"Mama, pwede po bang magdala ako ng tatlong putahe? Magbabaon po ako."
"O, buti naman at napagisipan mo 'yan. Para naman hindi kana bumibili doon sa cafeteria."
"Bibigyan niya siguro si kuya ares, mama!" Sulpot ni aki.
"Ikaw talaga kung ano-ano yang mga pinagsasabi mo!" Pinandilatan ko ito ng mata.
"Sino yan? Boyfriend mo?"
"Hindi po, mama! Maligo ka na nga karius at ihahatid pa kita."
Tumawa lang ito at mabilis na pumasok sa banyo.
"Oh ito, magbaon ka ng adobo, afritada at tinola. Masarap yan."
Tumango ako. Lahat naman masarap talaga. Pero ito muna ang dadalhin ko. Naitext ko narin si Aleng meneng. Buti nalang talaga at pumayag siya sa gusto ko na tulungan si mama sa karenderya namin. Maliit lang ang sahod pero nakakatulong narin iyon.
"Karius, mamaya humingi ka ng number kay aki." Sabi ko habang paakyat kami sa hagdan tungo sa klase niya.
"Bakit ako hihingi kay aki? Huwag mong sabihin gusto mo rin si aki, ate!"
Binatukan ko ito sa ulo.
"Aray naman!" Reklamo niya.
"Humingi ka kay aki at magtanong ka kung meron siyang phone number ng kuya ares niya."
"Bakit ako hihingi?"
"Basta sabihin mo para sa project namin."
"Gusto mo talaga si kuya ares, eh!"
"Oo na! Basta humingi ka, ha? Hindi kita bibilhan ng donuts pag hindi mo nakuha." Sabi ko.
"Okay, ate!"
Hinalikan ko na ito pagkatapos maihatid ko siya sa klase. Buti nalang talaga at masunurin ang kapatid ko.
Masayang tinahak ko ang university. Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay nakita ko na si stefan habang inaayos ang sariling mukha.
"Aga natin, a?" Sabi ko at umupo na sa tabi niya.
"Well..crush ko si sir eh kaya inspired."
"Ew!" Natatawang sabi ko. Inirapan niya naman ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Maaga pa naman kaya hindi pa nagsisimula ang klase.
Sabagay may itsura naman talaga si sir jon, e. Usap-usapan nga si sir jon minsan dito.
"We will be supporting the team dragon, ang team nila ares campbell para sa championship kaya dapat maging maganda ang paghahanda niyo sa cheering." Si sir jon.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi ni sir jon. Si ares campbell ang maglalaro? Totoo ba ito? Bakit ba pakiramdam ko lagi kaming pinaglalapit ng tadhana? Ngumiti ako nang malawak at sinapak si stefan sa tabi ko.
"Narinig mo ba yun?" Sumimangot ako dahil hindi pala nakinig ang baklang ito at walang ginawa kung hindi pagsamantalahan at titigan lang si sir Jon! "Hoy!" Hampas ko sakanya.
"What?"
"Si ares ang maglalaro para sa championship!" Hindi ko maiwasang ma excite.
"Hindi mo ba alam na laging most valuable player yan sa volleyball?"
"Talaga?"
Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang paninitig sa harap.
Hindi ako makapaghintay na makita siyang maglaro. Paano kaya siya maglaro, no? Siguro ang galing niya. Kung sakanilang team pala kami mag checheering, 'idi gagalingan ko!