Franki's POV
Nagising ako dahil may narinig akong kaluskos diko alam san galing. Unti unti kong minulat ang mata ko dahilan para maramdaman ko yung sakit ng katawan ko.
Hindi ko alam kong paano ako nabuhay hanggang sa dami ng pasa ko sa katawan ngayon. Halos hindi ko na nga magalaw ang buong katawan ko.
Nilibot ko yung paningin ko nagulat ako ng makita ko ang isa sa mga dumukot sakin. Tiningnan niya lang ako na parang naawa.
" Kuya, please pakawalan mo na ako. " Nanghihinang sabi ko sakanya.
He sighed tumango.
" Pasensya ka na napilitan lang talaga ako. Sige wagka mag alala tutulungan kitang makalabas dito. " Nabuhayan ako sa sinabi niya.
" Talaga po? Salamat. " Pinilit ko paring ngumiti kahit masakit yung labi ko dahil sa sugat.
" Oo. Kaya wagka maingay habang wala pa si boss at tulog mga kasama ko. " sabi niya saka umikot sa likod ko at binadbaran ako ng gapos.
" Halika na! " Sabi niya.
" ano pangalan mo, Kuya? " Tanong ko.
" Wilbert. Pasensya ka na sa kasama mo sobrang naipit lang talaga ako. Kelangan ko tong gawin para ligtas yung anak ko na nasa hospital ngayon. " naiiyak na sabi niya.
" Wala po kayong kasalanan, kuya. Tara na po. " Nanghihinang sabi ko. Sobrang sakit talaga kasi ng katawan ko.
Paika ikang naglalakad kaming lumabas sa kung saan ako kinulong ni Mae.
Inalalayan ako ni Kuya Wilbert at nadaanan pa namin yung mga kasamahan nyang nakatulog habang yung mga bote na pinag iinuman nila ay nakakalat.
" Masakit ba katawan mo? Kelangan natin magmadali baka kasi maabutan tayo ni Ma'am. " mahinang sabi niya.
" Opo. " Nanghihinang sabi ko sakanya.
" Tara don sa may likod may daan don. " Lalakad na sana kami ng biglang may malakas na pumutok. Napasigaw ako dahil nagulat ako.
" At saan kayo pupunta? " Boses babae ito at kilala ko na kung sino iyon.
" Kuya anong gagawin natin? " Sabi ko.
" Ako na bahala dito. Kapag sinabi ko na tumakbo ka. Tumakbo ka agad. Naintindihan mo ba? "Mahina pero sakto lang na maririnig ko.
" anong pinagbubulungan niyo diyan ha? " galit ang boses neto.
" Sige na Franki. Tumakas na humanda ka na. " Bulong uli neto. Tumango naman ako saka tiningnan si Mae.
" paano ka? " Nag alala ako sakanya.
" Wag mo na ako aalalahanin basta kelangan mo makaalis dito. " Sabi nya.
Papalapit na sa pwesto namin si Mae dahilan para makabahan ako.
" Takbo!!! " Sigaw ni Kuya Wilbert. Agad naman ako tumakbo ng mabilis.
Kahit masakit yung katawan ko diko ininda. Kelangan ko makaalis sa lugar nato.
Pero bago pa ako makalabas ng biglang may narinig akong alingawngaw ng putok ng isang baril. Nakita ko mismo kung paano binaril ni Mae si Kuya Wilbert na walang awa.
Nagtatago ako sa may sulok na alam ko na di agad ako makikita ni Mae. Naghanap ako ng pwedeng ipanlaban ko sa kanya. Thank God may nakita akong kahoy.
Hinawakan ko to ng mahigpit sisiguraduhin kong mawalan ka ng malay neto Mae.
Nakita ko rin na nagsilabasan ang mga tauhan niya. Nababalot ng kaba yung dibdib ko ng makitang papalapit sa pwesto ko yung Isa sa mga tauhan ni Mae.

BINABASA MO ANG
A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC)
De Todo"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat sh...