Pagkagising ko ay iyong cellphone ko agad ang binuksan ko. Mabilis na tinignan ko ang facebook app at maraming notification ang lumabas pero nadismaya lang ako nang makitang wala ang pangalan niya doon.
Sa ginawa ko ba namang pangungulit kagabi, talagang hindi ako eh aacept nun sa facebook. But who cares anyway! Pasalamat nga siya at ako pa ang nagadd!
Pagkalabas ko ay naabutan ko agad si mama nagluluto nang napakaraming lulutuin. Ganito lagi ang ginagawa namin ni mama sa umaga, ang maghanda ng lulutuin para maibenta sa umaga at hapon. Mabuti nalang talaga at kilala na si mama dito. Kaya lahat ng niluluto niya ay nauubos, minsan nga kulang pa iyon.
Lagi kong pinapangako sa sarili na pagnakapag-ipon na ako, talagang magtatayo ako ng restaurant para kay mama.
Simula noong bata ako, iniwan na kami ni papa. Ang sabi ni mama, simula noong lumuwas ito ng ibang bansa ay hindi na siya tumawag o nagparamdam. Baka nga siguro, totoo ang sabi ni mama na nakahanap na iyon ng bago. Kami nalang ni karius ang kapatid kong bunso at si mama ang natitira sa bahay na ito. Hindi man kalakihan pero lagi naman kaming masaya.
Lumapit ako kay mama at agad tinulungan siya sa pag hihiwa.
"O, maligo kana at may pasok kapa. Kaya naman to, anak." Si mama.
"Alas singko pa naman sa madaling araw, ma. Tsaka, alas otso pa ng umaga ang pasok ko." Paliwanag ko.
"O, sige. Maya-maya gisingin mo narin ang kapatid mo at may pasok pa iyon nang alas syete. Ihahatid ko pa iyon."
"Opo, mama. Ako nalang kukuha kay karius mamaya." Sabi ko.
Nasa anim na taong gulang na si karius. At hindi hinayaan ni mama na siya lagi ang umuuwi o pumupunta sa school at baka ano pa mangyari. Matigas pa naman ang ulo nito at kung-saan saan lang sinusuyod ang shudad.
Tumango si mama at tumalikod na para ilagay na ang ibang putahe. Iba't-ibang putahi ang mga niluluto niya. May afritada, adobo, pancit at marami pang iba.
Mga ilang minuto rin, ginising ko na si karius. Ako na rin mismo ang nagpaligo. Pagkalabas ko ay nakahanda narin ang iba't-ibang putahi na natapos ng iniluto ni mama. Ang iba'y hindi pa natapos sa paghihiwa at saing. Agad niya naman itong nilagay sa labas na maliit namin na karenderya.
Pagkalagay palang ni mama ay agad may bumili na.
"Ate, Eva! Pabili nga po. Ang sarap talaga ng mga niluluto mo, ate. Sana naman maexpand pa itong karenderya niyo at mukhang nakukulangan na kayo sa upuan at mesa." Sabi ni ate berna na naging suki narin ni mama.
Totoo naman talaga, minsan wala ng mauupuan ang ibang customer ni mama dahil sa rami ng kumakain dito. Mga trabahante, kargador o dikaya studyante. Kaya sa huli, tini-takeout nalang nila ito.
Malapit ko narin matapos itong pag-aaral ko sa kolehiyo. At hindi na ako makapaghintay na bigyan ng magandang buhay si mama at si karius.
"Mama, tapos na si karius. Ako nalang ang maghahatid sakanya. Aalis narin naman ako ngayon."
Napansin kong naparami-rami na ang bumibili kay mama. Gusto ko nga na kumuha siya ng mauutos niya dito at baka hindi niya makayanan pero ayaw niya naman. At sigurado akong hindi niya na maiihatid si karius, kaya ako nalang ang gagawa.
"Hindi na, ana—"
"Mama, madami ng bumibili, o!" Ngumiti ako at tinanaw amg mga tao. "Alas otso pa naman ang pasok ko. Maaga pa, kaya ako na ang maghahatid."
Tumango si mama at binigyan na kami ni kairus ng pera. Humalik narin siya sa magkabilang pisngi namin bago ito tumalikod at inasikaso ang namimili.