Chapter Forty Two~

18.4K 331 7
                                    

CHAPTER FORTY TWO

Gabrielle POV

Akala ko nananaginip na naman ako. I thought it was a dream again. Pero hindi pala.

Napagtanto kong hindi ito isang panaginip nang maramdaman ko ang sakit sa aking brasong mariin niyang hawak.

"C-cray.." halos walang boses ang lumalabas sa bibig ko dahil pakiramdam ko, natuyuan ako ng lalamunan.

Tumalim at dumilim ang titig nito sa akin. At bago pa ako makapagsalita, hinila na ako nito at isinandal sa pader. Sa lakas nun, ay naramdaman kong sumakit ang likod ko. Binalot ng kaba ang buong puso ko.

"C-cray..A-anong-"

"Totoo ba?" Galit na tanong nito..

Ibinuka ko ang bibig ko para magtanong kung ano iyon pero agad na siyang nagsalit..

"Totoo bang nagpapanggap ka lang na asawa ko!" Tanong nito

Nanuyo lalo ang lalamunan ko. Nag iwas ako ng tingin at pinagpapawisan na rin ako. Ito na yun. Ito na yung kinakatakutan ko. Ang malaman niya ang totoo. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Aamin ba ako? Magsisinungaling ulit? I don't know what to do.

"I'm asking you, Gabrielle!" Napapitlag ako sa sigaw nito.

Hindi ako nakapagsalita. Walang lumabas na salita sa bibig ko. Hinawakan nito ng mas mariin ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako..

"TOTOO BA HA? SUMAGOT KA, KNAKAUSAP KITA! TOTOO BANG NAGPANGGAP KA LANG NA ASAWA KO-"

"OO!" Umiiyak na pag amin ko.."Oo, Cray. Nagpanggap lang ako."

Nakita ko ang pagdilim At pag alab ng galit sa mga mata nito.

"C-cray p-pakinggan mo ako." Sinubukan ko siyang hawakan pero lumayo lang ito sa akin. Mas lalo akong napaiyak.

Tumingin ito sa taas at hinilamos nito ang mukha nito gamit ang mga kamay.

"H-hubby-"

"Don't call me that." Mariin niyang sinabi...

napayuko ako.

"All this time? All this time, Gabbie? Niloloko mo ako?" Sigaw nito..

"Cray please listen to me-"

"I don't want to listen to you anymore!" He's mad..he's really really mad..

"YOU LIED TO ME." Pumiyok ang boses nito..."pinagkatiwalaan kita! Minahal at pinahalagahan! Pero anong ginawa mo sa akin? Niloko mo ako!"

"Pakinggan mo ako, please! Oo, nagpanggap ako pero Minahal kita, Cray ,please maniwala ka." Halos magmakaawa ako sa kanya para paniwalaan niya.

Nanginginig ako sa sobrang pag iyak habang nakahawak ako sa mga kamay niyang pilit na inaalis nito.

"Maniwala ka sa akin please. Minahal kita! Lahat ng pinakita ko sa yo totoo-"

"Talaga?" Mapaghamong tanong nito.."alin bang totoo sa lahat ng sinasabi mo ha, Gabrielle? Kasi hindi ko alam kung kaya ko pa bang maniwala sayo!"

Humagulgol ako. Paano na ito ngayon? Paano na ako magpapaliwanag kung punong puno siya ng galit.

"How could you do this to me? Paano mo nagawa sa akin to ha?" Galit na galit nitong sabi sa akin

"I'm sorry.." humihikbing sinabi ko.."Patawarin mo ako."

Alam kong hindi na niya ako mapapatawad.. Nung minahal ko siya, sobrang saya ang naramdaman ko. Pero ngayon, sobra sobrang sakit ang kapalit ng lahat ng sayang naramdaman ko. Sobrang sakit na halos hindi na ako makahinga. Tama sila, Ang pag ibig ay parang lindol, hindi mo alam kung kelan ka yayanigin. Pero pagkatapos ng pagyanig na yun, iiwan kang wasak na wasak.

"Get out!" Mariing deklara nito.."Umalis ka sa pamamahay ko."

Halos manghina ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay tumigil na rin ang puso ko sa pagtibok. Tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha ko.

"C-cray please.." nagmamakaawang sabi ko

"Get out! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo." Sabi nito at nilagpasan ako

Agad ko siyang niyakap para pigilan siya sa pag alis..

"Magpapaliwanag ako, Cray. Please. Wag lang ganito. Hindi ko kaya." Humagulgol ulit ako.

Pilit nitong inaalis ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya.

"Please, Cray. Mahal kita." Pakiusap ko ulit

"Bitiwan mo ako. You liar!" Sabi nito at tinanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya tsaka niya ako nilagpasan para umalis. Pero bago siya umalis ay tumigil ito malapit sa pinto..

"I don't want to see you again! At pagbalik ko, wala ka na sa pamamahay ko." At pagdabog nitong isinara ang pinto.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Humagulhol ako ng humagulhol. Hindi ko na rin pinansin ang cellphone kong kanina pa nagri-ring.

Ito na ang lahat ng concequences ng pagsisinungaling at pagpapanggap ko. Bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang nung mga panahong hindi ko pa siya minahal. Kasi ang sakit. Sobrang sakit. Pano ko na kakayanin ang lahat ng ito?  paano na ako? Kakayanin ko bang wala si Cray sa tabi ko? Makakalimot ba ako? Sana nga, makalimot ako! Dahil alam kung hindi ko to kakayanin. Hindi na ako makakaahon. lalo pa 't si Cray lang ang nakapitan ko sa mga araw na pinanghihinaan ako. Kasalanan ko to! Lahat ng to kasalanan ko. Kaya wala akong w karapatang magreklamo. Wala akong karapatang manisi. Sabi ko noon, kakayanin ko ang lahat ng sakit na darating, pero bakit ngayon, hinang hina ako. Hinang hinang hina ako.

Tumayo ako at kinuha ko ang maleta na nakatagosa closet. Binuksan ko iyon at inilagay ang mga gamit ko. Hindi pa rin nauubos ang mga luha ko sa mata. Patuloy lang ito sa pagtulo.

It will be the end for the both of us. Mahal ko siya kaya kailangan ko siyang pakawalan. After all, hindi siya naging akin. Siguro nga, mas magandang nalaman na niya ngayon ang totoo. Para matapos na din ang kasinungalingan kong to. Tatanggapin ko lahat ng sakit, hindi ako magrereklamo because its my fault. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang makalimutan ko siya. Hindi ko na hihilinging bumalik ang lahat sa dati, dahil alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hindi na babalik sa dati ang lahat. Ang gusto ko lang hilingin sa ngayon ay ang mawala ang lahat ng hinanakit ni Cray! Lahat ng sakit na ako mismo ang nagdulot...i wish for his happiness.. kahit alam kong masakit para sa akin ang katotohanang hindi na ako ang kaligayahan niya..im willing to be happy for his happiness...his happiness.. together with her...

together with Amanda Imperial.

I'm His Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon