Chapter 6

63 5 0
                                    

"Ate, Malalate na ako!"

"Mama si ate hindi parin nagising!"

Iyon ang una kong narinig pagkagising ko. Ang sigaw ng letse kong kapatid.

Mabilis na tumayo ako at ngayon lang din napansin na mag-aalas otso na!

Nagmamadaling lumabas ako at nakitang handa na ang pag-alis ni karius.

"Mama, malalate na po ako! Si ate mabaho pa!" Sumbong nito.

"Bakit kasi naginom kapa kagabi, iha..at tignan mo, iba pa ang naghatid saiyo. Sino ba yung lalaki? Si akes ba iyon o ares?"

"Si kuya Ares po, Mama?" Si karius.

"Oo siya nga iyon."

Nagulat ako sa tanong ni mama. Ngayon ko lang din naalala na hinatid pala ako ni ares kagabi dito!

At ang bad timing pa nun, kasi inaantok na ako sa kotse niya. Ni hindi ko man lang siya napapasalamatan. Pumasok na kasi agad ako at si mama na mismo ang kumausap sakanya kagabi.

"Mama, ano ba ang sinabi mo sakanya kagabi?"

"Naku! Nahiya pa ako. Sabi niya huwag na raw kitang papayagan sa susunod! Baka ano pang masabi saakin at pinabayaan kita. Tumigil ka nga kakainom mo, Ivanna!"

"At ano pong sabi niyo?"

"Naku! Wala akong masabi. Pagkakaalam ko kasi may-ari iyon ng campbell corp! Mayaman pala iyon, Ivanna. At ang gwapong bata pa."

Ngumuso ako sa huling sinabi ni Mama. See, kahit si Mama nakita niya ang kagwapuhan ng lalaking iyon!

"Iyan ang karenderya namin. Punta ka dito ha para naman matikman mo mga luto ni Mama."

Iyon lang ang naalala ko. Basta pagkatapos ng usapan doon na ako nakaramdam ng pagkaantok. Nakakainis naman!

Shit! Malalate na pala ako sa klase! Hindi nalang siguro ako papasok sa unang klase, kay Sir Jon. Ngayon lang naman 'to.

"Mama, magdadala parin ako ng tatlong ulam, pero ibang putahi naman." Sabi ko.

"O, sige. Ako nalang maghahatid sa kapatid mo at mahuli kapa sa klase. Si meneng nalang muna magbabantay sa karenderya natin."

Tumango ako.

"Mama, si kuya Ares lang bibigyan niya sa pagkain na iyan." Narinig kong sabi ni karius kahit nakalayo na sila ng kaonti saakin.

"Karius!"Sigaw ko pero binelatan lang ako.

Binuksan ko rin ang cellphone at nakitang tinadtad ako nang texts at tawag ni stefan kagabi. Agad nagtipa ako ng mensahe para sakanya bago iyon binaba para makaligo narin.

"Stefan, kita nalang tayo sa cafeteria. Hindi na ako makakapasok saunang klase."

Agad na sinend ko iyon. Bago ko pa maibaba ay biglang tumunog iyon at tumawag agad ang bakla. Talagang inabangan niya ang pagreply ko. Umirap ako.

"Ivanna!" Bulyaw niya agad saakin mula sa kabilang linya. Inilayo ko naman iyon ng konti. "Nasaan ka kagabi? Halos mabaliw ako kakahanap saiyo! At kung hindi lang ako tinawagan ni Ares hindi ko malala—"

"Pwede ba, mamaya nalang tayo mag-usap. Nagmamadali ako, e!" Umirap ako sa kaartehan niya. Akala mo naman hinanap talaga ako. Ni hindi niya na nga ako pinansin kagabi dahil sa krish Jart na iyon!

"Talaga lang! Bilisan mo! Bye na andito na si Sir Jon ko." Sabi nito at mabilis na binabaan ako ng tawag. Ambastos talaga! At hindi ata siya mauubusan ng lalaki sa mundong ito!

Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon