A/N: Hello guys sorry for late update.
..............
Masaya naman ang naging mga araw nila Kiel at Aina. Naglibot sila sa kung saan-saan sa province at kumain din sila ng iba't ibang prutas at gulay. Sabay din na nagpakain sila ng mga alagang bebe at manok ni Aina. Walang araw na hindi sila nag enjoy dalawa. Pero sabi nga nila kakambal na ng saya ang lungkot.
"Arnolfo, malapit na ang due date sa pinag-usapan natin. Naiinip na ako" rinig nilang sabi ng kausap ng Papà ni Aina.
Napahinto sila at nagtago para hindi malaman ng mga ito na nakikinig sila. Ginabi na rin sila sa pamamasyal sa bayan.
"Pablo, pwede bang iba na lang ang ipang bayad ko sa pustahan natin?"pakikiusap ng ama ni Aina rito.
"No! Napag-usapan na natin na ikakasal sa akin ang anak mo. Bago matapos ang buwan na ito. Usapan ay usapan?"galit na sabi ni Pablo.
"Oo nga, pero hindi ko kayang ipakasal ang anak ko sa mas matanda pa sa akin"sabi ni Arnolfo.
"Ano naman kung matanda ako? Hindi sa tanda iyan"sabi ni Pablo.
Sa mga naririnig ni Kiel na bla-blangko ang utak niya. Hindi pa man napigilan ni Aina si Kiel. Nag pakita na ito sa dalawang matanda na nag uusap.
"Oh Mr. Dela Cruz. Long time no see"magiliw na sabi ni Pablo at akmang makikipag kamay kaso nilagpasan ito ni Kiel at lumapit sa ama ni Aina.
"Hindi ako makakapayag na ipakasal si Aina sa sino mang lalaki. Bukod sa akin"lakas loob na sabi ni Kiel.
"Anong pinagsasabi mo, Mr. Dela Cruz?"sabi ni Pablo at lumapit kila Kiel.
Mga nakikinig na rin at nanunuod ang mga tauhan ng Hacienda.
"Boyfriend po ako ni Aina, Mr. Hayes"sabi ni Kiel.
Nanlaki ang mata ni Aina. Kasi hindi niya pa inaamin na Hayes siya rito. Nilingon siya ni Kiel at nginitian.
"I know, Bebe. At naiintindihan kita kung bakit mo nagawa yon"sabi nito.
Napatakip sa bibig, dahil sa pagbadya ng pagluha.
"S-Sorry, Kiel. H-Hindi ko intensiyon na lukuhin kita."sabi ni Aina habang umiiyak.
Linapitan siya ni Kiel at pinahid ang luha sa pisnge. Bago halikan ang noo niya.
"I understand. Huwag ka na umiyak, ok."sabi ni Kiel.
Tumango naman si Aina.
"Hindi pwedeng umatras ka sa usapan, Arnolfo" hysterical na sabi ni Pablo.
"Magkano ba ang utang ni Mr. Hayes. And triple ko pa yon. Name it"sabi ni Kiel.
Dibale na maubos ang lahat ng pinundar niya. Huwag lang mawala ang babaeng mahal niya. Ngayon lang siya nagmahal ng tudo sa isang babae. Kaya hindi niya sasayangin.
"100 Billion Dollar"sabi ni Pablo na nakangisi.
Napasinghap ang mga katiwala, dahil sa narinig na presyo ng utang.
"But hindi pera ang gusto kong kapalit. Kung hindi ay anak niya"dagdag pa nito.
Nagtangis ang panga ni Kiel.
"Ughhh" napahawak sa dibdib ang Papà ni Aina.
"Papà!!!" sigaw ni Aina ng bumagsak sa sahig si Arnolfo.
Agad naman na tinulungan ni Kiel ang ama ni Aina. Tinulungan din siya ng mga trabahador na isakay sa kotse.
***********
Habang nag drive si Kiel. Tinitignan niya si Aina na umiiyak habang hawak ang kamay ng Papà nito.
"Pa, huwag mo po muna ako iiwan. Marami akong gustong gawin na kasama ka"sabi ni Aina habang umiiyak.
"Senor, huwag po muna ninyo iiwan si Nana. Mahal na mahal ka po niya"sabi ni Loida.
Sumama kasi ito.
30 minutes halos ang nilagi nila sa kotse bago sila nakarating sa isang private hospital sa probinsiya nila.
"Please, do anything for Mr. Hayes"sabi ni Kiel sa doctor.
"Yes, we will sir."Sabi ng Doctor.
Si Aina naman ay napaupo sa waiting area. Napasapo ang mukha niya sa dalawang kamay habang umiiyak. Tumabi naman si Kiel sa dalaga upang aluhin. Yumakap naman si Aina kay Kiel.
"Kiel, sorry. Kung nagsinungaling ako sayo"hikbing sabi ni Aina habang nakasubsob sa dibdib ni Kiel.
Hinahaplos naman ni Kiel ang likod ng dalaga.
"Ayos na yon, importante maayos natin ang gulo. Hindi ako papayag na mapunta ka kay Pablo"sabi ni Kiel.
Nag-angat naman ng tingin si Aina kay Kiel. Ngumiti si Kiel at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Aina, bago dampian ng halik.
"Para saan pa at naging lawyer ako. Kung hindi ko kayang ipanalo ang taong mahal ko"sabi ni Kiel at hinalikan ang noo ni Aina.
Yumakap naman si Aina kay Kiel. Hindi niya akalain na hindi siya magsisi sa pagbibigay ng chance na mahalin niya ang binata at mahalin siya nito.
"I love you, Kiel. Sorry ulit kung naglihim ako sayo"sabi ni Aina at napaluha ulit.
Ngumiti si Kiel at hinalikan siya ulit ng magaan.
"I love you too, Aina. We will fight this battle together"sabi ni Kiel at muling hinalikan si Aina.
"Ehem... nandito pa ako"sabi ni Loida.
Napabitaw tuloy sila sa paghahalikan, dahil kay Loida.
"Loida naman! Bakit mo sinabi na nadiyan ka? Nakakahiya tuloy"sabi ni Aina at sumubsob sa dibdib ni Kiel.
"Aba? Ako pa may kasalan na naging PDA kayo?"natatawang sabi ni Loida.
Tumawa rin si Kiel.
"Huwag ka na mahiya, Bebe. Diba alam naman na ni Loida. Pero kung na offend ka sa amin. Sorry, Loida. Nadala lang"sabi ni Kiel.
"No, problem sir. Sanay na ako sa ganyan eh. "Sabi ni Loida.
Natulog si Aina ng hindi namamalayan. Dahil sa kakaiyak nito. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Kiel. Nag-okupa na rin sila ng isang kwarto para makapag pahinga sila.
"Salamat, sa pagiging kaibigan ni Aina."sabi ni Kiel kay Loida.
"Wala iyon sir. Saka mabait po talaga yan si Nana. Kahit noong mga bata pa lang kami. Kahit na may kaya yan. Hindi siya matapobre. Nakikipaglaro pa siya sa amin. Wala rin naman kaso sa magulang niya. Mabait din naman magulang ni Nana. Kaso ang sad lang naghiwalay. Kaya nalungkot yan si Nana. Kaya si Nanay ang naging ina-inahan niya. Habang nag dadalaga si Nana."Sabi ni Loida.
"Salamat at may na kasama si Aina. Habang hindi pa niya ako nakikilala"sabi ni Kiel habang sinuklay ang buhok ni Aina.
"Oo nga po eh, pero sir. Sana huwag ninyo po sasaktan si Nana. Ayaw ko po na makita siya na mangyari ulit sa kaniya yong umiyak dahil sa taong mahal niya na iiwan siya."sabi ni Loida.
"Yes, Loida. Hindi ko hahayaan na mangyari yon."sabi ni Kiel.
.............
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.