@Bar
"Congrats, Attorney. Galing mo talaga. Napanalo mo na naman ang kaso"sabi ng kapwa lawyer ni Kiel.
Nasa VIP room sila ngayon.
"Siyempre, hindi ako magpapatalo. Lalo na at nasa katuwiran ang client ko."sabi niya at tumungga ng alak.
Nagpaalam siya kay Aina na iinom. Pinayagan naman siya nito. Basta walang babae na didikit sa kaniya. Kaya naman niya iyon.
"Buti na lang hindi ka na silaw sa pera na inaalok sayo ng kabilang panig. Kung iba iyon malamang pinatalo na"sabi ng isa pa nilang kasama.
Yeah, nag offer sa kaniya ng malaking pera ang kalaban para ipatalo ang kaso na hawak niya. Hindi niya tinanggap ito.
"I have money. Saka hindi ko ipagbibili ang dignidad ko at paninindigan sa tama ng dahil lang sa pera. Money is devil. Hindi naman ako ganon kasama para ipahamak ang client ko para lang sa pera. She was a raped victim. Hindi maikakaila na sobrang trauma ang daligitang iyon. Hindi ko rin maatim na walang hustisya sa kaniya."sabi ni Kiel at halos madurog na ang baso.
Nalala na naman niya kasi ang kaniyang magulang. Hanggang nagyon, hindi parin niya nalalaman kung sino ang pumatay sa mga ito. Gustong-gusto na niyang bigyan ng hustisya ang mga magulang niya sa malinis na paraan. Ayaw niyang gumamit ng dahas. Gusto niya batas ang humatol sa mga ito.
Kiel hate rapist. Mga masiyadong hayok sa laman. Hindi marunong makuntento sa asawa nila. Ang rapist kasi ng dalaga isang matandang business man. Secretary nito ang dalaga. Maganda kasi ang dalaga. Kaya siguro hindi nakapag pigil ang amo nito. Habang nakikiusap nga ang magulang ng dalaga ng lumapit ito sa kaniya. Kita niya sa dalaga ang takot sa mga lalaki.
"Chill, attorney"napansin ata ng kasama niya ang galit sa mukha niya. Halos mabasag na rin niya ang hawak na baso.
"Para mawala ang init ng ulo mo sa taas. Painitin natin ang ulo mo sa baba" nakangising sabi ng kasama niya.
Bigla tuloy siyang pinagpawisan. Kaso ng titigan niya ang dalaga. Pamilyar ito sa kaniya. Kaya nanlaki ang mata niya.
"Angelica? what are you doing here"sabi niya.
"To have fun"sabi nito at tumabi sa kaniya.
"Where is your two bound, stripe socks?" tanong niya.
Nag-iba kasi ito. Talagang dalagang-dalaga na. Wala na ang childish aura nito.
"Bakit hindi ba ako pwede magbago?"malanding sabi nito at pinaglalaruan ang necktie niya.
"Pwede" sabi niya.
"Attorney, hanap muna kami ng chicks"sabi ng kasama niya. Bago sila iwan nito.
"Tara, iuuwi na kita"sabi niya rito at inalalayan. Mahirap na baka nagkasala pa siya kay Aina. Pinangako pa naman niya sa sarili na huwag magpapadala sa tukso.
Struggle pa ang pagpunta nila sa parking lot. Hiniga niya ito sa backset. Pinatong niya ang coat sa hita nito. Bago siya pumunta sa driver set at ini-start ang kotse. Dinala niya sa isang hotel. Ang may-ari ng hotel na ito ay ang tito at tita ni Zander.
"Sino ang kasama mo?" speaking of Zander.
Nakasalubong niya ito. Habang inaalalayan si Angelica.
"New girl?" ngumisi ito.
"No"sagot niya.
"Ok, don't forget to use protection"rinig niyang sabi ni Zander bago umalis.
Nagpareserve siya ng kwarto. Bago pumuntang hotel room. May kasunod siyang tauhan ng hotel. Sobra siyang pinagpawisan ng maiayos niya ito ng higa sa kama.
"Pag nagising siya kinabukasan. Bigyan nyo siya ng makakain at gamot. Pagnagtanong siya kung sino nag hatid sa kaniya rito. Sabihin mo hindi ninyo kilala"bilin niya.
"Yes, sir"sabi nito.
*****
Habang nasa kotse siya. Saktong nag ring ang niya.
"Hello, Bebe"malambing na sabi niya.
["Saan ka na? gabi na"] sabi ni Aina at narinig pa niyang humikab ito.
Naiimagine niya ang magandang mukha nito na nakapantulog na.
"I'm driving, malapit na rin ako riyan. I miss you"malambing na sabi niya.
["Ikaw rin, hintayin kita ah"] sabi nito.
"Yeah, Love you. Baba ko na ito para makapag focus ako sa pag drive"sabi niya.
["Sige, ingat ka. I love you too"] sabi nito bago ibaba. Kinikilig talaga siya pag nag 'I love you' sila sa isa't isa. Iba talaga pakiramdam ng love sa kaniya. Unbelievable ang feeling. Roller coster of emotion.
Kaya excited siyang umuwi ng bahay. Isang buwan siyang nanligaw dito. Bago niya nakamit ang matamis na 'Oo'
Alam na niya ang totoong pagkatao nito. Pero hinahayaan niya lang muna. Dahil nirerespeto niya ang dalaga. Siguro may dahilan ito bakit umalis sa puder ng Papà nito.
Pagkarating niya ng Mansion. Agad siyang sinalubong ng yakap nito. Aina is very sweet girlfriend. Kaya hindi niya na isip na humanap pa ng iba. Aina is enough. Ang tulad nito ay bihira. Masipag sa gawaing bahay. Maasikaso sa kaniya at mapagpasensiya. Seloso kasi siya. Ayaw niya na may kahati siya rito. Kaya ang kapatid niya ay hindi na nakadikit dito, dahil sinasamaan niya ng tingin ito.
"Amoy alak ka"sabi nito at humiwalay ng yakap.
"Yeah"sabi niya at sumubsob sa leeg nito at niyakap ng mahigpit.
Naramdaman niya ang pagsuklay ng daliri nito sa buhok niya.
"Shower ka muna para mahimasmasan ka."sabi nito.
Magkayakap silang umakyat sa hagdan papuntang second floor. Hinalikan niya sa noo ang dalaga bago tinanggal ang suot niya. Habang ang dalaga ay kinuhanan siya ng boxer short. Mukha na nga silang mag-asawa kung mag turingan. Kasi si Aina ay inaalagaan talaga siya nito. Lagi siyang busog sa pagmamahal nito.
Paglabas niya sa shower room. Nakita niya ang dalaga na nakapikit ang mata. Nakakumot ito at katabi ang pusang malaki. Napangiti siya. Pagkatapos niyang magbihis. Dahan-dahan siyang tumabi rito. Agad na pinulupot ang braso sa bewang nito bago sinubsob ang mukha sa buhok nito. Gusto niya kasing naamoy ang buhok nito. Bigla itong humarap sa kaniya at niyakap siya. Kaya ramdam na ramdam niya ang kalambutan ng katawan nito.
Ilayo ninyo po ako sa tukso. dasal niya.
Ginagalang niya ang dalaga. Gusto niya na pag may nangyari sa kanila ay kasal na sila.
Hinalikan niya ito sa ulo. Saka pinikit ang mata.
........
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
Storie d'amoreWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.