"Do you like it?" Tanong niya nang makitang halos ubusin ko na ang salad sa harapan.
Masayang tumango naman ako.
"Ang sarap!"
"We should buy more." Sabi niya at mabilis na tinawag ang waiter. Nahiya naman ako dahil sa katakawan kong ito.
Hindi ko naman maiwasang magragasa ng tanong habang hinihintay ang ino-order niyang pasta at salad na gusto ko.
"Kailan mo sasabihin sakanila?"
Ngayon nakaangat na ang ulo niya saakin. Ilang segundo bago niya ako sinagot.
"Sasabihin ko pagkauwi nila galing china. Kailangan nilang pumunta doon nang tatlong araw para sa investment kay Mr. Ty."
Tumango-tango ako. Hindi narin ako nagtanong pa. Sa rami ng kinain ko, feeling ko bibigat ang timbang ko pagkatapos nito. Hindi ko na mabilang kung ilang subo na ang nagawa ko ngayong araw na ito. Hindi rin ako tinigilan ni ares at laging nilalagyan ang pinggan ko.
"Ares?"
Isang pamilyar na boses ang nakakuha ng atensyon ko. Napatigil agad ako sa ginawa nang makitang nasa harapan namin si lianna. Mas nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang makitang kasama niya si mason!
Pumikit ako nang mariin nang maalala ang kabaliwang ginawang pag halik sakanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng kahihiyan sa sarili. Pinagsisihan ko rin naman iyon!
"You're with...ivanna?" Si lianna na ngayon ay masamang ibinaling niya ang mga mata saakin.
Yumuko ako. Sa rami ba naman na pupuntahan nila, bakit dito pa sila kakain.
"Lianna, mason." Si ares at mabilis na tumayo. "What brings you here?"
"Isn't it obvious." Si mason. Pinandilatan naman ni lianna ito ng mata. "Mason!"
Hindi rin naman nagreak si ares at parang sanay na talaga siya sa pagiging pilosopo ni mason.
"Nagutom kasi kami kaya dito na kami dumiritso." Sagot niya at hindi parin nawala ang paninitig saakin. Hindi ko naman maiwasang mailang ngayon. "Bakit kasama mo siya? Don't tell me.. Omygod!"
Ngayon ay nakaangat na ang ulo ko sakanya. Nakita kong lumipad ang mga kamay niya sa bibig at parang gulat na gulat talaga. O baka nagulat sa kagandahan ko. Gusto kong ikutin ang mga mata ko dahil sa kaartehan niya. Ngumuso ako at pilit na inaalo ang sariling utak. She's pretty. Inaamin kong hinahangaan ko ang kagandahan at pananamit niya.
Ngayon ko lang din napagtanto na dapat pala ako magpapasalamat sakanya. Kung hindi sila naghiwalay, hindi kami magkasama ngayon ni ares.
"Are you.."hindi na natuloy ni lianna.
Hinintay kong magsalita si ares, pero hindi niya iyon ginawa. Mukhang inaabangan niya talaga ang gustong sabihin ni lianna.
"Omygod!" She paused. "Ibig sabihin..siya ang tinutukoy mo na babae?"
Simpleng tumango lang si ares. Tinutukoy na babae? Aba! Pinaguusapan pala ako ng dalawa!
"I don't like your reaction, lianna." Nagsalita si mason bigla.
"Pero hindi lang talaga ako makapaniwala!" Nakasimangot na sagot nito.
"What? Do you want to get pregnant too? We'll make one, later!"
Nagulat ako sa sinabi ni mason. Alam ba nila? Ibig sabihin..naikuwento ni ares ang tungkol dito?