Unang Paksa

166 5 0
                                    

Unang Paksa

"Ivanna, tigilan mo 'yang mga pinaggawa mo! Halos suntukin kana nga ng mason na iyon dahil sa paghalik mo sakanya. Kung hindi ako dumating baka ano pa nagawa sa'yo!" Pagalit na sabi ni stefan na kaibigan kong bading.

"Malay ko ba, gusto ko lang naman subukan kung malambot nga ba ang labi nun." Umirap ako.

"Alam mo naman na hulog na hulog iyon kay lianna sarvaro!"

Hindi ako kumibo at nagpatuloy sa paghahanap ng magandang lalaki dito.

Kanina pa ako nagmamasid ng magandang lalaki sa bar na ito pero pakiramdam ko hindi na ata ako makakahanap. Dadagan pa ng kaingayan ni stefan.

"Pwede ba, tumahimik kana at para makahanap na ako ng makakausap ngayon."

"Bahala ka nga diyan! Maghahanap na nga lang din ako!"

Ngumisi ako at hinayaan na siyang umalis. Naging kaklase ko rin si stefan sa lahat ng subject. Kaya simula noong lagi na kaming nagkikita, doon na kami naging malapit sa isa't-isa. Kontento narin ako sakanya kasi siya lang naman ang nagpakatotoo saakin, hindi gaya ng iba diyan. At lagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay. Iyon din ang isa sa nagustuhan ko

Wala naman akong ibang natanggap na insulto sa kanila, sa mga kaklase ko noon, kung hindi malandi, mang-aagaw at kung ano-ano pa. Ano pa ba ang bago?

Inggit lang sila kasi hindi lumalapit iyong mga gusto nilang lalaki, kung hindi saakin! Kahit nga boyfriend nila, nilalandi ako!

At paano ba 'yan? Kahit ipagtaboy ko, dikit ng dikit sa kagandahan ko. They can't blame me, maganda lang talaga ako at wala akong magagawa kung hindi landiin din sila pabalik. Ganti ko lang iyon sakanila, sa paninira nila saakin. Iyon lang din naman ang tingin nila saakin, idi maging malandi nalang ako sa harapan ng lahat.

Ang dami rin naniniwalang nakuha na ako nang kung sino-sinong lalaki. Pagod narin akong pilitin silang paniwalaan din ako. They only believe kung ano ang nakikita nila saiyo. Sana man lang magtanong kayo, hindi iyong huhusgaan niyo agad ang tao!

Ganoon naman talaga sila, hinuhusgaan ka agad kahit hindi pa nila alam ang totoo. I don't care what people say about me. Alam ko kung sino ako. I'm tired of pleasing people around me. Kahit naman magpaliwanag ako, iyon parin ang paniniwalan nila.

Bitch! Nakakapagod rin kaya!

Laking pasalamat ko nga at andito si stefan sa tabi ko para maging kakampi ko sa lahat.

Hindi ko na siguro mabilang kung ilang lalaki na ang meron ako. Well..hindi naman kami nagtatagal. Minsan nasa dalawang linggo lang, o dikaya'y tatlong araw nga lang. Alam ko kasing hindi totoo iyong panliligaw nila saakin. I know what they want from me. Hindi ako bulag para hindi alam ang mga kilos nila. Iyon lang naman talaga, hindi ba? Pagnakuha na nila iyong gusto sa'yo, iiwan ka agad sa ere. Kaya ngayon, ako na mismo ang gagawa nun kesa naman maunahan ako.

I don't believe in Love. Hindi naman siguro iyon totoo. Hindi ko alam kung magmamahal ba talaga ako ng tunay sa laki, gayong alam ko naman na hindi rin nila ako mamahalan. They only want my body, kaya siguro baliw ma baliw silang makuha ako. Mabaliw kayo kakatingin saakin!

"Hi, miss." Biglang sulpot ng lalaki. Matangkad ito at may kaitiman ng kaonti. Pero masasabi kong gwapo rin siya. Ang mga mata niya ay kumikinang sa ganda nito.

"Hello.." Nakangiti na bati ko pabalik.

"Kanina pa kita tinitingnan. You're beautiful." Huminto ito sa pagsasalita at napansin ko ang pagbaba ng tingin sa suot ko. Ano pa nga ba? Sanay naman ako sa ganitong tingin nila saakin. Kahit nakatakip pa ang binti ko binabastos ka parin..

Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon