Chapter 9

75 6 0
                                    

Hindi ko mapigilang magalit at pagbuntungan siya habang nasa loob kami ng kotse niya. At ang bigat niya pa!

Pasalamat siya at tinuruan ako ni christian magmaneho!

"You can drive, huh?"

"Oo. Thanks to christian. Bakit kaba kasi uminom ng marami, ayan tuloy!"

"That guy, again. Do you like him?"

Dahil sa tanong niya ay napatingin na ako dito. Tumitig siya saakin at pakiramdam ko ay tinitimbang niya lahat ng kilos o galaw ko.

"Hindi, no!" Agap ko at medyo napalakas ang boses dahil sa kaba.

Bakit ba ako kinakabahan?!

Tahimik kami sa loob ng kotse. Hindi naman siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsasalita pa. Tsaka, napipikon ako. Tsaka, kung magdadaldal lang ako rito, baka magalit pa siya saakin.

Binigay niya naman saakin ang address, at ang pagkakaalam ko, sila ang may-ari ng condominium unit na ito.

Lumabas na kami pagkatapos kong maiparada ang SUV na kotse niya. Binati kami agad ng gwardya pagkapasok namin. Kahit marami ang nainom niya ay hindi naman halata sa itsura nito. Siguro, ay sanay na siya. Nga lang, mas tahimik siya ngayon at parang may malalim na iniisip. Pinagmasdan ko ang malapad niyang balikat. Dahil sa mahabang bias nito ay talagang nangunguna siya lagi sa paglalakad. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya doon at pinakahuling floor.

"Hindi kaba nahihilo?" Tanong ko.

He didn't say anything.

"Inaantok ka naba?"

Hindi parin siya sumagot. Hindi ko naman maiwasang mainis ng kaonti. Ah, oo nga naman, nag-iisa lang pala ako rito. Kahit tango o iling man lang hindi niya magawa para sagutin ako!

Nilagay niya lang ang card dito at automatikong bumukas na iyon. Agad namangha ako sa linis ng suite nito. It was concrete and the same scent of him. Paniguradong, mamahalin ang mga bagay niya dito. Walang kahit anong dumi. Kung iisipin, baka meron siyang taga linis dito. Pero sa nakikita ko, hindi marumi at pabaya si ares.

"Ang ganda.." namamangha na sabi ko.

Bigla siyang umupo sa couch at binagsak ang sarili doon. Isinandal niya ang batok nito sa likod ng sofa. Muli, ay nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Uuwi na ako. Basta magpahinga ka nalang dit—"

The dark of his eyes sent me shiver. Nabibingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Hindi ka aalis. It's too late to go home, Ivanna."

My mouth dropped. Dito ako matutulog? Nababaliw na ba siya?

"Paano pag hahanapin ako ni mama!"

"Let me handle that one.." halos bulong niya ng sabi at binalik ang sariling pagsandal sa couch.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nito. Sa pagtitig palang ng ganito ay nanunuyo na ang lalamunan ko. Ni hindi man lang siya natinag sa paglapit ko. Sumimangot ako sa iniisip ko.

"Bakit kaba kasi naglasing!" Padabog na sabi ko. "Kung sana sinama mo ako, baka nabantayan kita!" Ngumuso ako.

Walang ka reak-reaksyon ang mukha niya. Kaya mas nairita pa ako lalo.

"Ah, baka may babae ka doon, no?"

"I wanna sleep, Ivanna." Malamig na sabi nito. Pero hindi naman ako nagpatinag sakanya.

Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon