Chapter 17

74 6 1
                                    

"Mama, nakakahiya pag doon na ako tumira!"

Hindi ko akalain nag-uusap sila kanina tungkol dito na wala ako!

"Gusto kong sa bahay ka nalang mag-aral. Mag-alala ako pag meron mangyari sa'yo. Tsaka, alam kong hindi ka pababayaan ni ares."

Iniwan muna namin saglit si ares sa salas at kinausap ako ni mama sa loob ng kwarto niya.

"Bibisitahin rin naman kita doon." Paliwanag niya.

Kahit gusto ko siya, hindi ko rin naman kayang tumira kami sa iisang bahay. Iniisip ko palang, nababaliw na ako!

Sinabi rin ni mama na sa pansamanatalang sa condo niya ako titira. Seryoso ba talaga siya dito? Paano ang pamilya niya? Nasabi niya na ba ang tungkol dito?

"Pero, ma..kaya ko naman itong sarili ko."

"Sinabi saakin ni ares ang tungkol sa nangyari. Ipagliliban ko ang ginawa ng babaeng iyon sa'yo. Pero pagnalaman kong meron ulit siyang gagawin, baka hindi na ako magdadalawang isip na sugurin siya, Ivanna."

Pumikit ako ng mariin. Alam kong tinutukoy niya si carolina. Tama si mama. Hindi ko alam anong magyayari ulit pag nagkita kami ulit ng babaeng iyon.

Isang bagahe ang dinala kong damit. Hindi ko alam anong nagpabago sa isip ni ares at bakit niya ito ginagawa. Ni hindi naman namin ito pinag-usapan kagabi. Ang tanging sinabi niya lang ay kakausapin niya si mama, pero hindi ang patitirahin ako sa condo niya.

Lumapit saakin si karius habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin. Sinuot ko lang ang white off-shoulder hanggang tuhod. Mas komportble ako rito, kesa susuotin ko ang itong short at pantalon.

"Ate, kailan ka babalik? Babalikan ka naman 'diba?"

Sumulyap ako sakanya at ngumiti. Lumuhod ako para mapantayan ito.

"Oo naman. Ikaw na bahala kay mama rito, a? Tsaka, huwag masyadong matigas ang ulo para bibilhan ka ni ate ng donuts. Gusto mo yun 'diba?"

Nakita kong tumango ito sa sinabi ko. Tumayo narin ako nang makita si ares sa labas ng pintuan. Bumaba ang tingin niya sa suot ko.

"Tapos na ako." Sabi ko.

Tahimik na tumango ito at siya na rin mismo ang bumuhat sa bagahe ko.

Kalain mo naman, ang gentleman ng ama mo, anak. Sana pala, buntisin niya ako araw-araw kung ganito lang naman pala siya ka bait at maalaga. Hindi ko mapigilang matawa sa iniisip.

"Tita, si ivanna po?"

Nagulat ako sa boses na iyon kaya nagmamadaling lumabas ako.

"Christian!" Tumakbo ako at niyakap ito.

"O, there you are." Nakangiti na sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Sorry talaga hindi natuloy yung lakad natin. Sa susunod ako na manglilibre sa'yo."

"Nagtatampo na ako sa'yo, pero promise mo yan, a?"

Masayang tumango naman ako. Nakita ko ang pagbaling niya sa bagahe ko sa gilid. Ngayon ko lang din napansin ang paninitig ni ares kay christian at pagkatapos ay saakin. Umiwas ito ng tingin kaya mas lalo kong nakita ang pag-igting ng kanyang panga at mukhang hindi na mabasa ang buong itsura. Kumunot ang noo ko. Ganun paman, iisipin kong suplado lang talaga siya. Hindi naman ito seloso.

"Saan ka pupunta? Aalis ka?"

"Ah, oo. Papaliwanag ko nalang sa'yo pagnagkita tayo." Ngumiti ako. Lumipat rin ang tingin ni christian kay ares at bakas sa mata niya ang katanungan. Binalik ni christian ang atensyon saakin at ngumiti.

Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon