Franki's POV
9 months later...
"Nakakainis saan ko ba kasi nilagay yun?" Tuloy parin ako sa paghahanap ng nawala kong USB nandon kasi yung kopya report ko mamaya.
" Looking for this? " isang pamilyar na boses ang narinig ko. Ang tagal ko ng hindi siya nakita.
" A-argel? " hindi ko alam everytime na makita ko siya andon parin ang kaba na nararamdaman ko. Parang nong una lang namin pagkikita.
" How are you Franki? " sabay hakbang niyang papalapit sakin. I can see his eyes na may lungkot padin.
" I'm fine Argel. Bakit na sayo pala ang USB ko? " naguguluhang tanong ko.
" Nakita kasi kita kanina sa may entrance mukhang busy ka eh di mo namalayang nahulog yung USB mo swerte ka kasi ako yung nakasunod sayo. " nakangiting sabi niya.
" Salamat. " kukunin ko sana ang USB ko ng bigla niya itong nilayo sakin.
" Oops! Syempre may kapalit to. " sabi niya. Di makapaniwalang tiningnan ko siya.
" Anong pinagsasabi mo? Give me back my USB! " asar kong sabi.
" Na uh! Ibigay ko lang sayo to kapag papayag kang mag lunch tayo together. " sabi niya. I rolled my eyes on him. Really?
" Alam mong hindi pwede Argel! " giit ko sakanya.
" I know. Pero please Franki now lang. " he's pleading. I deeply sighed.
" Hindi ko parin nakalimutan ang ginawa mo Argel! " naalala ko na naman yung nangyari samin sa apartment niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
" Alam ko gusto mo din yun at alam ko na ako parin ang mahal mo at hindi ang tomboy na yun! " sabi niya. Isang malutong na sampal ang ginawad ko sakanya.
" How dare you call my wife tomboy ha! Hindi mo siya kilala." napangiwi siya sa ginawa ko. Ang kapal ng mukha niya.
" Ano tawag mo sa babaeng yun huh Franki? Ano? Mahal mo na ba sya? Utang na loob Franki bumalik ka na sakin! 9months na akong naghihintay sayo para na akong sasabog! " umiyak na siya.
Napako ako sa narinig ko mula kay Argel. Ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan niya.
" Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko nong nawala ka sakin. Parang kelan lang ang saya natin mahal na mahal natin ang isa't isa at sa isang iglap nawala ka sakin? Tas ngayon hindi mo ako pagbibigyan kahit simpleng lunch lang kasama ako? Ganyan na ba kadali sayo na kalimutan ako? " tuluyan ng tumulo ang luha niya.
" A---argel. " diko alam kong paano mag react.
" Babe just please comeback to me hindi ko na kaya mahal parin kita. " pagmamakaawa niya sakin kasabay neto ang biglang pagyakap niya sakin.
I don't know bigla ako nakaramdam ng pangulila sakanya. I love this guy so much wala siyang ibang ginawa kundi ang intindihin ako kahit na minsan mainitin ang ulo ko. Inintindi niya ako sa lahat lahat.
" Please babe this time ako naman amg piliin mo. " para siyang bata na humihikbi.
Kumalas ako ng pagkakayakap sakanya at hinarap siya. Masuyo kung pinahiran amg luha niya.
" Listen to me Argel i know mahirap sayo to but you have to okay? I'm married. " sabi ko.
" Isang taon lang naman diba? Basta ipapangako mo lang sakin na babalik ka, balikan mo ko. " patuloy parin sa pag agos ang luha niya.
" I can't promise you Argel but please ayoko na umasa ka. You don't deserve me. " diko na rin mapigilang maiyak.
" I don't care Franki mahal kita! mahal na mahal! Handa kitang ipaglaban sakanya. " matigas ang boses niya. Umiling ako saka binigyan siya ng ngiti.

BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
Random"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...