Chapter Thirteen~

21.3K 341 3
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Gabriel POV

Tulog na si Cray ng umakyat ako sa kwarto namin..

Hay buti naman!

Akala ko makikipagtagisan muna ako ng lakas sa kanya bago siya makatulog!!

Buti at nakatulog na siya! Siguro masyado siyang napagod!

Humiga na rin ako sa tabi niya! Dahan dahan lang para hindi ko siya magising! Mahirap na baka magalit ang spoiled brat na to eh bugahan pa ako ng apoy!

Sayang lang ang byutipol face at sexy body ko kung masusunog lng din ako!! Huhuhu!! Corny ko na..

Dahil na rin siguro sa sobrang pagod! Nakatulog na ako!!

Nagising ako na masakit ang katawan ko! At saka parang di ako makahinga!

Nakapikit na kinapa ko ang kama!!

ANo to? Parang may matigas? Unan? Ang tigas naman-

⊙△⊙

Bigla akong napabalikwas ng bangon at naitulak ko ng malakas si cray na himbing na himbing sa pagtulog at nakayakap sa akin..

Kaya naman pala..

"What the hell, Gabbie?" Sigaw nito sa akin habang iniinda ang puwit nitong nasaktan..

"Sorry hubby! " sabi ko at lumapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo..

Naku! Baka kung mapaano pa ito! Injured pa man din siya! Baka mamaya bumalik ito sa horpital dahil sa ginawa ko!!

"Ano bang ginagawa mo? Bat ka ba nantutulak na lang jan! Sarap sarap ng tulog ko eh!" Naiinis na sabi nito.

"Sensya naman! Hindi pa gaanong gising ang mga cells ko kaya ayan nagulat ako! Kasi naman ikaw kung makalingkis ka sa akin,WAGAS! " sabi ko sa kanya..

Umirap lang ito sa akin at bumalik sa kama para matulog ulit!

Sungit ni koya huh? Hmmp!

Nag ayos ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto!

Naabutan ko dun sina ma'am Celine at Sir Abraham na nasa sofa..mukhang pupunta sila sa opisina dahil bihis na bihis ang mga ito..

"Good morning po!" Masayang bati ko!

"Good morning din sayo hija! Nakatulog ka ba ng maayos? Gusto mo na bang mag almusal?" Tanong ni mam Celine..

"Maya na po! Hintayin ko muna si Cray na magising! Mukhang napuyat!" Sagot ko..

Napatingin sa akin si Sir Abraham kapagkuwan ay ngumiti! Ngumisi naman si ma'am Celine..

"Naku ma'am alam ko yang iniisip niyo ha! Mali po kayo! Wala pong nangyari! As in wala! Pramis!"Sabi ko sa kanila..

Natawa lang silang dalawa!

"Wala naman kaming sinabi ah!"ma'am celine said

"Sus! Ma'am! Wag nga po kayo! Base on your sparkling eyes! Alam ko po yang tumatakbo sa isipan niyo! I know very well! And don't hide it! Amin amin din pag may time! " -me

Tumawa lang ulit sila..

"Hay ikaw talaga! O sige we gotta go! Call me pag may kailangan ka okay?"-ma'am celine

"Okie Dokie!" -me

niyakap lang nila ako at kiniss sa cheek..bongga! Parang ako lang ang anak nila!!

Umakyat ulit ako sa kwarto namin ni Cray! Aba! Anong oras na kaya! Kailangan na niyang gumising dahil nagugutom na ang mga magaganda at sexy'ng bulati ko sa tiyan...just like me!! Oha! Oha!

pabagsak na sumampa ako sa kama pero wa epek! Tulog pa rin..

Ano ba ginawa nito kagabi at mukhang puyat na puyat! Ang aga pa niyang natulog eh..

Kiniliti ko siya pero wa epek pa rin! Kinalabit kalabit ko na rin  pero wala pa rin!

ayaw mong gumising ha!!

Tumalon talon ako sa kama!! Parang akong nagjujumping rope sa ginagawa ko!!

"Whoah!! Whoah! ExcersiCe! Whoah!" -me

Tumalon talon lang ako hanggang sa akoy napagod pero wa epek pa rin..

Hinihingal na umupo ako sa tabi nlto! Hinawakan ko ang baba ko habang nakatingin sa tulog niyang pagmumukha..

Bakit ba ang hirap niyang gisingin?dinaig pa niya ang tulog na mantika!jusko!

Nag iisip lang ako ng magandang panggising kay Cray ng biglang..

*^o^*

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa braso nlya. Pinisil pisil ko muna yun! Aba matigas!! Then..

"Araaaayyyy!!"

Kinagat ko!

Halos mahulog ako dahil sa pagkakapiglas nito at pagtulak sa akin!! Napatayo ito ng wala sa oras!

Napapalatak ako ng tinignan ako nito ng masama!

"Peace tayo!" Sabi ko sabay peace sign

"Istorbo ka talaga!"

"Sus! Anong oras na kaya! Mag almusal ka muna bago ka ulit matulog maarteng spoiled brat!"-me

And as usual! Tumingin na naman ito sa akin ng masama! Parang kakain ng tao lang po!

Pumasok ito sa banyo na masama pa rin ang tingin sa akin..

"dalian mo jan ha! Gutom na ako eh!"-me

Hindi ito sumagot..

Umupo na lang ako sa kama! Iniintay siya!

Napatingin ako sa isang picture frame na nasa bedside table..picture namin yun ni cray sa singapore! Ang galing nga ng pagkaka edit eh! Kung hindi ko lang alam na hindi naman talaga kami magkasama sa singapore ay maniniwala talaga ako sa picture na yan! Parang totoo! Maitanong nga kay ma'am celine kung san niya pinagawa yan! Galing! Nakakabilib!

Talagang pinaghandaan nila ang pag iimbento ng kung ano anong storya kay Cray ha! Ni kahit anong picture ni goldie Amanda wala akong makita eh!! Tsk tsk! Planadong planado!

ibang klase ding magplano si ma'am celine! Buti nga lang hindi pa bumabalik ang amandang yun eh! Naku pag nagkataon na sumugod yun at sabihin kay Cray ang totoo! Swear, hindl ko alam ang gagawin ko! Magaling lang akong umacting oy, di ako amalayer!..Ahehe


Sus! Pagsisinungalingna din yang ginagawamo! Amalayer!

Shut up brain! Kung makapagsalita ka! Ikaw kaya nag uutos sa kin! Amalayer ka din!

Walangyang brain to! Maka amalayer Wagas! Gawin kitang leche flan jan eh! Pero dahil matalino ka ! I changed my mind! Gawin na lang kitang jelly ace! Mas yummy! Parang si Cray!

⊙_⊙

"Bat ganyan ka makatingin sa katawan ko!" Seryosong sabi nito pero alam kong nang aasar ang mga mata niyan!

Sus!  porke't maganda ang katawan! Ibalandra ba naman sa harapan ko! Buti na lang di ignorante ang mga mata ko sa ganyan!

Napangiti ako..

infairness may abs ang loko! six pack abs! ang yummy ng sa kanya ah! Sarap himasin! Pak na pak!

…………

A/N

Mabagyongumagawhoah!! Bagyongmariolumayaskadito! Hahaha..butinalang may kuryentekami! Yes! walangpasok!! Kekeke*

I'm His Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon