Chapter Three~

24.7K 423 12
                                    

CHAPTER THREE

Gabrielle POV

Tumingala ako sa building na nasa harap ko. masyado itong mataas at puro glass..halatang mayaman at maganda ang kompanyang ito..

Rueva Group of Company here i come..

lumapit ako kay manung guard at nagtanong..

"Hello manung guard ! magtatanong lang ako kung hiring pa po ba ang secretarial job dito?" tanong ko

"ah oo ! mag aaply ka ba hija?magtanung ka na lang sa front desk!" sabi nito at pinapasok ako..

nagtuloy tuloy ako sa front desk..

"Hi miss ! mag aaply sana ako as secretary! open pa ba yun dito?"-me

"oo ! open pa yun! ito pakifill upan na lang!" sabi nito..

finill upan ko yung binigay niya sa akin at pagkatapos nun ay ibinigay ko sa kanya..

"tatawagan ka na lang namin kung kailan ang magiging interview mo!" sabay tingin nito sa papel na finill upan ko.."magna cum laude ka pala, ang talino mo naman!"

nginitian ko lang siya..

mababait naman pala ang mga nagtratrabaho dito..siguro mabait din ang CEO..

nag apply pa ako sa ibat ibang kompanya na nakita ko..so far so good okay naman siya..nakakaubos nga lang ng energy dahil sobrang init at ang lalayo ng mga kompanyang inapplyan ko..pero okay lang..kasi kapag nakuha ako isa sa mga nun ay worth it ang pagod ko..

kinabukasan ay pumunta ulit ako RGC..tinawagan kasi nila ako kagabi na bukas na daw ang interview ko..kaya naman nagising ako nang maaga at nag ayos ng bongga..

ibinalita ko na rin sa mga momsie ko na nakapag apply na ako at ang hinihintay ko na lang ay ang interview..tumawag kasi ang mga ito sa akin kagabi. namimiss na daw kasi nila ako..

Nang makarating ako sa RGC ay agad akong sinamahan ng isang staff duon para sa interview..

"hintayin mo na lang na maitawag yung pangalan mo!" sabi nito at umalis..ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan..

marami rami din kaming mag aaply..siguro mga nasa 20 din..ang dami namin pero isa lang naman at ang kukunin nila..

at sana naman hindi ako yung huling maiinterview..tinignan ko ang mga kasama kong mag aaply..lahat sila talagang pinaghandaan ang interview na ito..talagang gusto nilang makuha ang posisyon na ito eh..tinignan ko ang katabi ko..nginitian ko siya pero ang bruha inirapan lang ako! aba ! inggit yata siya sa kagandahan ko! napakaganda ko naman kasi..kaya naman ang daming nang aaway sa akin..kasalanan ko ba na pinanganak akong maganda? hindi naman diba? mga bitter nga naman oo! naglipana na sa whole world wide..sana lang di yan nakakahawa!!

"Ms. Aquino?Gabrielle Erish Aquino"

"ayy ako na yan!" sabi ko sabay tayo at lapit sa babaeng nagtatawag ng names..

pinapasok ako nito sa isang room..nakita ko duon ang isang dalawang eleganteng babae..yung isa ay nasa mid 60's na pero halatang elegante pa rin..yung isa naman ay siguro nasa mid40's na..pareho silang maganda! parang hindi matatanda..

ngiting ngiting tumayo ako sa harap nila..

"okay miss aquino! base on your resume ay taga ilocos norte ka!" tanong ng isang babae na nasa 60's na.

"yes ma'am! taga ilocos norte nga po ako!"

"your 22 years old and graduated as magna cum laude in Armallo University." the other girl said..

"opo!"

"so what do we expect to you if we hired you as a secretary?" tanong ulit ng ginang..

"hindi ko po maipapangako na hindi ako magkakamali sa trabaho but i'll do my very best to do all my resposibilities at papatunayan ko po na karapat dapat ako sa posisyong ibibigay niyo po sa akin!" sagot ko ng nakangiti..

ngumiti ang dalawang babae..

"you have that confident huh? i like you!" the ginang said..hindi ko alam ang pangalan eh kaya ginang na lang..

"thank you ma'am!" nakangiting sabi ko..

I'm His Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon