A/N: Mewshie.
Ctto.
.................
Maagang nagigising si Aina tuwing umaga. Gusto niya kasi makita ang pagbubukang liwayway. Pumunta siyang kusina. Nakita niya roon si Lola Inday. Ang mayordoma ng Mansion nila.
"Magandang umaga, Señorita" bati nito.
"Magandang umaga rin po, Lola Inday" nakangiti niyang bati.
"Alam ko na tuwing ganitong oras ka nagigising kaya, maaga akong nagluluto" nakangiting sabi ni Lola Inday.
"Salamat, Lola Inday" sabi ni Aina.
Lola Inday ay hindi lang maid sa bahay nila. Ito na rin ang nag silbi niyang Lola at ina. Hiwalay na kasi ang parents niya simula nung six years old siya. Papà niya ang kasama niya pero parang hindi, dahil palaging busy ito sa trabaho.
"Mewshie!" tawag niya sa pusa niya.
Hawak ito ni Ylona isang dalaga na katulong sa mansion nila. Pinag aaral ito ng ama niya. Ang kapalit manilbihan ito sa kanila.
"Napaliguan at napakain ko na po siya, señorita" nakangiting sabi ni Ylona.
"Salamat" nakangiting sabi ni Aina. Saka nilaro ang pusa. Mabalbon ito at may lahi. Malaking uri ng pusa ito.
Pagkatapos ng agahan niya. Naligo siya at nagbihis ng bistida na hangang ilalim ng tuhod. Kulay brown ito. Sinuot din niya ang hut niya para kung sakaling uminit na. Hindi maarawan ang mukha niya.
***
"Kumusta na kayo mga alaga ko" sabi ni Aina sa mga alaga niyang mga manok at bibe.
"Kokkokokok!!!!"
Kasalukuyan kasi siyang nagpapakain.
"Señorita! ako na po dyan. Baka maputikan pa po kayo" sabi ni Eka.
Si Eka ay isa sa tapat at masipag na tauhan nila sa Hacienda. Taga pag pakain ito ng mga alaga nila sa farm.
"Ano ka ba? alam mo naman na tuwing umaga ako ang nagpapakain sa kanila" nakapamewang na sabi ni Aina. "Ikaw na lang mag pakain sa mga baboy, baka at kabayo" dagdag pa niya.
Napakamot sa ulo si Eka. Alam din nito na talagang matigas ang ulo ni Aina.
"Eh. Señorita, kanina pa po napakain ang mga alaga na iyon" sabi ni Eka.
"Ganon ba?" sabi ni Aina at masayang nagpapakain ng mga alaga.
"Pakiusap, señorita. Nandiyan ang Papà mo. Kanina ka pa po pinahahanap" sabi ni Eka saka kinuha ang pakainan ng manok at itik. "Saka may bisita po kayo" dagdag pa nito.
Bisita?
"Sino naman daw?" tanong niya.
"Hindi ko po alam. Mukha pong lawyer"sabi ni Eka at pinakain ang mga manok at bibe.
"Sige, pakainin mo sila ng maayos. Saka pasabi pala kay Paldo na kuhanan niya ako ng mga sariwang prutas ah. Salamat" sabi ni Aina.
***
Bawat daan ni Aina ay bumabati sa kaniya ng magandang umaga. Nginingitian niya rin ito at bumabalik ng bati.
Napakunot ang noo niya ng bigla siyang hinarang ni Harold isa sa tauhan nila sa Hacienda at sa Hardin ito nakatuka.
"Bakit?" tanong niya.
"Ahm.. Señorita, ito po bulalak para sa inyo" nahihiyang sabi ni Harold.
Napangiti siya at tinanggap ito.
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.