ARROGANT LAWYER 10

1.3K 49 6
                                    

Kiel Dela Cruz on the photo.

ctto.
................★★★★......................

"Napahiya ka raw sa party kagabi? saka nasa social media yong picture nyo ni Sir" sabi ni Loida.

"Oo, pero hindi ko naman sadya iyon. Sadyang pinalaki lang talaga nung babae" sabi ni Aina habang nag didilig.

"Buti na lang ka mo. Hindi kita ang mukha mo sa mga pictures na kumalat. Kung hindi yari tayo kay Señior Alfonso" sabi ni Loida.

Good thing na rin iyon. Dahil niyakap siya ni Kiel. Speaking of Kiel. Hindi niya na isip na ipagtatanggol siya nito sa fiancee nito.

"Pero yong fiancee ni Sir yong nakabangga mo diba?" tanong ni Loida.

Tumango siya.

"Pero bakit ikaw ang nilapitan ni Sir" takang sabi ni Loida at nagkatinginan sila.

"Omy! Omy! di kaya may gusto si Sir sayo. Hindi naman magagalit yon kay Sir. Kenderson eh." sabi ni Loida.

Dakilang chismusa talaga ang babae na ito. Narinig kasi nito ang panenermon ni Kiel sa bunsong kapatid. Pumasok kasi agad siya sa kwarto kaya hindi na niya alam ang mga sumunod na ng yari. Nawindang kasi siya hindi siya sanay na pinapahiya. Yong kagabi lang yong insidente na napahiya talaga siya.

"Nako, kung nandoon si Papà mo. Yari na yong babae na yon" sabi ni Loida.

"Buti na lang hindi ko nakita si Papà ron" sabi niya at napabuntong hininga. "Pero alam mo nakakatrauma. Lalong ayaw ko na pumunta sa mga party. Pakiramdam ko ipapahiya na naman ako" malungkot niyang dugtong.

"Hay nako, Nana. Hindi sa lahat ng pagkakataon ganon ang mangyayari. Nagkataon lang yon saka yong fiancee ni Sir isip bata. Kita mo naman diba. Kung makapagdabog tskk.." sabi ni Loida at sumama ang mukha.

"Oo, nagulat nga ako kasi nagalit siya na parang bata ng makita niyang niyakap ako ni Sir. Kiel kagabi" sabi ni Aina.

Ngumiti si Loida.

"Pero infairness, Day. Ang sweet ni Sir sayo sa picture. Saka alam mo ba. Maingat iyan si Sir na magtago ng personal na buhay. Ayaw niyang pinapakialaman sa iba ang buhay niya. Gusto niya private lang" sabi ni Loida.

"Ganon ba, nakakahiya naman kay Sir. Siguro kung hindi ako sumama non. Hindi magkakaroon ng gantong problema" sabi ni Aina. "Pero na saan pala si Sir?" dagdag niya.

"Ah hindi ko alam, pero nung napadaan ako sa office niya. Narinig ko na kausap niya si Sir Ken. Ang narinig ko. E-cancelled na raw ni Sir Kiel ang kasal. Baka iyon nga ang pinuntahan niya" sabi ni Loida.

"Saka hindi sila bagay ni Sir." sabi niya.

"Sino naman bagay kay Sir?" sabi ni Loida.

"Oo nga sino ang bagay sa akin?"

Nagulat sila sa nagsalita. Si Kiel na kararating lang. Naka business attire ito. At gwapong-gwapo.

"Nako, sorry Sir" sabi ni Aina at nagyuko sila parehas ni Loida.

Nahihiya kasi sila at narinig nito ang pinag-usapan nila.

"So sino nga ang bagay sa akin?" tanong ni Kiel at tinititigan ang dalaga. Namumula ang pisnge nito. May pawis pa ang noo.

"Wala, sir. Huwag ninyo ng intindihin" sabi ni Aina at ngumiti ng ewan.

Ngumiti si Kiel.

"Ok, hatiran mo ako ng lunch sa office ko." sabi ni Kiel at nilagpasan ang dalawang katulong.

"Goshhh!! ngayon lang ngumiti ng ganon si Sir sa atin." sabi ni Loida.

