Chapter 7

174 7 0
                                    

#TPBTWRLibrary

Sa sumunod na mga araw ay palagi pa ding hinahanap ni Ate sina Doctor Villaflores. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang maramdaman ang presensya nila. Ang alam ko lang naman ay sobrang hinahanap talaga ni ate ang Villaflores Family. Thats why I decided na hanapin na din sila.

Kuya Geym also looked for them kasi nga gusto niyang aasikasuhin ang bayad. Kaso Villaflores isnt here in their hospital today.

Minsan kasi susulpot bigla si Dr. Villaflores. Minsan mawawala. Palaging may emergency siguro hindi ko alam. Tapos kapag andiyan siya, may surgery naman o kaya busy. Palaging on duty si Doc.

Napaupo ako sa labas ng room ni Ate. Breakdown spot ko na ba to? Sa sahig nalang palagi?

Yung prelim exams ko. Hindi man lang ako nakapag study. May kailangan pa akong icatch up kasi wala ako kaninang umaga.

"You need to go to class." Rinig kong sabi ni Kuya Geymhar.

"Si ate?"

"Wala namang masama sa Mental health niya."

Sobrang naloloka na kasi si Mama kay pinapacheck na din pati Mental health ni Ate. We are just so confused.

Napatango ako.

Tumayo na ako at saka pinagpag ang likoran ko. Wala na kasi ako nakauwi simula kahapon. Papalit palit kami ng pagbantay kay ate. After her last check up ay ililipat na siya sa hospital nina Kuya Geym. Nasa Villaflores na hospital pa din kasi kami.

Nang makarating na ako sa bahay ay kaagad akong nagbihis. Shit. Hanggang ngayon ay wala pa din akong nabiling uniform. Baka hindi na naman ako makapasok? Tapos malalate na naman ako? Tapos ma mimissed ko na mga oral recitations? Pati na din mga quizzes? Bakit andami dami ko gawin matapos ng lahat? Bakit nagkakasabay-sabay na lahat.

Ilang contact na din sina Ron at V sa akin. Pero kailangan ko lang talaga bigyan ng oras ang sarili ko. Kailangan kapag magiging okay na si Ate ay malalaman niyang I did well at school. Pero... its just getting worst.

Ibang iba ang Angela Linn na ate ko na nagpapakita ngayon. Noon kasi Cheerful si Ate. Super inspired sa school. She looks like an Angel. Tapos siya yung nagpapasigla sa mood sa bahay. Pero hindi ko na alam kung anong nangyari sa ngayon.

We lost her.
We found her.
Yet she is still lost.

Simula ngayon pinagsisikapan kong bumawi. Even at exams? Nagpapaspecial exam nalang ako. Bahala ng ako lang mag-isa ang mag take ng exam kaysa nakikisabay ako sa kanila na hindi naman ako handa.

Lumipas ang prelims.

Hindi na muna ako nakipagkita kina V and Ron. Though nirereplyan ko na after ilang weeks. Sinabi ko na lang na naging busy ako. Hospital to school to bahay lang ang dapat kong path. Wala na kasi akong oras para dumaan pa sa kabilang school.

Naging ganito lang ang daloy ng buhay ko. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling kumain na nasa wastong oras.

Lumipas ang Midterm, Semi-Final at finals.

Binawi ko nalang ang academics. Hindi ko na kasi alam kung ano nang nangyayari sa mundo. Kay ate? I choose not to see her for awhile.

Hindi niya naman ako hinahanap.

Parang wala lang yung mga panahon na hinahanap namin siya. Sana na appreciate niya rin iyon.

Nasa library lang ako today. Hindi na ako nakapunta sa cafeteria sa kabilang school. I feel sorry kasi bigla nalang akong nawalan ng contacts kay V at Ron. I hope they will understand.

Nakalapag lahat ng books ko na dapat kong iadvance-study. Pinapatay ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral. Ayoko munang umuwi.

Napatitig ako sa phone ko.

August 19.
6:00pm

I sighed.

Kailangan ko na pala talagang umuwi. Ano ba magandang gawin sa bahay? I sighed again.

Until mayroong nag ring. Pagtingin ko sa phone ko. Hindi naman nagring. May ibang tao pala sa library.

Ringing.

Ringing.

Napatingin ako sa kabilang table sa may gilid ko. Nag-riring ang phone niya na hawak niya naman. Tinitigan niya lang ito ng walang emosyon sa mukha.

Napakunot ako ng noo.

May nagstustudy din kasi na ibang tao dito sa library. Baka makakadisturbo siya.

Tatawagin ko na sana siya ng, "kuya" kaso bigla siyang... umiyak.

Napatigil ako.

Nakatingin ako sa kanya habang umiyak na para bang hindi na niya kayang guminhawa. Naawa ako. I saw myself in him.

I took out my hanky.

Tumayo ako.

Nagtitinginan na ang ibang students. Pati librarian ay pupuntahan na sana siya pero pinuntahan ko siya at saka inabotan ng Panyo.

Inabot ko nga ang panyo.
Pero hinawakan niya ang kamay ko without even looking at me. At pinisil niya iyon. And i just let him.

A moment have passed.

I also cried.

The Person Behind The White Robe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon