Chapter 23

67 5 0
                                    

Mabuti nalang talaga at dinala ko ang sumbrero para matakpan itong mukha ko. Nakakahiya pa naman at galing pa ako sa iyak.

Pagkarating ko ay sumakay agad ako ng motorsiklo patungog terminal. Matagal narin simula noong pumunta ako rito. Hindi pa rin naman nagbago ang probinsya na ito. Isa rin sa nagugustuhan ko dito ay hindi matao at madali lang ang sakayan.

Kumawala ako ng malalim na hininga. Kaya ko ito. Kakayanin ko ito. Kung pwede, maghahanap ako ng trabaho. Yumuko ako at hinimas ang tiyan ko.

"Magugustuhan mo rito, anak." 

Pagkababa ko ng motorsiklo ay agad na sumakay ako ng jeep. Punuan narin iyon. Hindi ko pa naman naintidihan sila rito at hindi rin naman ako masyadong nagbibisaya. Pero okay lang iyon. Kung alam nila na hindi ako marunong, sila rin naman ang mag aadjust saakin.

"Sibog gamay, sibog gamay kay naay buros musakay!" Sabi ng lalaki na hindi ko naman naintindihan ang pinagsasabi nito.

Hindi makapaghintay ang mga paa ko na maapakan ulit ang buhangin doon.

"Ate, saan ba yung malapit na dagat dito?"

"Sumakay ka ng jeep ulit sa syudad tungo doon, iha. Sumakay ka ng R4 tapos pagkatapos nun, sumakay ka ulit ng motorsiklo. Bigyan mo lang ng kinse pesos. Pero kung gusto mo mas madali, diyan sa libertad ka sumakay ng motorsiklo. Isang sakay lang iyon. One hundred, okay na yun."

Tumango-tango ako at nagpasalamat sa matanda. Nalaman ko rin na walang bus o taxi tungo doon. Nakakahiya pa naman at tinanong ko pa iyon. Bata pa ako nun, kasama ko si mama at papa noong nakatira pa kami rito. Kaya hindi ko na masyadong matandaan.

Nagdadalawang isip rin akong sumakay dahil sa kalagayan ko. Wala rin naman ibang transportasyon dito, kaya wala na akong magagawa. Sinunod ko ang direksyon na sinabi ng matanda kanina.

"Manong, ito po ba yung sasakyan tungo sa dagat. Hindi ko alam kung anong pangalan nun, e."

"Ah, masao to dai!"

"Oo yun nga! Pwede po bang pakihatid ako doon?"

Ngumiti ito at tumango saakin.

"Bago ka lang ba rito?"

"Bata pa po ako noong naninirahan kami rito kaya medyo nakalimutan ko na rin."

Umihip rin ang hangin at nilipad ang mahaba kong buhok. Medyo nalungkot ako nang maalala si ares. Ni hindi ako nakapagpaalam sakanya. Paniguradong magagalit siya saakin o kahit si mama. Ni hindi ko alam nasaan siya ngayon. Pinuntahan niya ba ang babae na tonutukoy ng ina niya? Biglang sumikip bigla ang dibdib ko pagna-alala iyon.

Ilang oras din bago namin narating ang masao. Hindi gaya ng ibang dagat, ito ay simple lamang at walang masyadong magandang matatanaw. Walang kahit activities ang meron sa pagkakaalam ko. Hindi ko rin akalain maraming pamilya pa rin ang pumupunta rito. Tanaw ko iyon sa malayo.

Hindi na natanggal ang mga mata ko sa tanawin.

"Salamat po, manong." Sabi ko at nagpaalam na.

Mabilis ang lakad ko patungo doon at hindi iniinda ang sakit sa paa, init at ang pagod sa katawan. Hindi ko rin dapat pinababayaan ang sarili ko, kaya kailangan kong huminto sa tindahan at kumain.

Naalala ko na rin kung saan iyong saamin.

"Ate, alam mo ba iyong bahay ng mga Aragon? Andito parin ba iyon?"

"Ikaw si Ivanna Aragon? Hala!"

Natawa ako sa pagsasalita nito.

"Opo."

Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon