"Bakit tayo andito?" Tanong ko nang makitang nasa tapat kami ng bahay namin.
Sumulyap siya saakin.
"I wanna eat here." Sabi nito at hindi na hinintay ang sagot ko at mabilis na lumabas.
Kakain kami dito? Ibig niya bang sabihin, kakain kami sa karenderya ni mama? Huwag mong sabihin nagustuhan niya na talaga ang luto ni mama!
Hindi ko maiwasang matuwa. Nagmamadaling lumabas ako at nakitang nakapamulsa na hinintay niya pala ako sa labas.
"Baka sa susunod niyan, ako na magugustuhan mo? Baka nga balik-balikan mo na ako rito, no?!" Hindi maiwasang inisin ito.
Ngumuso naman ito sa sinabi ko at mabilis akong tinalikuran.
"Let's just go. I'm hungry."
"Okay!" Mabilis na sagot ko.
Hindi naman talaga tago itong trabaho ni mama. At hindi ko rin ito kinakahiya.
Kung nakakabasa lang ako ng isipan, baka noon pa, alam ko na itong mga iniisip niya. Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa buhay niya. Kung tatanungin ko naman ito, alam kong hindi naman ako sasagutin.
Halos nasa amin lahat ang mga matang kumakain dito nang makapasok kami. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko alam kong madali lang siyang mapansin. Tsaka, maganda rin kaya ako, kaya sanay na ako sa titig nilang ito.
"O, ivanna! Bago nanaman ba?" Biglang tanong ni ate susan.
"Ate susan talaga!" Sabi ko.
Inilahad ko agad kay ares ang bakanteng upuan sa dulo. Buti nalang at may bakante. Akala ko pa naman, naubusan na kami.
"Dito nalang tayo uupo. Diyan ka lang at pupuntahan ko si mama." Sabi ko.
Tumango siya sa sinabi ko. Mabilis na umalis ako at nahagilap si mama sa loob habang inaayos ang ibang niluluto.
"Mama!"
"Oh! Ang aga mo?"
"Mama, andito si ares. Kakain po kami."
"Iyong gwapo ba na naghatid sa'yo nung nakaraan?" Gulantang na tanong niya.
"Opo, mama."
"Naku, nakakahiya! Sige, at ipapadala ko kay meneng ang mga pagkain."
Tumango ako at bumalik na kung saan nakaupo si ares. Hindi ko akalain ang katulad niya ay kakain dito.
"Who's that guy?" Biglang tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Sino?"
"Iyong kanina." Tipid na sagot nito.
"Si chirstian ba?"
"Yeah." He looked at me this time. Biglang nailang naman ako ng konti.
"Ah! Si christian. Kapit bahay namin yun dati. Tsaka malapit na kaibigan ko siya." Sagot ko.
Tumango-tango lang ito at hindi na nagsalita pa. Bakit ba binabalik niya kanina ang usapan namin ni christian. Baka sa susunod niyan iisipin ko na talagang nagseselos na siya!