Diana's POV
" Diana please, tama na yan lasing kana." si Sky. Kanina pa kasi kami dito sa bar.
" Hayaan mo na ako Sky. Ngayon lang to promise! " tumulo na naman ang mga luha ko. Natahimik naman siya at taimtim na tiningnana ako.
" bakit ba ang tanga tanga ko?! Kahit ngayon sinasaktan na naman niya ako, pota! bakit mahal ko padin siya? " sabay hampas ko sa mesa dahilan para mabaling ang tingin ng ibang customer dito sa bar.
" Maybe she has reason bakit niya nagawa to? " sabi ni Sky sabay awat sakin.
" Then, what the fuck is her fucking reason? " diko na rin mapigilang tumaas ang boses.
Galit na tiningnan ko si Sky pero agad din nawala ng makita ko ang lambot ng expression sa mukha niya. Tiningan ko ang mukha niya na para bang sinusuri ko ang ito. Gwapo naman talaga si Sky hindi ko lang alam bakit hindi ako attracted sakanya? Napangisi ako ng makita kong medyo nailang siya.
" Bakit ka nailang Sky? Diba gusto mo ako? " habang unti unting nilapit ko ang mukha ko sakanya.
" Diana, alam mong hindi ako kagaya ng iniisip mo. Yes, mahal kita kaya sobrang laki ng respeto ko sayo. Ayokong gumawa ka ng bagay na pagsisihan mo balang araw. " malungkot ang boses niya.
Wala na talaga ako sa tamang wisyo. Napailing ako. Alam kong di ito magustuhan ni Franki kapag malaman niyang ginagawa ko ito.
Fuck! Bakit ba siya nalang lagi ang iniisip ko? Wala naman yun pakialam sakin.
" Let's go home now, D! Lasing ka na." suway niya sakin.
" ok. Pero comfort room muna ako. " sabi ko sakanya. Para kasing naiihi ako.
" gusto mo samahan na kita? " nag alala ang boses niya.
" No need, Sky. Hintayin mo nalang ako dito. " saka ako tumayo at tinungo ang cr.
Mabuti nalang at kunti lang yung tao dito. Papasok na sana ako sa may pinakadulong cubicle ng biglang bumukas yung bandang gitna ng cubicle. Nilingon ko ito parang pamilyar? nakatalikod kasi ito sakin.
" Maza? " tawag ko dito at agad naman siyang napabaling sakin.
" Diana? What are you doing here? Where's Franki? " nakangiti pa siya habang papalapit sakin.
Napabuga ako ng hangin dahil sa tanong niya.
" Woah! Nag away na naman ba kayo? " sabay tawa neto.
" Nope, she left already and...." diko matapos sasabihin ko dahil sumisikip ang dibdib ko.
" She what? " halata sa mukha na naguguluhan.
" iniwan na niya ako sumama siya kay Argel." malungkot na sabi ko.
" That's so impossible, Diana. Last naming pag uusap nagmamadali siyang umalis ng bahay niyo para hanapin at kausapin ka at sabihin niya sayong mahal ka niya and now you're telling me na she left and choosed Argel over you? You've gotta be kidding me. " nailing pa siya.
" Maza alam ko magkaibigan kayo ni Franki kaya lang please wag mo na siya pagtakpan. " giit ko sakanya.
" Listen to me Diana! She loves you. Nong nawala ka she was so messed up. Ang akala niya you were already giving up on her but sinubukan namin syang e-convinced na siya naman mag effort for you. And she did, and now you're telling me na she left with Argel? Di ako naniniwala. You can also talk to Jodie and Julia. " seryoso ang ekspresyon sa mukha niya.
" Hindi ko na alam kung ano ang totoo. " diko mapigilang di panghinaan ng loob. Sawang sawa na ako umasa.
" are you giving up on her already?" may inis na sa boses niya.

BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
Random"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...