#TPBTWRIntern
At dahil nakakasabay naman ako kay Ron at V. Palagi ko na silang kasama. Though hindi kami classmates kasi iba ang courses nila. Si Ron nag nautical. Tapos si V nag Education.
Ang nakakamangha lang sa school ay separated pala ang campus ng medical at saka nung iba. Sadyang magkatabi lang tapos may gate naman na attached sa dalawa na hindi na kailangang lumabas pa at pumasok sa kabilang campus. Kaya mas madali na magkakakita kaming tatlo. Talagang pag iigian nilang hintayin ako kasi ako ang grabe ang schedule. Hopefully wala naman akong schedule for 11:30-1:00 kaya fight na.
Nasa cafeteria na naman ulit kami ngayon. Same as usual. Nakikinig na naman ng music si Ron. Tapos si V nagsusupat ng lyrics. She's a composer. Nararamdaman ko nga na may chemistry ang dalawa. Kasi pagkatapos magsulat ni V ay ibibigay niya kay Ron tapos si Ron hahanapin niya ang rhythm nito sa pamamagitan ng gitara. Ngayon lang di nagdala ng guitar si Ron.
"Malapit na magprelim exam, Ari. Ano plans mo after?" V asked.
Napaisip ako.
"Continue searching for my sister." Matipid akong napangiti. Napansin na nila na hindi naman ako cheerful nung una nila akong nakasabay. So I told them about my situation. And theyre helping me now naman. Ang saya saya ko lang.
"She'll come back soon, Ari." Ron said. Minsan ko lang maririnig ang boses ni Ron kasi minsan lang siyang magsasalita. Pero bawat salita na sasabihin ay dapat hindi sayang sa laway niya kaya may point palagi.
"Thanks." Sabi ko. "Soon."
Napatingin ako sa oras. Malapit nang mag-1pm kailangan ko nang umalis. Malayo pa ang lalakarin ko. Magkatabi nga ang school pero nasa dulo naman ang building ko. At oo magkatabi lang tapos may gate sa loob na rin kasi same lang naman ang may ari nang school. Ganun.
Habang naglalakad ako papuntang gate e bigla nalang akong hinarangan ng guard.
"Po?" Sabi ko sa gulat. Tapos na sipat sa oras ko. Oh my. Terror pa naman si sir. Tapos every meeting ay may quiz.
Si guard naman tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi ka nagsusuot ng uniporme?"
"Ah eh guard. I'm a first year student po kasi sa med school. I need to get inside immediately." Sabi ko.
"Bakit nga wala ka pang uniform?"
Kulang na lang talaga at mabubwisit na ako.
"First year nga po ako guard." Sabi ko.
Its still the second week. Cmon!"Bawal."
My jaw dropped.
"This wasnt the first time po guard." Sabi ko.
"Let her in. She's my student." Napalingon ako sa taong nagsasalita. He smiled and I just smiled back. He saved me this time. Pero kasi. Hindi ko makita ang mukha niya. Nakahoodie kasi siya. Pero may dala siyang briefcase tapos yung hoodie niya sinapawan naman niya ng white robe.
Naglalakad na kami papuntang classroom. Its our teacher siguro? Bakit ba kasi na late pa ako?
"May boyfriend ka sa kabilang school?" Nagulat naman ako sa tanong niya. And his voice is not old!
"Sir?—"
He suddenly laughed.
Kinuha niya ang hood niya at saka tunawa ulit."Hi. Alumni ako dito. Galing lang akong hospital kaya ganito suot ko." Sabi niya.
Halos lumabas na eyeballs ko kasi nasa mga 26 or 27 ata siya. Ewan ko. Ang bata pero nagwowork na? Who is he?
"Dont worry. Naawa lang kasi ako kanina. Just trying to help."
I smiled.
"Im running late." Sabi ko at baka mapahaba pa ang storya. He just grinned.
"You look so much like her." Sabi nito.
Pero hindi ko na pinansin.
Nagsimula na akong maglakad nang bigla na naman akong matapilok. Like holy baboy ba. Bakit ba palagi nalang akong natatapilok in the same spot and in the same path.
Bigla naman lumapit sa akin ang lalaki. He stretched his hand to me. And as I grabbed it. I saw his ID on his white robe.
Dranreb Villaflores
Intern
BINABASA MO ANG
The Person Behind The White Robe (Completed)
General Fiction"Alam mo ba kung bakit ayaw na ayaw ko ang magagalit ka, Hyle? Kasi nakakalimutan mong mahal mo ko." - Ariane Bierneza A story about two individuals who found each other when they needed it the most. Arianne is a young woman who has always pushed he...