Simula ng tanggihan ni Aina, si Kiel. Lagi na siya nitong pinapahirapan. Tapos naging choosy na ito sa mga pagkain na hinahain niya. Alam naman niya na dinamdam ng binata yong pag basted niya rito."Nana!" sigaw ni Kiel.
Natulig si Aina sa lakas non. Kagigising lang niya. Alas dos palang ng madaling araw ng gisingin siya ng magaling niyang amo. Pinag damo siya. Kahit na sobrang aga. Hindi niya alam talaga ang trip ng amo niya. Ang lamok kaya puro pantay na siya. Naka sando at pajama lang kasi siya. Hindi pa ayos ang pagkakaipit niya.
"Yes, sir?" antok na sabi niya ng makaakyat siya sa second floor. Naghikab pa siya. Dahil sa antok.
"Linisin mo kwarto ko" utos nito. Nakatopless pa ang binata. Tanging tuwalya lang ang suot sa ibaba nito.
Napatingin siya sa Wall clock ng makapasok siya sa loob ng kwarto. alas siete na ng umaga. Kaya antok na antok siya. Nilibot niya ang tingin sa buong silid. Halatang ginulo ng abnormal niyang amo para siya ang pag linisin.
Binuksan niya ang bintana at hinawi ang kurtina. Bago simulan maglinis. Ginamit niya ang dalang walis tambo para mag walis. Ayaw kasi nito pagamit yong vacuum cleaner. Kailangan daw manual at man power ang pag gawa.
Habang nagpupunas siya ng bintana. Nilalabanan niya ang antok. Nang hindi na niya nakayanan. Napahiga na siya sa kama ni Kiel at tuluyang nakatulog ng hindi niya namalayan.
★★★★
Galing sa Closet niya si Kiel ng makita ang dalaga na nakahiga sa kama niya. Pa slant ang position nito. Gulo ang buhok ang hawak pa ang basahan. Tapos pawis na pawis ang katawan. Hindi niya mapigilang maawa. Isang linggo na rin niya na pinapahirapan ito. Sakto nagbakasyon ang isa niyang katulong na kaibigan nito na si Loida. Actually he forced her to take a vacation.
Umupo siya sa gilid nito at hinaplos ang mukha nito. Muntik pa siyang matawa, dahil mag hihilik ito. Hindi nga niya alam bakit nakakaya niyang pahirapan ang dalaga. Siguro dahil sa Ego. Unang beses na nga lang siya manliligaw sa isang babae tapos sa katulong pa niya.
Anong karapatan nito na basted siya?
May awa naman siya kaya. Hinayaan na niya matulog ang dalaga sa kama niya. Bago inayos ang necktie. Binalikan niya ang dalaga at hinalikan sa labi, saka umalis. Nakangiti pa siya habang nag drive. Nang mag ring ang phone niya. Agad niyang sinuot ang Bluetooth earphone niya. Bago sagutin ang tawag.
"Yes?" tanong niya.
["Baby Kiel, dumating na ako sa Pilipinas. Can you fetch me?"] malambing na sabi ng babae.
"Ok, wait me at the Airport" sabi ni Kiel bago patayin ang tawag.
Nagdial naman siya ng bagong number.
"Cancel may appointment for today" sabi niya. Bago binaba ang tawag.
Agad siya dumiretso sa NAIA.
★★★
Biglang naalipungatan si Aina ng maramdaman ang init ng araw na tumatama sa mukha niya. Agad siyang napaupo. Tinignan niya ang buong kwarto ng malamang hindi iyon. Maid room, agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto.
Nagmadali siyang pumunta ng maid room para makaligo at makapag ayos na rin. Pagtapos non lumabas siya ng kwarto na naka maid uniform. Didiretso sana siya sa kusina ng marinig niya ang tawanan. Nakaupo sa sala ang amo niya at may kasama itong magandang babae. Kulay asul ang mata nito at blond ang kulay. Maputi at makinis. Nakasuot ito ng red dress kaya litaw lalo ang kaputian. Halos lumuwa rin ang dibdib nito dahil sa sobrang fit ng dress.
"Ang ganda naman pala ng place mo, baby Kiel" malambing na sabi ng babae.
"Baby Kiel?" bulong niya at dahan-dahan nag lakad.
"Oh who is she?" tanong ng babae at sa kaniya nakaturo ang magandang kamay nito. "She is the one who baste-" naputol ang sasabihin nito ng mag salita si Kiel.
"She is no one, but my maid" malamig na sabi ni Kiel.
"Yes, Ma'am I'm his maid. Mauna na po ako. May gagawin pa kasi ako" sabi ni Aina.
Nagmadali siyang mag puntang kusina. Habang nag hihiwa siya ng rekado. Naiinis siya ng hindi niya alam.
"Aina, tama lang ginawa mo. Dahil masasaktan ka lang sa huli. Kita mo naman isang linggo mo lang siya na basted pero may baby na agad" sabi niya sa sarili.
Ang lulutuin niya ngayon ay Adobo. Huhugasan na niya ang manok na gagamitin.
"Saka ang sama rin ng ugali. Kaya siguro iyong mga katulong na dati nagtratrabaho ay umalis, dahil sa sama ng ugali!"
Gigil na gigil siya sa paghiwa ng patatas.
"Baka madurog na iyan sa pag hiwa mo?"
Nagulat siya sa bumulong sa kaniya. Hindi niya pinansin ito. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa.
"Alam mo naman na hindi ako kumakain ng pag kain na binurara" sabi pa ni Kiel.
Hindi niya ito ulit pinansin. Binuksan na niya ang kalan ng matapos niyang handa ang iluluto.
"Hindi ka talaga mag sasalita?" tanong nito.
Nagprito na siya ng bawang.
"Wow! ang bango naman" napalingon siya nag salita. Iyon ang babae na kasama ng amo niyang abnormal. Lumapit ito sa kaniya.
"Hi I'm Kyline" nilahad nito ang kamay.
"Aina" sagot niya at hindi tinanggap ang pakikipagkamay.
"Oh ok" sabi nito at binaba ang kamay. "The smell is nice. Is that adobo right?" dagdag nito.
Tumango siya.
"Hello, People!!!" sabi ni Kenderson ng makapasok. Nang makita ang babae ay tuwang-tuwa itong yumakap.
"How are you, Kenken!" sabi ni Kyline.
"Good, still handsome. Kailan ka pa nakauwi?" tanong ni Kenderson at tumabi kay Aina.
"Kanina lang. Your brother fetch me" nakangiting sabi ni Kyline.
Umakbay si Kenderson kay Aina. Kaya nag igting ang bagang ni Kiel.
"You know, my girlfriend?" tanong ni Kenderson.
"Oh she is your girlfriend" sabi ni Kyline.
"Yes/No!" sabay na sabi ni Kiel at Kenderson.
Ngumisi si Kenderson. Si Kiel naman sinamaan ng tingin ang kapatid.
"Mawalang galang na po. Hindi po ako makakakilos ng may tao po. " sabi ni Aina.
"Oh sorry, Nana. We'll wait your delicious cook food" sabi ni Kyline at niyakap ang braso kay Kiel bago umalis ng kusina.
"Sungit ni Ate girl!" nagbaklang boses pa si Kenderson.
"Diba sabi ko hindi ako makakapag luto ng may tao" taas kilay niyang sabi.
"Eh mader! nakalimutan mo na ba na you teach me how to cook" sabi ni Kenderson na bakla ulit.
"Sagwa mo!" natatawa niyang sabi. "Makinig ka sa turo ko ah!" dagdag pa niya.
"Yes, boss chief!" sabi nito at nag saludo pa.
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.