EPILOGUE
This is the epilogue and i want to dedicate this to xxmariaclairexx.. Nagrequest kasi siya na magdedicate ako ng chapter sa kanya. At dahil birthday niya sa Sabado at dahil malapit na rin ang birthday ko, pagbibigyan ko siya.. So eto na.. Dedicate ko sayo ang Epilogue girl...Advance happy birthday and hope you like it.
Cray POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung nalaman ko ang totoo. I feel betrayed with my own family. She lied to me. All this time, niloloko lang pala niya ako. I thought she's my wife, pero hindi pala. Because she's only my pretend wife.
" How could you do this to me, mama?" Isinigaw ko yan kay mama..
" Cray please listen." Tinabig ko ang kamay nitong hahawak sana sa akin. I dont want to listen to them anymore. They all betrayed me. Niloko nila akong lahat.
Hindi ko sila kinausap. Hindi ko din sila pinakinggan. All i know is im mad..Lalo na sa taong pinagkatiwalaan ko at minahal ko. Galit ako sa kanya. Bakit nagawa niya ang bagay na iyon? Hindi man lang ba siya naguilty sa tuwing magkasama kami?
Nung nalaman ko ang totoo ay sobrang nagalit ako sa kanya. Na pinagsalitaan ko siya ng masama at pinalayas sa pamamahay ko. Pero nung umuwi ako ng bahay na wala na siya. Nagsisi ako. Mas lalong namuo ang galit sa puso ko. Na bakit ganun na lang niya ako kadaling iwan? Na bakit ang dali niyang sumuko sa pagpapaliwanag. I cried. I cried all the pain that she gave to me. Ang hirap tanggapin na puro pagpapanggap lang ang mga pinakita niya sa akin. Na hindi naman niya ako minahal.
Sa tuwing uuwi ako ng bahay ay nangungulila ako sa kanya. Oo galit ako, pero hindi ko maitatanggi na gusto ko pa rin siyang makasama. Gusto ko siyang patawarin at magsimula ng bagong buhay na kasama siya. Pero sa tuwing naiisip kong nagpanggap lang siya, yun ang hindi ko matanggap.
She taught me how to love and she taught me how to get hurt too. Hindi iilang beses na iniyakan ko ang ginawa niya. Sinubsob ko sa trabaho ang sarili ko para kahit papanu ay makalimutan ko siya. And i thought it was easy, hindi pala.
" Ano ba talaga ang ikinagagalit mo Cray? Ang pagkaalam mo sa katotohanan o ang alam mong pagpapanggap lang ni Gabbie?"
Sabi ni Geo ng makita niya ako dito sa bar na mag isang umiinom. Gusto ko siyang suntukin. Isa siya sa nagplano ng lahat.
Hindi ako nagsalita. Ininom ko lang ng diretso ang inumin ko. Ilang araw na din akong ganito. Hindi na ako umuuwi ng bahay ko dahil minu-minuto ko na lang naaalala si Gabbie. Kahit san ako tumingin sa bahay na iyon ay siya ang naaalala ko.
" Gabbie's not eating. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak." Agad na napalitan ng pag aalala ang ekspresyon ko. Pero hindi ko yun ipinakita kay Geo. Kailangan kong magmatigas. Para sa sarili ko. at para sa puso ko.
" I dont care." Matigas na sabi ko kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang puntahan para patigilin siya sa pag iyak.
" I want you to forgive her, Cray. Wala siyang kasalanan." Kinuyom ko ang mga kamao ko.
"Bakit ba lagi mo na lang siyang pinagtatanggol? You like her, do you?" Sigaw ko sa kanya.." Edi maging kayo na, La akong paki."
Tumawa ito ng mahina.
" Your right." Tumingin ako sa kanya.." Maybe i can do something to lessened her pain. Malay mo mahalin niya rin ako." Sabi nito at umalis na.
I dont know kung bakit ko iyon nasabi, basta ang alam ko lang ay panibagong sakit ang bumalatay sa puso ko. Naramdaman kong tumulo ang luha sa mata ko. Yes, Gabbie. this is what you did to me. Iniiyakan ka kahit nagpanggap ka lang.
BINABASA MO ANG
I'm His Pretend Wife
ChickLitGabrielle Erish Aquino is a probinsyana girl who has a dream in life. Yun ay ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Kaya naman nakipagsapalaran siya sa maynila. Everything is not easy for finding a job. Ginawa niya ang lahat para matanggap sa...