"Hi!" Bati ko nang makita ang mukha niya sa screen. He didn't say anything. He only looked at his screen too.
Kagaya ko, nasa kama na rin siya. Hindi ko rin maiwasang bumaba ang tingin ko. Wala siyang saplot na damit. Natulala naman ako saglit dahil sa nakita ko. He smirked at my reaction.
"Uhh..ano nang gawa mo?" Tanong ko para maibsan ang kahihiyang pagnanasa.
Tignan mo naman, anak. Kung sinuswerte, ang gwapo ng ama mo. Tsaka, maganda rin naman ang mommy mo.
He licked his lower lip. Pakiramdam ko talaga, mababaliw ako rito! Lahat nalang ng kilos niya ay namamangha ako.
"Can you..lower your camera?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huwag mong sabihin.. Agad nataranta ako.
"Hoy, ares! Hindi porket magkakaanak na tayo, masusunod na lahat ng gusto mo!"
"What are you talking about? I just wanna see your tummy, Ivanna."
Pumikit ako at mabilis na inilayo ang camera saakin. Pakiramdam ko makikita niya ang pamumula ko. Nakakahiya ka, Ivanna! Kung ano-ano nalang iniisip mo!
Ngumisi ako at natahimik. Nang ibinalik ko muli ang sarili sa camera ay kitang-kita ko ang pagngiti niya. Tumihaya ito kaya nakita ko nang bahagya ang dibdib niya. Umawang ang mga labi ko. Napansin ko naman ang pag-angat ng labi nito.
"Ivanna, Let me see the baby."
"Okay.." sabi ko at unti-unting tinaas ang damit para makita niya ang tiyan ko. Hindi ko naman maiwasang lumabas ang ngiti ko sa labi.
"It's still small."
"Yeah.." sago ko at inangat muli ang camera saakin.
Matapang na tumitig ako sa buong mukha niya. Seryoso ito at parang may malalim na iniisip.
Hindi ko maiwasang pagmasdan siya lalo na sa screen. Hindi narin ito nagsalita at tumitig lang din kagaya ko. His hair is long and too messy, pero guwapo parin iyon sa paningin ko. Kailanman ay hindi naman talaga siya naging panget para saakin.
Ano kaya ang magiging itsura ng anak ko? O saan kaya siya magmamana?
Laking pasasalamat ko rin kay stefan. Kung siguro hindi niya ako nakombinse, baka nalaglag ko nga ang batang ito. Sa buong buhay ko, alam kong pagsisihan ko nga kung sakaling mangyari iyon. Hindi ko maipaliwanag itong sayang nararamdaman ko.
"Ares.." tawag ko.
"Hmm?"
"Paano pag hindi sang-ayon ang pamilya mo?" Hindi ko na napigilan itanong iyon.
"Don't worry too much. Ako na ang bahala sakanila."
Tumango ako sa sinabi niya. Sa tingin ko, hindi niya naman kami pababayaan.
Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay narinig ko ang dalawang katok mula sa labas ng pinto.
"Ivanna?"
Si mama!
"Ivanna.." tawag niya ulit. Bumukas ang pinto at iniluwa siya doon.
Si mama nga!
Lumapit ito at ngumiti saakin. Wala sa sarili ay nagmamadaling tumayo at tumakbo ako para yakapin siya nang mahigpit.
"Mama!"
Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.