#TPBTWRBandmate
1 month later
"Ariane. Papasundo ka nalang kay kuya Geymhar mo mamaya ah." Sabi ni Mama while opening her laptop and is having a conversation with a police. Still searching for my sister.
Habang inaayos ko ang shoes ko ay sinabi kong, "Ma, 'wag na. I know busy si Kuya Geymhar. Kaya ko na mag-isa."
Hindi umimik si mama.
"Please." Sabi ko.
I smiled when she nodded. Napatingin ako sa Family picture namin sa living room. Tinignan ko ang magandang ngiti ni Ate Angela. I miss you.
Ate, everything has been quite a mess after youre gone. Please bumalik ka na sa amin. Well find you so soon.
"Alis na po ako ma."
Lumabas na ako sa bahay at saka nag-antay ng bus. I decided to take a Taxi nalang kasi 15 minutes na akong late. I decided not to enroll sa school na parehas kay Ate. Mas pinili ko ang school kung saan medical school talaga.
4 years later gagraduate ako. Tapos 6-7 years later siguro baka makuha ko na ang karugtong nang pangalan ko. Prayers up.
Nang makarating na ako sa school. Malalaki ang building tapos ang modern nito tignan. Marami akong nakikitang windows na puro made of glasses. Super modern tignan. Ang ganda ganda!
Sa sobrang pagkamangha ko sa buildings ay natapilok ako sa harap ng maraming tao.
Oh come on. I wore sneakers!
"Miss, okay ka lang?" Napatingin ako sa babaeng bigla akong tinulongan makatayo. Inalayan niya ako at nginitian ko siya ng grabe.
Eto ba ba yun? Yung may magiging first kakilala ka sa school kaso a week later nyan ay di na kayo magpapansinan. Sana naman hindi. Gusto ko nang friend e.
"I'm Vivien Dela Rosa. Ikaw ba?" Sabi niya. "Naliligaw ka ba?"
Napaisip ako. Wait, mukha ba akong naliligaw kanina? Siguro kasi nganga ako ng nganga. Oh no. Nangmumukha ba akong tanga nun? I feel sad tuloy.
"Hindi ako naliligaw, Vivi— ano nga ulit name mo?" I asked nicely.
Tumawa siya.
"Call me V na lang for short." Sabi niya.
"Bago lang ako dito e." Sabi ko. "Namissed ko na ang first subject ko." Sabay tingin ko sa wristwatch ko.
"What room ka ba? Sabayan na kita." Sabi niya sa akin.
At ayun. Hinatid niya ako papunta sa classroom. Hindi ko akalaing mga mababait pala mga tao dito. I expect kasi na walang pansinan kapag college na. Tulong tulong din pala.
Sana Ate was active now sa Facebook para ma message ko siya na sobrang lutang ko kanina. I wanna share lang sa kanya. All my stupid memories are all in my Ate's heart. Nasaan na kaya siya?
Tapos na yung first subject. Yun ang akala ko. Pero 2 hours pala tong subject na to kaya 1 hour late ako. I choose not to enter agad.
"Di ka pa rin pumasok?"
Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa likoran ko. Si V lang pala. Umalis nakasi siya kanina pa. Tas ngayon e nakabalik na.
"Takot ako." Sabi ko at napakibit balikat. Tumawa siya.
"Hey. First day of school ngayon. Malay mo self-introduction lang ang ganap."
I just shrugged.
I knocked.
Hell.
The door swung open and V left me.
"May I help you?" A guy inside the classroom who happen to be by the board and I think he's in the same age as me. But he is holding a chalk so I guess he is a teacher?
Pero ang gwapo niya.
"Im so sorry I am late." I said.
Napatingin ako sa paligid. Wala namang ibang tao. Okay. Anong meaning nito?
He laughed and looked at me. "Miss, I think youre in the wrong classroom."
"Right."
Kaagad kong isinara ang door. Halos mapatalon na naman ako ng makita ko si V na nakacross arms at hinihintay ako sa labas.
"I forgot to tell you na ibang building ang napasukan natin." Sabi niya sabay kamot ng ulo niya.
Napasandal ako pader at saka siya inikotan ng mata. "Pagod na ako." Sabi ko.
"Ano ba next subject mo?"
"Wala na. Mamaya pa after lunch." Sabi ko matapos kong icheck ang schedule ko na kasabay lang din sa receipt ko sa enrollment pa lang.
"Mamaya ka na lang pumasok. Total late ka na rin naman. Kumain nalang tayo. Sabay ka na sa amin."
Lord. Sana bibiyan niyo po ako ng good influence peepz.
"Wag kang mag-alala grade conscious rin naman ako e. Kaso its first day pa so why not ikot muna sa school diba?" Sabi niya.
Mapapanganga na naman ulit ako kapag patuloy akong iikot sa school nato.
"Dito ako nag graduate ng senior high kaya pwede mo na ako gawing tour guide. Wala rin naman akong ginagawa. E naawa ako sayo kasi kanina ka pa." Parang si ate lang kung makapagsalita siya.
I decided to go along with her nalang. As we arrived at the cafeteria, napaupo siya at may kasama pala siya.
"Meet Ron Mejos. My bandmate."
BINABASA MO ANG
The Person Behind The White Robe (Completed)
General Fiction"Alam mo ba kung bakit ayaw na ayaw ko ang magagalit ka, Hyle? Kasi nakakalimutan mong mahal mo ko." - Ariane Bierneza A story about two individuals who found each other when they needed it the most. Arianne is a young woman who has always pushed he...