Pumasok na sila sa loob ng kusina para magluto. Nilagay muna niya si Mewshie sa kulungan nito para makakilos siya ng maayos.

"Bakit mo naman na sabi?" tanong niya at hinuhugasan na nag mga rekados na gagamitin sa lulutuin niyang Pininyahang Manok na may gata.

"Kasi, Nana. Hindi pala ngiti iyan si Sir. Kung hindi ang mga kabarkada niya ang kasama niya" sabi ni Loida.

"Oh? may mga kaibigan din pala si Sir." sabi niya at naghiwa.

"Oo naman, ang gwapo nga nila lahat. Anim sila, dalawa ang magkapatid. Lahat sila successful na sa buhay. Lahat din mayaman. Alam ko since highschool pa sila magkakaibigan. Crush ko sa kanila si Fafa Axyn. Ang gwapo kasi niya at palangiti. Tapos green eyes" sabi ni Loida.

"Akala ko ba si Sir ang crush mo?" nakangiting tanong niya.

"Oo, bakit hindi ba pwedeng maraming crush" sabi ni Loida.

Natawa si Aina.

"Hindi ka faithful" sabi niya.

"Oy! crush lang naman. Saka single naman ako ah!" defense nito. "Ikaw ba wala ka bang crush?"

"Wala" sagot niya.

"Wala? sigurado ka?" hindi ito makapaniwala sa tanong niya.

"Oo, wala" sabi niya. Pero bigla niyang na isip ang Amo nila. Sa tuwing nakikita niya ang asul na mata nito ay bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Wala raw, pero parang nag day dream" ismid ni Loida.

"Wala nga. Paki na nga si Mewshie. Pakainin mo muna. Baka gutom na siya" utos niya.

"Ok po, mahal na Señorita" sabi ni Loida at pinuntahan ang alaga niya.

★★★

Kiel is sitting on his swivel chair. Habang binabasa ang Resume ni Aina.

Aina Everly Lagsamañia
20 years old

Hindi niya na isip na bata pa pala ang katulong niya, pero mukha na itong matured. Bigla niyang na alala ang pagpunta niya sa mga Ortaliza. Hindi na kasi siya pumayag na matuloy ang kasal nila nung isip bata na iyon. Bigla siyang natauhan ng makita niyang laitin si Aina. He can't bear the fact na kahit isip bata ito. Kayang mag humiliate.

Nag-angat siya ng tingin ng may kumatok sa pinto. Bago ito tuluyang bumukas at pumasok ang dalaga. Nakasuot pa ito ng pink na apron. Habang bitbit ang tray ng pagkain. Nalanghap niya agad ang sarap nito.

"Sorry, Sir natagalan po" sabi nito at nilapag ang tray. Bago tumalikod sa kaniya.

"Wait" tawag niya.

Lumingon ito at humarap sa kaniya.

"Gusto mo bang mag-aral?" tanong niya.

Tumango ito.

"Nabasa ko sa Resume mo. Nag first year college ka. Gusto mo bang ituloy?" sabi niya. Nang hihinayang kasi siya. Masarap magluto ang dalaga. HRM kasi ang course nito.

"Nako, sir. Next year na lang po ako mag-aaral. Pag-iipunan ko po muna" nahihiyang sabi nito.

"No, akong bahala sayo. Paaralin kita" sabi niya.

"N-Nako, sir. Huwag na po. Nakakahiya" sabi nito.

Napakunot ang noo niya. Bigla kasi itong namutla.

She is hiding something... naisip niya.

"Ok, pero pagnagbago isip mo. Kausapin mo lang ako" sabi niya.

"Ok po, Sir. Sige po alis na po ako. Balikan ko na lang po yong tray" sabi nito bago umalis.

"Sino ka ba talaga Aina Everly Lagsamañia?" tanong niya. Nag dial siya sa phone.

"May ipapahanap ako. Email ko na lang sayo" sabi niya sa private investigator niya.

["Yes, sir"] sabi nito. Saka niya pinatay ang tawag.

..................

A/N: Hello guys sorry kung ngayon lang ako nakapag update.

LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon