CHAPTER THIRTY FIVE
Gabrielle POV
"Happy 1st monthsary, baby." Sabi nito.
Oo nga pala, isang buwan na kami ni Cray. Meaning, isang buwan na akong nagpapanggap na asawa niya. Isang buwan na din akong nagsisinungaling sa kanya. Isang buwang pagsisinungaling sa taong natutunan ko nang mahalin.
Ngumiti ako sa kanya.."Happy 1st monthsary, hubby." Sabay yakap ko sa kanya.
I'm happy right now. Kaya wag ko munang iisipin ang lahat na nakakapagpalungkot sa akin.
Iginiya ako nito sa mesa. Hinila nito ang isang upuan at umupo ako duon.
"Pinaghandaan mo to ah." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito.."Syempre, its our first monthsary kaya kailangang special."
Sweet niya diba?
Kaya nga labs na labs ko yan eh. $_$
Kumain lang kami habang nagkwekwentuhan. Its our day kaya hindi ko maiwasang maging masaya kahit na ang dami kong dapat isipin. Alam ko na darating ang araw na mawawala ang lahat ng ito. Gusto kong sulitin lahat ng pagkakataon. Lahat ng araw na kasama ko siya. Lahat ng araw na masaya kaming dalawa. Dahil alam ko, lahat ng ito ay magiging masayang ala ala na lang para sa akin pagdating ng panahon. Hindi ako umaasang mamahalin niya ako pag nakaalala na siya. Oo, alam ko masakit para sa akin ang ganito. Na sa tuwing sasabihan niya ako ng mahal kita ay alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga para sa akin yun. Ganito pala talaga ang pag ibig. Na kapag nagmahal ka, kaakibat na yun ng sakit. Kahit gustuhin kong wag masaktan, alam kong sa huli, ako pa rin ang mapag iiwanan. Dahil minahal ko siya ng walang kasiguraduhan.
"You want to dance?" Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala siya.
Kasabay ng pagtanggap ko ng kamay niya ay ang pagsisimula ng pamilyar na tugtog.
'Seems all my life i've waited for someone like you
Sounds cliche but cross my heart i swear its true
See, thing like these dont happen to me
That's why i find it hard to believe'
"You know what's the best gift that God given to me?"
Napatingala ako kay Cray ng magsalita ito.. nasa gitna kami habang nagsasayaw. He place his hands on my waist while i'm placing my hands to his shoulder..
"What?" -me
'That someone is you, its always been you
Forever i'll give all of me..
"You" he answered
'To you, till the stars refuse to shine
Till the oceans all run dry and i can no longer breathe
My love is yours eternally
Oh you, my beautiful heavenly you
I pledge my life to you
My one and only you'
"I always thanked God for giving me the best woman in this world.." he said..i don't know what to say. For those words he said. I felt happy.
"Hindi lang sobra ang binigay niya sa akin..kundi sobra sobra, because your the one who give it to me." He's looking deeply into my eyes. I smiled at him.
BINABASA MO ANG
I'm His Pretend Wife
Romanzi rosa / ChickLitGabrielle Erish Aquino is a probinsyana girl who has a dream in life. Yun ay ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Kaya naman nakipagsapalaran siya sa maynila. Everything is not easy for finding a job. Ginawa niya ang lahat para matanggap sa...