"Sabi nila, walang kahit sino pa ang kinasal rito. Kaya kung ikakasal tayo rito, tiyak tayo ang maalala nila!"
Ngumiti ako at dinuduyan ang magkahawak naming kamay. Nanatili ang sikat ng araw at tumama iyon saamin. Napapansin kong marami parin ang napupunang maligo sa dagat kahit sa ganitong oras.
Halos nabali na ata ang leeg ng mga dayun dito kakatingin sa direksyon ko. Kung pwede lang umuwi at itago nalang itong kasama kk. Umirap ako at nakita iyon ni Ares.
"What is it?"
"Kanina pa sila tinging na tingin sa'yo!"
Humalkhak lang ito.
"Don't mind them ang just look at me."
"Pero sila, titig na titig sa'yo." Nakasimangot na sabi ko.
"Baby, I only look at you and your lips." Seryoso ang mga mata niya at ni walang kahit anong biro roon.
Umawang ang labi ko at hindi na napigilan uminit ang mga pisngi dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko may naglalarong paru-paru sa tiyan ko. Ngumuso ako para sa nababadyang ngiti.
Dahil sa sinabi ni Ares, hindi ko nalang pinapansin paninitig nila sa direksyon namin. Minsan may naririnig ako sa likuran ko. Sigurado naman ako kami ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman na pinupuri nila itong kagandahan at kagwapuhan ng boyfriend ko. Hindi lang boyfriend, fiancee ko na si Ares slash magiging ama itong dinadala ko!
"Kagwapo og gwapa ba aning mga bataa."
"Taga manila guro na."
"Kagwapo saiyang kauban uy!"
"Lamion ba!"
Hindi ko alam kong pinupuri ba talaga kami o minumura ng mga ito. Nanatili lang ang kalmado at seryosong mga mata ni Ares. Habang ako namomoblema na rito. Ganito na ba talaga ako kabaliw sakanya at kahit ultimo paninitig ng ibang babae ay naiinis na ako.
Ang alon ng dagat sa dulo ay tumatama sa paa namin. Minsan napapatingin ako roon. Simple lamang ang dagat rito sa burasao. Walang kahit anong jetski, surfing o kahit anong activities. Kung tutuusin, mas maraming nakalatag na klase-klaseng kubo para sa rentahan na gustong maligo. Ang iba'y mamahalin ang iba naman ay mura lang. Meron nga, one hundred pesos lang. Kung lalakarin namin ito hanggang dulo, baka mapapagod lang kami.
Hindi ko akalin makakatapak ako ulit rito. At ngayon, kasama ko ang lalaking pinakamamahal ko. Sa buhay ko, hindi ko kailanman ito napaginipan. Noon, pinapangarap kong tumira sa malaking mansyon at marangyang bahay kasama ang pamilya ko. Pero ngayon..mas hinihiling kong mabuhay nalang sa simple at walang gulo, kasama si Ares, si Mama at si Karius. Mas gusto ko pa rito sa burasao. Oo, mayaman si Ares, at hindikailanman sumagip sa isipan ko ang gamitin ang mga pera niya. Simula pa lang naman, gusto ko na siya. Hindi dahil sa pera, kung hindi minahal ko siya ng totoo.
"Do you really like it here?"
Mabilis na tumango ako sa naging tanong niya. Sinuklian niya naman ang mga ngiti ko sakanya. Hindi parin talaga ako sanay sa mga ngiti niyang ito. Pakiramdam ko, tumitigil ang mundo ko at gusto kong kunan iyon ng litrato.
"Nagustuhan mo ba rito? Gusto mo bang maligo?" Tanong ko kahit ayaw ko naman talagang maligo siya sa dagat. Tignan mo nga, kung makatingin ang mga babae ito parang hinuhubaran na nila itong kasama ko. Pero buti nalang talaga at saakin lang ang mga mata niya. Na para bang wala na siyang nakita, kung hindi ako lang.
"I'm fine being with you, Ivanna." Seryoso at kalmado na sabi nito.
Bakit ba normal lang para sakanya na sabihin ang lahat ng ito? Habang ako gusto ng mahimatay dahil sa nakakalusaw at nakakamatay niyang mga salita. Hindi nga ako sigurado kung binabanatan niya ako o ganito lang talaga siya. Wala man siyang gawin, alam kong mahuhulog kaagad sakanya ang mga babae. Buti nalang talaga at nabuntis ako nang maaga!