"Tigilan mo nga kakatingin ng masama kay Japhet" sabi ni Aina kay Kiel.Ngumuso si Kiel at niyakap siya mula sa likod. Nasa balcony kasi sila. Masarap kasi ang simoy ng hangin dito sa pwesto nila at tanaw ang malawak na lupain ng mga Hayes. Nakahinga ng maluwag si Aina ng malaman na umalis ang ama niya. Ang sabi niya kasi kay Kiel. Katulong siya dati rito. Mali man ang magsinungaling, pero kailangan niyang gawin. Saka na siya aamin pag naayos na niya ang problema niya sa Papà niya.
"Eh makatingin sayo kanina para kang tutunawin"sabi ni Kiel.
Kinurot ni Aina si Kiel sa braso.
"Kababata ko iyon, ano ka ba"natatawang sabi ni Aina.
Tapos napatingin sila sa gawi ni Japhet na tumutulong sa pagbubuhat ng gulay. Kinindatan at ngumiti ito kay Aina. Kaya lalong naiinis si Kiel.
"Nakita mo na? Nang aasar"sabi ni Kiel. Halatang pikon na ito.
Hinarap ni Aina si Kiel at hinawakan ang magkabilang pisnge ng binata na nagtantrums. Nakasimangot na ang gwapong mukha nito. Gustong matawa ni Aina. Kasi hindi niya na imagine na may gantong childish side si Kiel. Biruin mo isang lawyer na bigatin, tapos nag tantrums?
"Hayaan mo na yon"sabi ni Aina na may lambing sa boses.
"Hayaan? Kita mo panay tingin sayo?" Maktol ni Kiel at hinawakan si Aina sa bewang.
Ngumiti si Aina at kinurot ang magkabilang pisnge ni Kiel.
"Hanggang tingin lang siya"paglalambing ni Aina.
Ngumiti si Kiel at hinalikan sa noo si Aina.
"Oo, hanggang doon lang talaga siya"sabi ni Kiel. "Subukan niyang lumagpas, sasamain siya"dagdag pa nito.
"Oo, kaya huwag ka mag-alala. Dahil ikaw naman ang mahal ko eh"sabi ni Aina at hinalikan ng magaan sa lips si Kiel.
Namula si Kiel at sumubsob sa leeg ni Aina at yumakap sa kaniya.
"Ayiee, kinikilig na naman ang bebe ko"sabi ni Aina.
Natawa siya ng pigain nito ang pwet niya. Kaya tinampal niya ang kamay nito. Nang gigigil na naman siguro ito.
"Galing mo kasing magpakilig"sabi ni Kiel.
Natawa si Aina ng makitang namumula ang tenga nito. Ganto si Kiel kapag kinikilig. Sinuklay niya ang buhok nito. Infairness malambot ito. Hindi kasi naglalagay ng kung ano-anong cream sa buhok si Kiel. Ito rin isa sa nagustuhan niya sa binata. Pagiging natural nito.
"Luh, sinasabi ko lang naman iyong nasa puso ko"sabi ni Aina.
Nag-angat ng tingin si Kiel. Namumula ang pisnge nito.
"I love you too"sabi ni Kiel at hinawakan sa kamay si Aina saka dinala sa labi nito upang halikan. "Marami akong nagawang pagkakamali sa iyo, simula umpisa palang ng pagkikita natin. Alam na alam mo iyon, I've been an arrogant to you. Hindi ako nagpaka gentle man ng muntik na kitang mabangga. Honestly, this is a unexpected situation. Kasi noon, hindi ko inisip na may seseryusuhin akong babae. Playful ako masiyado. Pero ng dumating ka biglang nagbago pananaw ko sa buhay. Thank you, Aina. Thank you, because you gave me a chance to prove that I'm serious. Serious sa pagmamahal ko sayo"dagdag ni Kiel.
Ngumiti si Aina at hinaplos sa pisnge si Kiel.
"Maybe, Elohim. Use me, para magbago ka at magbago ang pananay mo sa buhay. Saka honestly, sa umpisa nag doubt ako sayo. Kasi nga babaero ka" sabi ni Aina at kinurot sa ilong si Kiel. Natawa si Kiel at malambing na niyakap si Aina. "Pero, tao lang ako. I don't have a right to judge you easily. Dahil hindi ako ang Ama at Ama ang may karapatan na manghusga kasi nilikha niya tao. Saka walang taong matuwid. Kahit ako, hindi ako matuwid. May kasalanan din akong nagawa. Kaya sino ba ako para husgahan kita"dagdag pa ni Aina.
"Ano naman iyong kasalanan na nagawa mo?" Tanong ni Kiel.
Bigla siyang kinabahan.
"Hmm.. secret"sabi na lang ni Aina.
Kumunot noo si Kiel.
"Secret? Bakit?" Tanong ni Kiel.
"Basta"sabi ni Aina.
Sakto namang dating ni Loida at ina nito na may dalang tanghalian nila.
"Tanghalian nyo po"sabi ni Loida at nilapag sa lamesa ang pagkain ganon din ang ina nito nilapag ang inumin.
"Kain na rin po kayo"sabi ni Aina.
"Nako, huwag na anak"sabi ni Inday na ina ni Loida.
"Sige na po, sumabay na kayo."Sabi ni Kiel at ngumiti. "Saka salamat po pala sa paghatid sa akin dito"dagdag pa ni Kiel.
"Walang ano man iyon, basta sa sen-" napahinto sa pag sasalita ang matanda ng mag sign si Aina na huwag siyang tawaging "Senyorita".
Kaya biglang nagtaka ang matandang mayor doma."sen?"takang tanong ni Kiel.
"Sen...." sabi ni Loida at nag-isip ng iduduktong. "Sincere ba" buti nakaisip si Loida. "Nakita kasi ni Nanay na sincere ka o mukha ka namang mabuting tao. Kaya tinulungan ka niya"dagdag ni Loida.
Nakahinga ng maluwag si Aina.
"Yeah"ngumiti si Kiel na sumang-ayon sa sinabi ni Loida. "Sige na po, sumabay na kayo sa amin. Gusto ko rin kayo makakwentuhan" dagdag pa ng binata.
"Sige na po"sabi ni Aina.
Bumuntong hininga si Inday.
"Lets pray first, before we eat"sabi ni Kiel.
"Ay nag babagong buhay na talaga si Sir"natatawang asar ni Loida.
Ngumiti si Kiel bago simulan mag dasal. Nang matapos mag dasal sinimulan na nilang kumain.
"Sir, buti hindi kayo binuntutan ni Sir Ken at Ma'am Kyline?" Sabi ni Loida.
"Ah si Ken, busy sa school. Si Kyline nag beach adventure"sabi ni Kiel.
"Hellooo, guys!" Sabi ni Japhet ng makalapit sa kanila.
"Kain" alok ni Aina.
"Japhet, hainan kita. Gusto mo ba kumain?" Sabi ni Inday.
"Sige po, Manang"sabi ni Japhet at makapal ang mukhang umupo sa tabing upuan ni Aina.
"Oy! Japhet, dito ka nga sa tabi ko" tawag ni Loida kay Japhet kasi nahalata nito na naiinis na naman si Kiel.
"Ayaw ko diyan, mas gusto ko katabi si Everly"sabi nito at kumindat pa.
Hinawakan ni Aina sa kamay si Kiel halata kasi rito ang inis.
"Sige na, Japhet. Doon ka na sa tabi ni Loida"pakiusap ni Aina.
Bumuntong hininga si Japhet at tinatamad na umupo sa pwesto ni Loida.
"Ok na po, chill ka na"bulong ni Aina kay Kiel.
.................
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.