Kaumagahan nagising ako na wala sa tabi ko si Ares.
Agad naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Hinalikan ko siya! Bakit ba, nadala lang naman ako! Tsaka, hinayaan niya naman ako roon.
Halos umabot ang ngiti ko sa mga mata. Hindi narin napigilan ay napatili ako.
Baka gumising iyon ng umaga o nagluto ng pagkain sa kitchen? Hindi ko alam. Mabilis na tumayo ako at lumabas ng kwarto, pero nadismaya lang ako nang makitang wala rin siya sa sala o kahit sa kusina. Bumalik ako sa loob ng kuwarto at kinuha ang cellphone ko sa loob ng drawer. Binuksan ko iyon at agad nakita ang dalawang mensahe niya para saakin.
"Sorry, hindi na kita ginising pa."
"Babalik rin ako. I have an urgent to attend."
Nakangusong nagtipa ako ng mensahe para rito. Sana ginising niya na lang ako.
"Goodmorning! Kailan uwi mo?"
Nagulat ako nang tumunog agad iyon. Inabangan niya siguro ang text ko.
"I don't know. Just stay inside, Ivanna. And please, eat your breakfast."
Ngumiti ako sa nabasa ko.
"Okay!"
Hindi na naalis ang ngiti ko sa mga labi pagkatapos. Hindi ko alam at anong meeting ang pinuntahan nito. Ayoko naman magtanong pa, baka isipin niya naging detective na ako.
Sa araw na ito ay ganoon parin ang routine ko. Dumating si Ma'am Lourdes ng alas dyes nang umaga at sinimulan muli ang discussion.
"You're good at this, Ms. Aragon." Sabi nito habang tinutukoy ang ginawa kong sketch.
"Thank you po!"
Nalungkot naman ako nang matapos nang maaga si Ma'am lourdes. Pakiramdam ko kasi matatagalan si Ares at wala naman akong ibang gagawin dito. Ayoko na rin ng lumabas pa muli at baka awayin at pagalitan niya na naman ako gaya kahapon. Pero okay lang..kung ganoong paraan niya naman ako patatahimikin, aba mag-iingay nalang ako at para mahalikan niya ako araw-araw!
"Ares, gusto kong lumabas." Text ko rito. Pero sumimangot lang ako sa natanggap kong text.
"No."
Mabilis na nagtipa ako para sakanya.
"Saan kaba kasi?"
Ilang minuto na ang lumipas at wala na akong natanggap na text mula sakanya. Nakakainis naman!
Dahil wala naman akong ibang magawa at hindi rin na siya nagreply saakin. Sinubukan ko nalang enjoyin ang sarili ko sa panonood ng magandang telegrama. Nasiyahan naman ako roon at kahit papaano ay nawala ang pagkabagot ko rito.
Hindi ko maiwasang mamiss si Mama at Karius. Tinawagan naman ako ni Mama noong isang araw, pero wala parin itong oras na bisitahin ako dahil walang magbabantay sa karenderya.
Susubukan ko nalang sabihin ito kay Ares, mamaya. Sigurado naman akong hindi ako matatanggihan nun. Gusto ko lang talaga makita at makasama kahit saglit ang pamilya ko.
Sa kalagitnaan nang panonood ko ay biglang nag ring ang cellphone ko. Mabilis kong nakita ang pangalan ni Stefan doon sa screen. Hindi pa ako nakapagsalita ay mabilis na akong inunahan nito.
"Check your feeds. It's all over the news, Ivanna!"
Kumunot ang noo ko. News?
"Ano naman pakialam ko doon?" Umikot ang mga mata ko.
"Gaga ka talaga! Tignan mo at para malaman mo. You won't like this, I swear." Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay padabog niya ng binaba ang tawag. Bitch!