Pawis na pawis si Aina pagbaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ibang-iba kasi ang amo niya kanina. Biglang nawala ang masungit na aura nito. May ugali rin pala itong playful.Naisip niya kailangan niya divert ang iniisip niya. Kailangan niya mabura sa isip niya iyong nangyari kanina.
"Hay, grabe naman iyon." sabi niya at dumiretso sa kusina.
Nakita niya ang hugasan. Mukhang mapapasabak siya.
"Gagamutin ko na nga lang pagtapos" sabi niya.
Unang ginawa niya ay naghugas ng pinggan. Bawal mababa ang kamay niya sa sabon maliban sa sabon sa katawan. Nagsusugat kasi ang kamay niya.
"Kailangang tiisin" sabi niya.
Nilibang nalang niya ang sarili para makalimutan ang sakit. Sumunod naman na pinuntahan niya ay laundry room. Nakita niya na may mga damit na hindi pa nalalabhan. Kunti lang naman iyon. Kaso hindi nga siya pwede dahil pagnilabhan niya ito. Lalong magsusugat ang kamay niya.
"Hay bahala na nga" sabi niya.
Inanlawan niya muna ang mga damit para mas malinis pag gumamit ng washing.
Pagkatapos maglaba at banlaw. Pagsasampay naman ang gagawin niya. Lumabas siya at gumawa ng sampayan. Mas maganda kasi na naaarawan ang mga damit para mabango.
Sumunod niyang ginawa ay nagmap siya sa sala para malinis tignan. Nagpunas din siya ng mga frame.
Ang gwapo pala ng tatay nila sir. Kaya pala ang gwapo rin ni Sir Kiel at Kenderson.
"What are you doing?" nagulat siya sa nagsalita kaya hindi niya sinasadyang mabitawan ang frame saka nabasag.
"Fudge!" react ni Kenderson at tumingin sa basag na frame. "Yari ka kay Kuya" dagdag pa nito.
Dali-dali siyang bumaba at kinuha ang litrato. Hindi sinasadya na masugatan siya ng bubog dahil sa taranta.
"Careful, nako may sugat ka" sabi ni Kenderson. Hinawakan nito ang kamay niya.
"H-Hindi, ayos lang"sabi ni Aina.
"Ano iyong narinig ko na nabasag?" tanong ni Kiel na bumaba sa hagdan. Gulo ang buhok nito pero halata na bagong ligo. Nakasuot ito ng sandong gray at boxer short.
Nanlaki ang mata nito at dali-daling tinignan ang basag na frame.
"Anong ginawa mo?!" galit na sabi nito. "Alam mo ba na importante ito!" dagdag pa nito.
Luma na kasi ang picture tapos namantsahan pa niya ng dugo kaya pumangit ang litrato.
"H-Hindi ko sinasadya. Nagpupunas lang ako" sabi ni Aina na nakayuko.
"Oo, kuya. Kaya na basag kasi nagulat siya." pagtatanggol ni Kenderson sa kaniya.
"Puro kasi landi. Saka bakit ba nagpupunas ka? hindi naman kita inutusang magpunas" galit na sabi ni Kiel.
Napaiyak na ng tuluyan si Aina. Dahil ngayon lang siya na sabihan ng malandi.
"S-Sorry, p-papayos ko na lang" nakayuko niyang sabi habang nagpupunas ng luha.
"Mahal iyan, anong tingin mo mumurahin lang yan. Maid lang ang trabaho mo tapos ang lakas ng loob mo na sabihing ipapaayos" sabi Kiel. Halata talaga dito ang galit sa kaniya.
"Kuya, tama na. Ang sakit mo ng magsalita" sabi ni Kenderson at inaalo siya.
Bawat salita na sinasabi ni Kiel ay tumatagos sa puso niya.
"Pag-iipunan ko" sagot niya.
Kung alam lang siguro nito na mayaman siya. Hindi man kasing yaman nito pero kaya ng pamilya niya na paayos ang litrato na iyon.
"Kung mauulit ito. Sa susunod magbalot-balot ka na. Hindi kita kailangan dito." sabi ni Kiel bago tumalikod at iniwanan sila.
"Pagpasensiyahan mo si Kuya, importante kasi ang litrato na yan para sa kaniya" sabi ni Kenderson.
"Pasensiya na rin hindi ko sinasadya" sabi niya at nagpunas ng luha. Saka inuwan si Kenderson.
........
"Kuya, nagluto na si Aina" sabi ni Kenderson. Nang pumasok ito sa kwarto ng kuya niya.
"Hindi ako gutom" malamig na sagot ni Kiel.
"Hummm.. ang sarap pa naman nito" sabi ni Kenderson at inamoy ang dalang pagkain.
"Kung gusto mo. Ikaw ang kumain" sabi niya at nagtalukbong ng unan.
"Sus kuya umandar na naman kapabebehan mo" sabi ni Kenderson at nilapag sa kama ang tray ng pagkain. "Saka kuya, hindi naman dapat na minaliit mo si Aina. Purket na maid ang trabaho niya. Oo, nandoon na nga tayo na nasira yong frame. Iyon maari pang maayos, pero yong mga masasakit na binitawan mo hindi na." dagdag ni Kenderson.
Bigla siyang tinamaan sa sinabi ng kapatid. He know that his word is an insult.
"Sige, kuya. Alis na ko. May party pa akong pupuntahan. Dapat sasama ko si Aina. Kaso mukhang hindi na talaga sasama yon"sabi ni Kenderson at narinig niya ang pagsara ng pinto.
..........
"Oh, Mewshie! gustom ka na ba?" tanong niya sa pusa niya na naglikingkis. Nasa kwarto kasi siya. Pinagluto na rin niya ang amo niya para walang masabi.
"Nagugutom ka na?" tanong niya. Nakapa niya sa ilalim ng unan niya na may tinapay.
"O ito, kumain ka. Sorry kung hindi muna kita nabilhan ng pagkain. Kailangan ko kasi makabili ng cellphone para makausap ko si Mamà. Kukumustahin ko lang" sabi ni Aina at inaplos ang pusa.
Namimis na kasi niya ang Mamà niya. Ilang taon na rin na wala silang communication. Naisip niya rin na magpatulong dito na huwag siyang ipakasal sa matandang hukluban. She know that her mother is rich. Mas mayaman pa sa Papà niya.
"Mewshie, pagnakausap ko na si Mamà at tutulungan niya ako. Aalis na tayo rito. Pero kailangan ko munang pagawa yong nasirang litrato, bago tayo umalis" kausap niya sa pusa habang binibigyan ito ng tinapay.
"Kung hindi lang dahil kailangan na magpakamaid ako. Hindi ko pagtitiyagaan na maging amo ang katulad niya. Mayaman at gwapo
nga, arogante naman. Kaya mas gusto ko talaga mga simpleng tao. Kahit simpleng buhay lang at nakakain araw-araw. Ayos na ako. Kasi Mewshie, gusto ko na simple lang. Hindi mapanghangad tulad nila Mamà at Papà. Hindi sila nakuntento na ayusin nila ang pagsasama nila para sa akin" kausap ni Aina at pinahid ang luha.Hindi alam ng magulang niya na may sama rin siya ng loob.
"Hay!" bumuntong hininga si Aina. Pinahid ang luha. "Ubos na pala kinakain mo. Tulog na tayo" nakangiti niyang sabi sa pusa.
Humiga siya at tumabi ang alagang pusa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.