Chapter Forty Four~

20.1K 388 10
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

Gabrielle POV

Lumipas pa ang mga araw na ganito pa rin ako. Nasasaktan at nangungulila sa kanya. Kahit anong gawin ko, siya ang naaalala ko. I never been inlove like this. Siya pa lang ang unang minahal ko. At hindi ko aakalaing, mamahalin ko siya ng sobra.

"Hey." Tumingin ako sa pintuan kung saan may nagsalita. Its Geo. May dala itong pagkain at lumapit sa akin.

"Binilhan kita ng favorite mo. " sabi nito..tinignan ko ang mga dala niya. Chocolate cake, ice cream, pizza, lasagna at marami pang iba na paborito ko.

"Kain ka dali." He said at inabot ang chocolate cake sa akin.

Tinignan ko lamang iyon. Ni hindi man lang ako nag abalang kunin ang binibigay niya.

"I'm not hungry." Yan lang ang lumabas sa bibig ko at ibinaling ko na naman ang tingin ko sa kawalan.

Ganito ako palagi. Walang araw na hindi ako naging ganito. Pakiramdam ko, hindi ako nagugutom o napapagod. Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa umabot ng gabi.

"Gabbie.." hindi ko pinansin si Geo sa pagtawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Deretxo lang ang tingin ko sa kawalan.

"You need to go on with your life. " he said..

Hindi ako nagsalita. Alam kong alam niyang nakikinig ako kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Hindi ka pwedeng ganito palagi. Go on with your life...na wala si Cray sa buhay mo."

I don't know kung makakaya ko ang sinasabi mo Geo. You don't  know how much i tried to go on with my life na wala siya. Pero sa tuwing gigising ako sa umaga ay umaasa akong katabi ko siya. Na nandito pa rin siya sa tabi ko. Para akong namatayan. Pero anong pinagkaiba nito sa sitwasyon ko.

"You need to be strong, Gabbie. You need to fight. Kailangan mong mabuhay ng normal. He's happy now with Amanda."

Hindi ko alam kung bakit. Basta  ang alam ko lang ay sunod sunod ng pumatak ang mga luha ko.

'He's happy now with Amanda'

That's a cursed for me, ang malamang masaya na siya kay Amanda ay panibagong sakit ang bumalatay sa puso ko. Masaya na siya. I should be happy for that right? Dahil yun ang hiling ko. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya. Masaya na siya eh. Hindi na rin niya ako kailangan.

Sobrang sakit ang maging ganito. Na wala kang karapatang sabihin sa kanya na nasasaktan ka dahil hindi ka naman nagkaroon ng karapatan. Na hindi ka naman talaga nabigyan ng karapatan.

Bumuhos ang panibagong luha sa mga mata ko. Itinakip ko ang ang mga palad ko sa aking mukha. Batid kong nakatingin sa akin si Geo. At alam kong sa tingin niyang iyon ay nanduon ang awa. Awa dahil sa sitwasyon ko ngayon. Awa dahil wasak na wasak ako at hindi ko na kakayaning bumangon pa.

Umiiyak lang ako ng maramdaman kong niyakap ako nito.

"Tahan na. Hindi ka naman nag iisa eh. We're always here."

I know, Geo. Alam kong nanjan lang kayo para sa akin. And i'm contented with that. Sinusubukan kong maging masaya para hindi na kayo mag alala pa...

Geo POV

I saw her like this is a big guilt to me. Sa amin! Sa aming lahat na nagplano nito. We don't want to hurt Gabbie like this. Sa lahat ng mas nasasaktan ngayon ay si Gabbie iyon.

Kung sana ay hindi kami gumawa ng plano, hindi siya masasaktan ngayon.

She can't handle the pain herself. Kaya nga kami nandito para sa kanya dahil alam naming mahihirapan siya.

I'm His Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon