Chapter Thirty Eight~

18.8K 313 10
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

Gabrielle POV

Pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa sobrang putla ko. Mas lalo lang nadagdagan yun ng tumingin sa akin si Amanda ng nakangisi.

"Oh hi, Ashter." Baling nito kay Ash na nasa likuran namin. Siya yung nagsalita kanina. Lumapit sa amin si Ash at tumabi sa akin. May kasama itong babae na hindi ko kilala. Hindi naman ito si Rhian. Yung kasama niya nuon sa resort. Kahit kinakabahan ay napuna ko pa rin ang pagiging babaero nito.

Hindi na nagsalita si Ash sa sinabi ni Amanda. Instead, binalingan nito si Cray na ngayon ay titig na titig sa nakangiting si Amanda.

Napayuko ako. I guess his heart is still beating for her. Nakalimutan man ang utak niya, sa tingin ko ang puso niya, hindi.

"Bro, let's go? We find a table para makaupo na tayo. i guess,Kanina pa nakatayo si Gabbie."Said Ash.

Nabaling ang tingin ni Cray sa akin. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko papunta sa isang table na nasa gitna. Sa lahat ng table, bakit yung nasa gitna pa?

"Pwede ba kaming makijoin sa table niyo?" Amanda asked Cray.

Sumunod pala sila sa amin. Talaga nga naman..tsk! Tsk!

Bago pa makahindi si Ash ay pumayag na si Cray. Agad naupo si Amanda sa tabi ni Cray. Malaking Round ang table namin at may siyam itong upuan. So ang ayos namin ay ganito, ako, Cray, Amanda, yung dalawang kaibigan ni Amanda, si Ash at katabi nito yung babaeng kasama nito. May dalawang bakanteng upuan sa tabi ko, kay Geo at Jon yata yun.

"So how's your bussiness?" Napatingin ako kay Amanda ng magsalita ito. Nakatingin ito kay Cray ng nakangiti.

"What about our bussiness?" Malamig na tanong ni Ash. Malamig din ang tingin nito kay Amanda.

"Nothing!" Ngumiti ito.."Ang tagal kaya tayong di nagkita kita." She said.

I saw her evil smirk at me. Puro nakangisi din ang mga kaibigan nito.

"Batchmate ba tayo?" Tanong bigla ni Cray kay Amanda.

"Ouch naman, Cray." Naglungkot lungkutan pa ito.."Kaya naman pala ganyan ka makatingin sa akin dahil di mo ako maalala." Maarteng sabi nito

Sabunutan ko kaya tong babaeng to! Nakakainis!

"Batchmate tayo! Sina Ashter, Jondrei at Geosheff diba?kaso diba nung nagthird year na tayo, nagmigrate na sa ibang bansa si Geosheff. Kaya ayun!"

Ngumiti si Cray.."Sorry di kita maalala eh"

"Its okay! I know naman na maaalala mo din ako pag nakaalala kana." Sabi nito ng nakangiti.

Tinignan ko ang reaksiyon ni Cray. Nakangiti na rin ito habang nag uusap sila ni Amanda. i look at Ash, he's looking at me. Para bang humihingi ng pasensya ang tingin nito. I smiled at him. Its okay, Ash. Its not your fault.

Patuloy lang sa pag uusap si Amanda at Cray ng dumating si Geo at Jon. Pareho pa silang nagulat ng batiin sila ni Amanda. Tumingin sa akin si Geo bago umupo sa tabi ko. Mapanuring tingin din ang ipinukol sa akin ni Jon.

"You okay?" Napatingin ako kay Geo ng magsalita ito sa tabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Hindi makaproseso ang utak ko sa mga nangyayari. Para bang nasa isang exam ako na kahit isa ay wala man lang maisulat. Ganun ako, wala akong masabi.

Nang nagkainan na ay pansamantalang tumigil si Cray sa pakikipag usap kay Amanda. Binalingan ako nito at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Kahit pa masasarap ang pagkain dito, parang nawawalan ako ng gana. Nakita ko ang paninitig ni Amanda sa inasta ni Cray. Yeah bitch, ganyan kasweet ang taong pinapabayaan mo lang. Ni hindi mo man lang siya magawang pahalagahan.

I'm His Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon