Chapter 9

173 3 0
                                    

#TPBTWRHeIs

Lumipas ang ilang linggo. Pinili kong lasingin na naman ang sarili ko sa academics.

Pero ngayon? Nanlakas sila mama at papa na magkaroon kami ng dinner for the first time.

Andito naman si Ate.

She was eating peacefully. Pero hindi ko nakayanan. I want to speak.

"Ate..." I began.

"Hmm?" She said.

"Namiss na kita." Sabi ko ng diretso.

"Andito na rin naman ako, arianne." She said. Wow.

"No..." I paused. "I miss the old you."

Napatigil siya sa pagkain.

"I'm sorry." She said at napayuko pagkatapos. Definitely umiiyak na naman siya. Just by looking at her. Nagsitinginan silang mama at papa.

"Anak, huwag ka nang umiyak please?" Sabi ni mama na nalulungkot na din ang boses.

Naiiyak na din ako.

"Ma, I'm so sorry. Arianne, I'm sorry. Pa, I'm sorry." Sabi niya ng sunod sunod.

And by split seconds, a group hug was formed.

We were crying together and I was sobbing too.

After that night, nagulat ako nung sumasabay na si Ate sa aming apat. She would find some time na sasabihin niya sa amin kung gaano niya din pala kami na miss. Everything is back into its place.

I love my sister so much. Kaya ayaw kong mawala siya ulit sa piling namin.

As I was busy in my studies, naging busy naman si Ate sa buhay niya na doktora. Yes, may ate is a doctor. Siya nga role model ko e.

Unti-unti nang sumisigla ang lahat.

Okay na din ako.

Feel ko na stressed lang ako these past few weeks kasi hindi ko na binibigyan ang sarili ko ng oras para magpahinga.

Its second sem na.

At ang pinoproblema ko na naman ngayon ay ang grades ko.

Hindi ako nakaabot sa cut off grade para maging kasama sa Dean's list. Geez, pressure lang kasi na may kapatid kang cumlaude kaya yung expectations ng relatives mo or family ay magaling ka rin.

Napaupo ako sa upuan ng classroom mag-isa. Break time kasi ngayon. I searched for a room na walang tao para kung sakaling magbreakdown ako ay walang makakakita.

Tinignan ko yung papel na hawak hawak ko. Iyon yung list of my grades. Nakuha ko na. Pero di naman nakakatuwa.

I sighed.

And then I suddenly received a text message.

Ate Linn: kumain ka na?

Me: wala pa po ate

Ate linn: come home by 5pm. Nagluluto ako. Off duty kasi

Me: okay ate

Most of the time, palagi lang akong nagtatanong kay Ate about sa Thesis namin. Oo, tapos minsan siya na gumagawa kasi makakatulog lang ako. Yung lahat lahat ay ginagawa ni Ate para lang iparamdam niya sa amin na mahal niya kami. Nakakainspired.

Kaya naman ngumiti nalang ako.

I cleared my throat.

Inayos ko ang sarili ko.

At saka tumayo na.

Bahala ng hindi dean's lister basta pasado. Diba.

I flashed a smile before I could open the door at this classroom pero biglang may pumasok na lalaki.

Hindi siya naka uniform. Meaning, new student? New student din kasi ako. At wala pa talaga akong uniform hanggang ngayon kahit second sem na.

"Sorry. Akala ko walang tao." Sabi nito habang napayuko. Dala dala niyay libro. Tapos nakaglasses siya. He's...

Hinintay kong magtama mga mata namin pero...

Tumalikod siya at saka umalis. Locking the door.

Kaso mukhang nakita ko na siya noon e. Yung naligaw ako nung first day, siya kaya yun?

The Person Behind The White Robe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon