Chapter 6 TPIK

641 51 0
                                    


Celestine's POV

Para akong naging bato sa kinatatayu'an ko ng makita at nagsalita ito. Anyways he spoke two clear words. And this is the first time I heard him.

"H-Hi." Bati ko nalang at yumuko. Hindi ko na hinintay na batiin ako nito pabalik kasi hindi na din naman yan sasagot kaya nagtuloy ako sa paglakad.

Ramdam ko ang bawat yapak niya sa likuran ko. Hindi ko alam kong pareho ang daan na tatahakin namin o sinusundan niya ako. Well, why would he follow me anyways?

Gusto ko itong lingunin ngunit natatakot ako.

But...did I hear him right? He said 'you're here'. Was he referring to me? Eh ako lang naman ang andito. Was he waiting for me? Huh? Illusyonada nadin ba ako katulad ng mga Kira-tards na yun? Ay ewan ko, di naman kasi maintindihan ang taong 'to mas lalo lang magugulo isip mo sa kakaisip sa mga kinikilos niya.

Mabilis na nilingon ko siya sa likuran and as expected asa likod ko nga siya naglalakad habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nyang pants. Hininaan ko ang lakad ko baka sakaling asa daan niya ako. Kung gusto niya mauna nalang siya since mukhang pareho naman ang daang tatahakin namin.

I thought he is to walk pass by me pero hininaan din nito ang paglakad niya. Lalo akong kinilabutan sa kilos niya. He is not gonna do something to me here, right? I mean...he is Kira the Ice King and most fearsome figure of Steinfield University.

Napatigil ako sa paglalakad at nagbabakasakaling lalampasan niya lang ako, ngunit tumigil ito sa gilid ko.

"Problem?" He asked na ikinagulat ko.

"H-huh?" Utal na tanong ko. Napatingin ako sa paligid to make sure he is really talking to me. And heck yeah he really is talking to me.

"N-No...N-nothing." Sagot ko at nagpatuloy sa paglakad. Mga ilang segundo pa ay isa isang lumitaw ang grupo ng mga lalaki sa harap namin.

May mga bitbit na pamalo ito na bakal. Oh no I smell trouble. I have a feeling na si Kira ang target nila. For sure maraming nakabangga ang isang to na mga gangs.

"Oh hey there beautiful lady, are you an acquaintance of this bastard?" Halatang nakalokong ngiti ito habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Madilim ang paligid kaya hindi masyadong kita ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa amin. Napausog ako ng unti dahil sa takot kaya accidentally napasandal ako kay Kira na mas lalo ko pang ikinaputla. I feel like I am in the trap of a group of Hyenas and a Lion.

"Kira! It's been so long since we've seen each other. I didn't know you have a girlfriend." Girlfriend? Saan? Sino? Ako?....Mahinang itinulak ako ni Kira at pinasuot sa akin ang hoodie ng jacket ko. Nagulat ako sa ginawa niya, but I kinda get why he did this.

"Stay!" He said as if I'm his pet.

Suminyas yung lalaki kanina sa kasamahan niya na tingin ko ay leader ng grupo. Agad na umataki yung lalaki kanina at akmang hahampasin si Kira ng bitbit nitong bakal ngunit agad namang napigilan nito at sinipa sa tyan yung lalaki sabay agaw ng hawak nitong bakal.

"Bastard! Get him." Galit na utos nito sa mga kasama, ibinato ni Kira ang bakal sa isa sa kanila at, bullseye yung isa. Ngulat ako sa biglang paghigit nito sa akin at tumakbo.

"Kyaaaaaah!" Sigaw ko habang madiing nakahawa sa kamay nito. Hindi ko alam kong bakit ako naisali dito pero bahala na andito na eh, naisali na ako.

Takbo lang kami ng takbo, pasok sa eskenita at isa pang eskenita. I feel like we are shooting a movie, chasing by some mafias whom we committed a crime.

"Hanapin niyo. Tandaan niyo ang mukha nung babae." Dinig kong sigaw ng isa. Hala bakit ako?

"daddy!" Takot na usal ko. Dyosko nasali lang ako sa gulo ni Kira, so dapat si Kira lang ang kalabanin niyo wag na po ako huhuhu. I still have dreams.

The Possessive Ice King  (Dropped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon