama nagising na pala siya nakita ko na nakatingin siya samin. Para siyang may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Ngumiti lang kami sakanya at lumapit.

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon