Chapter 11

171 3 0
                                    

#TPBTWRLove

"Malapit na bakasyon! Yes! Tapos 3rd year na tayo." Sigaw naman ni V habang masaya siyang ininom ang zesto na kakabili palang niya.

Ako? Water.

Si ron? Wala.

Nasa cafeteria kami na nasa school ko naman. First time! Ayaw kasi nila V na sa Med school cafeteria daw kasi natatakot siya sa mga taong halos puro puti lang daw ang suot. Loka loka talaga.

E hindi na din naman ako busy masyado kasi tapos na ang finals for this semeter. Yepp. Fast forward.

"So, nakita mo na ba siya ulit?" V asked.

"Sino?" Out of confusion, I asked.

"Yung crush mo. Yung glasses guy mo." Sabi niya.

Nahiya naman ako kasi nasa med school kami. Baka andito si Glasses guy. Pero seryoso, hindi ko na siya nakita ulit eversince nung sa faculty room.

"Ano ba kasing meron sa kanya at hinahanap hanap mo na?" Sabi ni V.

"Hmmmm—hindi ko alam."

"Ano ba kasi pangalan ang slow mo naman. Ni name man lang ng crush mo hindi mo alam."

Napatawa ako.

"Dapat siya mismo magsabi sa akin nuh." Sabi ko naman. Ewan ko ba.

Wala na din naman akong ibang ginagawa kaya siguro ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko.

Fast forward.

Natapos ang second year at vacation na sa wakas.

Nababalanse ko na din ang oras ko na kasama sila parati tapos hindi naman napapabayaan ang family time ko at saka ang academics.

Sasabihin nalang sa akin ni V na hindi raw siya naniniwala na wala pa akong boyfriend since birth e ang ganda-ganda ko daw. Halos everyday kong makikinig kaya na iintriga na din sila kung sino si Glasses guy. Sabi pa niya na balak niya daw na hanapin kasi gusto niyang magkaroon naman akong challenge sa buhay o kaya magiging buo na daw ako.

Minsan mapapaisip ako.

Yun na ba talaga yung kulang?
Pero i want to be like ate too.

Minsan kasi iisipin ko na sana ay katulad ako kay Ate Linn. Pero I dont know. I look nothing like her. Recently, sinusubukan ko na ding magsuot ng light make-up.

Pero kasi katulad kay Ate Linn na may childhood friend siya na nagigg bestfriend niya hanggang sa naging boyfriend niya si Kuya Geymhar. Gusto rin yun.

Pero kung iba man ang story na meron ako, okay lang.

Am I even ready to fell inlove?

Napapansin ko lang kasi kina Ate Linn at Kuya Geymhar na minsan hindi sila nagkakasundo. Ayoko nang ganun. Gusto kong masaya lang palagi.
Gusto ko yang lambing lang palagi.
Gusto ko yang too much positivity na hindi na kayang sirain ng negativities.
Hindi ba pwedeng ganun nalang palagi?
Hindi ba pwedeng masaya nalang palagi kapag may lovelife?

Well, I believe kapag nagmahal ka... aasahan mong masasaktan ka talaga.

The Person Behind The White Robe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon