"Ano bang kalukuhan ito, Ken?" tanong ni Aina.
"Basta" sabi nito.
Katatapos lang kasi niya maligo. Nakapangtulog na siya ng kumatok si Kenderson sa kwarto niya. Hindi na pala siya naka-room sa maid's quarter. Binigyan na siya ng spear room ni Kiel. Naka-pajama siya. Habang inaalalayan siya ni Kenderson.
"Ikaw baka pinagtripan mo na naman ako ah?" sabi niya.
"Hindi nga, promise you'll love it" sabi ni Kenderson at ngumiti.
"Ok sabi mo iyan ah."sabi niya.
"Here we go" sabi ni Kenderson.
Naramdaman niya na nasa garden sila. Naramdaman niyang tinanggal na nito ang blind fold niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata. Nakita niya si Kiel, may hawak itong boque of roses. Simple lang ang suot nito, T-shirt at tukong pants. Nakangiti itong lumapit sa kaniya.
"Kiel" sabi niya.
Nilibot niya ang tingin. May nakahandang pagkain sa lamesa at may candle. May ilaw rin na design sa mga halaman at bulaklak sa garden. Kaya naging mas maganda ang hardin.
"Bakit may ganto?" tanong niya na hindi makapaniwala.
"Sige, bro. Alis na ako. Enjoy sa date nyo" sabi ni Kenderson.
"Thanks bro" sabi ni Kiel at ngumiti.
Tumango at sumaludo si Kenderson bago umalis.
Inalalayan na umupo ni Kiel, si Aina na hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Bakit may ganto?" tanong ni Aina.
Napakamot ng ulo si Kiel.
"I want to date you. Sorry kung late ako nakauwi. Ngayon lang natuloy iyong sinabi kong date sayo" kumamot pa sa ulo si Kiel.
"Diba kayo ni Kyline?"tanong niya.
Hinawakan ni Kiel kamay niyang nakapatong sa mesa.
"No, Kyline. He was my cousin" sabi ni Kiel.
Medyo naguluhan siya.
"I mean, She is my cousin. Kyline is a transgender"sabi ni Kiel.
Nanlaki mata ni Aina sa nalaman. Sa ganda non, naging lalaki noon iyon?
"Seryuso ba?" tanong niya.
"Yeah" sagot ni Kiel.
"Eh bakit ang sweet ninyo sa isa't-isa? para kayong may relasyon" sabi niya.
"Ganon lang talaga siya. Sweet na tao at mabait si Kyline." nakangiting sabi ni Kiel. "Selos ka no?" dagdag asar nito.
"Oo, eh ang sweet nyo kaya" sabi ni Aina at ngumuso.
"Don't be." sabi ni Kiel.
"Ano pala name niyang totoo?" tanong niya.
"Kylar" sagot ni Kiel.
Maya-maya bigla silang natahimik. Kaya nagsimula ng kumain si Aina. Siyempre nag dasal muna. Bawat biyaya dapat pinag papasalamat sa may Likha.
"I want to court you"sabi ni Kiel. Pambasag sa katahimikan.
Biglang nasamid si Aina. Kaya dali-daling binigyan siya ng tubig ni Kiel.
"Hindi ako mayaman. Simpleng katulong mo lang ako"sabi niya. She need to lie, maliit lang ang mundo. Kaya hindi imposible na hindi nito kilala ang Papà niya.
"Hindi sa akin, issue iyan. Pag gusto kita. Tanggap ko lahat sayo" sabi ni Kiel.
"Nagka-gf ka na ba?" tanong niya.
"Yeah, pero not serious"honest na sagot nito.
"Eh may nag sabi sa akin na babaero ka. Pano mo mapapatunayan na seryuso ka sa akin?"paniniguro niya.
"I'll do my best, para patunayan na seryuso ako"sabi ni Kiel.
"Paano kung ngayon pa lang basted ka na?" sabi niya.
"I'll still pursue you"nakangiti nitong sabi.
"Pero marami namang mayaman, maganda, sexy at sikat diyan. Bakit ka nagtitiyaga sa katulad ko?" sabi niya.
"Money is not a problem to me. Kaya, no need to find a rich woman. Kung sa ganda lang, may panama ka sa kanila. Don't get me wrong. I start liking you, because you have a good heart. Walang arte at napaka simple"nakangiti na sabi ni Kiel.
Talagang Lawyer ang luko. Ang galing sumagot.
"Wala bang halong bola iyan?"tanong niya.
"Wala"sabi nito.
"Sabi nga nila. Hindi mo malalaman. Kung hindi mo susubukan. Sa love kailangan mo rin mag take ng risk. Huwag mo pangungunahan ang mga bagay na hindi mo alam kung mangyayari ba." biglang pumasok sa isip niya ang pangaral ni Loida.
Ama, tama bang bigyan ko siya ng pagkakataon. Sana po tulungan ninyo po ako. Amen
Dasal niya.
Bumuntong hininga siya.
"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon"sabi niya.
Nagulat siya ng tumayo si Kiel at nagtatalon sa tuwa. Tapos lumuhod sa harap niya at pinaghahalikan ang dalawang kamay niya.
"Thank you. I'll do my best to prove that I'm serious."sabi ni Kiel.
"Sana nga Kiel"sabi niya at hinaplos ang pisnge ng binata.
Talaga namang biniyayaan ito ng kagwapuhan.
"Tayo ka na riyan. Kumain ka na rin. Baka gutom ka na"sabi niya.
"Ok" sabi nito at hindi mawala ang ngiti sa mukha.
Napangiti rin siya. Kita niya ang totoong saya nito.
Sana nga po. Hindi po ako magkamali. Ayaw ko po na maulit iyong nangyari sa family ko na bandang huli ay nasira. Taimtim niyang kausap sa Ama.
...............
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.