A/N: Sana po mabasa nyo din ang isa ko pang story "Drunken Mistake with my Beki Boss" completed na po yun. Thank you po♥️
Naglalakad na ako papasok ng campus. Tinahak ko ang daan papunta sa department namin. Geez malelate na ako, si prof. Colendres pa naman ngayon. Halimaw yun kung magturo eh. Napakastrikta at palaging menopausal. Taz absent kana agad pag 5 mins late.
Kailangan kong daanan and business Dept bago marating ang Biology dept.
Medyo matao pa sa daan kasi medyo maaga pa naman 7:45 palang usually the classes start at 8am."Paparating na sya!" Biglang tili nung isa.
"Kyaaaaa!" Agad nagkumpulan ang mga babae sa gilid ng corridor. Yung isa sa kanila na sangga pa ako kaya nagsilaglagan mga notes na dala ko. Hindi man lang ako pinansin nito at patuloy padin sa pagtitili.
"Di man lang nagsorry." Bulong ko sa sarili at pinulot nalang ang nagsilaglagang mga dala ko. Kinuha ko ito isa isa at naramdamang matahimik ang lahat. Pakiramdam ko dumilim ang paligid at namute ang lahat ng nasa corridor. Tumayo ako ng matapos kung pulutin ang mga notes ko.
"Hoy. Umalis ka dyan." Sabay higit nung babae sa akin paalis sa kinaroroonan ko. Asa gitna kasi ako ng daan. Tiningnan ko ito ng kumot noo.
Ano ba ang nangyayare bat nagkakaganito ang mga to? Ah nga pala. Syempre sya lang naman ang nagbibigay ng ganitong klasing epekto sa buong sambayanan eh.
Napatingin ako sa kinaroroonan nya. Walang kaemo emosyong naglalakad ito habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants nya. Madilim ang mukha at diretso ang tingin sa daan. Ganyan yan palagi. Wala pang may nakakita sa kanyang minsang ngumiti. Araw araw straight face lang ang pinapakita nya.
Nakakatindig balahibo ang aura nito. Nakapanghina ng tuhod ang presensya nya. Walang isa sa amin ang may lakas loob na tumingin sa mga mata nya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko di dahil sa kinababaliwan ko din sya kagaya ng ibang babae dito. Kundi sa di kaalamang dahilan.
Napansin kong asa harap ko na syang banda. Namamasa yung mga kamay ko sa kaba. Di naman yan nangangain ng tao pero bakit ganito sya bumigay ng epekto?
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng lumampas na sya sa kinatatayuan ko.
Napasinghap ako ng maiwan ang bango ng suot nitong pabango. Ang bango naman ata nyan. Amoy palang mamahalin na. Tss kung sabagay si Akira Cassian Miliano ang pinag-uusapan natin dito. Isa sa pinakamayamang estudyante ng Steinfield University. Na feature din yan sa Forbes as one of the richest bachelor in Asia. Lahat andyan na sa kanya ang pagiging isang kilalang matalino at pagkakaroon ng napakaperpektong pagmumukha.
"Kyaaa sobrang gwapo nya."
"Huhuhu nanginginig padin mga tuhod ko."
"Sheet I think I'm gonna pee"
"He's so dreamy!"
Ibat ibang commento ng mga kababaihan.
Di naman talagang maiwasang mahumaling lahat sa kanya. Yun nga lang isa din sa pinakakinatatakutan sa school namin.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 5 mins nalang mag 8am na.
"Shemay! Si Prof. Menopausal asa room na." At agad na akong tumakbo papuntang dept ko.
"Miss Madrigal! You're late again!" Sita ni prof. Colendres ng makita akong hingal na hingal sa may pinto.
"S-sorry po. Na traffic kasi eh." Oo traffic dun sa business department dahil sa Kira na yun.
BINABASA MO ANG
The Possessive Ice King (Dropped)
RomanceThis story may contain violence, murder, sexual, and strong language. Please read in peace, discrimination is not allowed. #Taglish story