CHAPTER THIRTY TWO
Gabrielle POV
Kinabukasan ay puro mga nakangising pagmumukha ang bumungad sa amin ni Cray. Except sa tatlong pugita na kung makatingin sa akin ay parang gusto akong sakalin gamit ang mga galamay nila. Tsk! Mga insecure talaga.
"Kain na kayo, Cray! Nauna na kaming kumain! Ang tagal niyo kasing nagising. Mukhang pagod na pagod kayo kagabi ah!" Nakakalokong sabi ni Geo.
Umirap ako sa kanya."Excuse me?" Mataray na tanong ko..."anong pinagsasabi mong pagod na pagod jan!"
Nakakainis ang Geo'ng to! Nangunguna sa pang aasar! Kitlan ko na kaya siya ng buhay? Sigurado naman akong matutuwa si Cray kung sakali dahil ang laki ng selos nito kay Geo eh! Muntik pa nga kaming nag away kagabi-
Bigla akong namula ng maalala ko ang nangyari kagabi. Nakakahiya yun ah.
"Pagod na pagod! I mean napagod kayong ng away kagabi! " Nakangising sabi ni
Geo.."Nag away kayo kagabi diba?"Narinig kong tumawa sina Jon at Ash sabay bulong ng 'nag away sila sa kama'..
Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Tumahimik kayo jan kung ayaw niyong tanggalin ko lahat ng ngipin niyo! Nakakainis ang tatlong pugo na to!
Tuloy sa pang aasar ang tatlong pugo hanggang sa makauwi kami. Lumabas na ako ng van ng nakarating kami sa bahay. Bago kami makapasok sa loob ng gate ay may pahabol pa ang tatlong ulol
"Tuloy niyo ulit..."- Ash
"yung away niyo.."- Jon
"Sa kama ha.."- Geo
"Tse!"-me
"Enjoy!" Sabay sabay nilang sinabi yan! Chipmunks talaga..
Babatuhin ko sana ang sasakyan nila ng agad ng pinasibad ito ni Geo. Mga bwisit talaga.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Its a tiring day! Kailangang magpahinga! Masyado kaming nag enjoy ni Allie dun sa beach kaya napagod kami ng bonggang bongga.
'Akala ko napagodkadahilsa quality time niyoulit!'
Brain tumigil ka! Kung hindi dudurugin kita! Makapagsalita tong si brain akala mo kung sino. Ako pa rin ang amo mo ha! Respect to your beautiful master so shut the fucking up.
Shit english! Nanosebleed naman daw si ako! Harhar! Ang corny ko.
Lumipas ang mga araw na boring! As in bo-ring. Nandito lang kami ni Cray sa bahay kasama si Manang linda. May bussiness trip na naman kasi sina Ma'am Celine kaya wala na naman sila. Si Lola Carmela naman, nag tour na naman sa ibang bansa ! May balak daw siyang talbugin si dora the explorer! Ang lagalag na negra! =_=
Si Allie naman umalis na! Magaling naman na si Cray kaya hindi na niya kailangan ng nurse. Nakakalungkot nga na umalis na siya! Wala tuloy akong matinong kausap dito! Laging highblood si Cray! Meron kasi siyang kaphone pal. May problema yata sa bussiness. Kaya nga atat na atat na siyang bumalik sa trabaho eh. Masyado na raw niyang napabayaan ang mga trabaho niya. Swerte niya noh? At his age, malaki at maunlad na ang kompanya niya. Puro mga expensive cars pa ha. Kailan kaya ako magkakaroong kotse noh? humingi kaya ako kay Cray? Sigurado naman akong barya lang yun sa kanya eh. Hehe talino ko talaga! :-O..kaya lang parang nakakahiya! Baka magalit pa siya! Alam niyo naman yun, may pagkamaramot!
Anyways, babalik na nga siya sa work! At guess what? Aalis na din kami sa bahay nila Ma'am Celine. Titira na daw kami sa bahay na nabili ni Cray! Mas malapit kasi yun sa office niya. Ayoko sana eh kaso mapilit siya! Sigurado naman kasi akong mabobored ako dun diba? Papasok siya sa trabaho tapos ako maiiwang mag isa..
"Cray dito na lang kasi tayo tumira!" Pamimilit ko sa kanya.
Nag iimpake na kami ng mga gamit namin dahil bukas na kami aalis. masyado siyang excited diba?
"No." Sabi nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. Patuloy lang ito sa pag aayos ng mga gamit nito. Umupo ako sa kama. Mamimis ko tong bahay na to.
"Mabobored lang naman ako dun!" pagpaparinig ko sa kanya kinabukasan.
Talagang pinanindigan niya ang pag alis namin ah. bwisit talagang lalaki to. Kung hindi lang siya mas masungit kesa sa akin, makikipagdebate pa ako ng bonggang bongga. Pero di eh, masyado siyang bossy talaga. Kapag sinabi na niyang 'No and that's final' ay yun na yun! Pwe! Suntukin ko kaya tong lalaking to.
"We're here." Napatingin ako sa matayog na gate na nasa harap namin. sa sobrang laki nun, halos hindi ko na makita ang kabuuan ng bahay. Ipinasok ni Cray ang sasakyan sa napakalaking gate. At halos mapanganga ako sa sobrang laki ng bahay. All white ito na dalawang palapag.
"Bahay mo ba talaga to?" Manghang sabi ko habang nililibot ang mga mata ko sa paligid. Wow! Parang mas maganda pa nga ito sa bahay nina Ma'am Celine ah. Ang ganda talaga grabe! Ang mga muwebles at mga kagamitan, halatang mga mamahalin. yung mga paintings ang gaganda. Plus, ang bongga ng hagdan! Parang gusto ko na lang magpabalik balik na maglakad duon. Magpahulog kaya ako? para new experience!
"I bought this when i was third year college! Syempre, sa tulong din nina mommy." Said Cray
Kaya pala nakabili siya ng ganitong kalaking bahay. Sa tulong ulit ni Ma'am Celine! Mama's boy ang loko.
Pagkatapos kong mag ayos ng mga damit ay naglibot ulit ako sa buong bahay. Manghang mangha pa rin ako hanggang ngayon. Wag kayo, ignorante ako. Poor lang ako kaya masyado akong naiignorante ngayon.
Ang alam ko, tumira na si Cray dito pagkagraduate niya ng college. Napaisip ako. Nadala na niya kaya dito si Amanda? Siguro binili niya to para sa future nila ni Amanda. Tsk! Ang swerte nga naman ng babaing yun! Inlab na inlab sa kanya si Cray! Sayang lang at may ibang motibo yung babaing yun! Happy na sana ang lahat! Kung mahal lang nila ang isat isa!Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil hindi mahal ni Amanda si Cray. Kung siguro minahal lang ni Amanda si Cray, wala ako ngayon dito! Na hindi ko makikilala si Cray. Ano kayang mangyayari kung hindi ko tinanggap ang pagpapanggap na ito noh? pero di naman ako nagsisisi na tinanggap ko ang offer na ito noh! Dito ko kaya nakilala si Cray! Kahit naman ganyan yan! Meron pa rin siyang sweetbones sa katawan! At dahil isa akong pinagpalang dyosa, kinikilig ako syempre. kaya nga unti unti na akong nahuhulog sa kanya eh. Masyado kasing attractive ang loko. di ko mapigilang mahulog. Ang saklap diba? Nagkagusto ako sa lalaking walang maalala! ang mas masaklap pa, may mahal itong iba! ang sakit sa bangs!+_+*
![](https://img.wattpad.com/cover/22109260-288-k409177.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Pretend Wife
Romanzi rosa / ChickLitGabrielle Erish Aquino is a probinsyana girl who has a dream in life. Yun ay ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Kaya naman nakipagsapalaran siya sa maynila. Everything is not easy for finding a job. Ginawa niya ang lahat para matanggap sa...