Hindi na rin ako nagtagal doon sa coffee shop at sumunod na kay ares. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kinikilos niya.
Kahit sa loob ng kotse ay nanatili itong tahimik at madilim ang kanyang mga mata. Natanto ko kaagad na galit nga siya.
Dahil ba lumabas ako na hindi siya kasama? Pero nagpaalam naman ako!
Seryosong nagmaneho ito. Nakatitig parin ako sakanya. He looked so pissed and frustrated. Umaasa rin akong madadala siya sulyap kong ito.
"Galit kaba?"
Hindi ito sumagot at pinagpatuloy ang sarili sa sa pagmaneho. Naninigas na pinagmasdan ko ang kanyang dalawang braso habang nakahawak ito sa manibela. Galit nga siya.
"Ares.." tawag ko ulit.
Nagkasalubong na ang kilay niya ngayon, halatang napupuyos at nawawalan na ng pasensya.
"Ares, pansinin mo naman ako."
Nagulat ako nang biglang hininto niya ang kotse sa gilid at ngayon ay nakatingin na saakin at galit parin.
"What now, Ivanna." Mariin niyang sabi. Hindi ko naman maiwasang mairita.
"Kausapin mo kasi ako!"
Nakakuyom ang panga na umiwas ito ng tingin saakin.
"Hindi ka talaga nakinig saakin at nakipagkita ka pa." Sabi nito habang hindi ako sinusulyapan. Kumunot naman ang noo ko at bahagyang hindi ito naintindihan.
"Sorry na nga kasi!"
Iritadong binalik niya ang mga mata saakin. Ngayon, pareho kaming galit na nagtitigan ngayon.
"Nagtext at nagpaalam naman ako sa'yo kanina, a!"
Umiling siya at parang hindi kombinsedo sa sinabi ko. Mataman ko siyang tinitigan. Pumikit ito nang mariin at muli binalik ang galit na mata saakin.
"You should wait for me, so I can go home early and leave that fucking meeting for you, Ivanna."
Nagulat ako sa sinabi niya. Uuwi siya nang maaga para saakin? Idi sana pala nagreply siya kanina para alam ko!
"Kasama ko naman si Stefan at Christian kaya hindi ka dapat nag-alala pa saakin, Ares!"
"I don't trust that guy. I don't like him!" Iritado at malamig niyang sagot.
Ngumuso ako. Unti-unting kumalma nang makita kung gaano siya ka iritado ngayon saakin. Minsan iniisip ko na nagseselos nga siya..na pinagseselosan niya si Christian. Pero bakit naman siya magseselos? Gusto niya na kaya ako? Tsaka..buntis na nga ako, iyon parin ang iniisip niya..
"Bakit...nagseselos kaba?" Hindi ko na napigilan ang sarili.
"I'm trying not to be," Umiwas ito ng tingin. Napakurap-kurap ako at hindi inasahan ang diretsahan niyang amin. At tama nga ako! Nagseselos siya!
Tinikom agad ang bibig nang mapansin ang pag-angat ng labi. Sa huli, lumabas na ang halakhak ko. Iritadong sumulyap ito saaki ulit. Nakanguso at mukhang hindi na natutuwa sa sitwasyong ito.
"Do I look so funny to you, Ivanna?"
Nagulat ako sa tanong niya. Ngumiti ako at umayos ng upo.
"Hindi, ah!"
"Hindi ko parin gusto ang lalaki na iyon."
Bakit ba lagi napupunta kay christian ang usapan na ito. Ano ba dapat kong sabihin para pagkatiwalaan niya na ang kaibigan ko. Kawawa naman ang isang iyon at laging naiipit sa away namin. Bumaling ako ulit sakanya.