ARROGANT LAWYER 19

1.1K 46 2
                                    


Boring na boring ngayong araw si Kiel. Wala kasi ang bebe niya. Nagpaalam ito na uuwi ng probinsiya. Sobra kasi itong nag aalala sa ama. Sinabi niyang gusto niyang sumama. Ngunit tutol ito. Dahil sa ginagalang niya ang dalaga. Sinunod nga niya ang nais nito. Napabuntong hininga siya ng may mag doorbell. Agad niyang tinungo ang pinto para buksan.

"Bakit naman ako mag iingat sa kaniya?" Takang tanong ng babae sa kaibigan niya. Nakita pa niyang nagyakap ito at humiwalay din. Napakunot noo siya.

"Oo nga naman Pare. Hindi ko naman siya aagawin sayo " sabi ni Kiel ng mabukasan niya ng tuluyan ang pinto. Medyo gulo ang buhok niya at naka boxer lang siya. Kasalukuyang nasa condo pala niya siya. Kasi pag nasa mansion siya namimis niya lalo ang dalaga.

"Wear your shirt" sabi ni Zander sa kaniya at halatang pinipigilan ang galit.Tinakpan pa nito ang inosenteng mata ng dalaga.

"Why? Bakit ko ikakahiya kung maganda ang katawan ko ? " pagmamayabang niya.

"Magbibihis ka o isusubong ko kay Aina ang mga kalukuhan mo?" Halata ang galit kay Zander.

"Ano ngayon kung magsumbong ka? As if naman na maniniwala siya sayo. Eh. Mahal ako non kaya siya may tiwala sa akin " pagmamalaki niya. Pero medyo kinabahan. Knowing Zander. Gagawin nito ano mang sinabi nito.

"Hmm.. Ganon! What about the girl you met in the bar na dinala mo sa hotel nung isang araw. Kung sabihin ko kaya kay Aina. Pwede akong pumunta sa hotel para humingi ng copy don. Remember pagmamay-ari ng Tito ko at Tita ang hotel na iyon. Kaya mamili ka. Magsusuot ka ng maayos na damit o isusubong kita?Choose!" Napangisi si Zander.

Nanlaki ang mata niya at napalunok. Nagsisimula pa nga lang relasyon nila ni Aina mapupurnada pa dahil lang sa nag dala siya ng babae sa hotel.

"Nah! Oo na?" sabi niya. "Wag mo akong isusubong kay Aina hah! At isa pa bakit ang OA mo at tudo ka makatakip sa kaniya?" dagdag pa niya. Saka binaling ang tingin sa dalaga na kasama ng kaibigan niya.

"Samantha right?"

"Oo" sagot ni Samantha.

"Ayaw kong madungis ang mata niya dahil sa katawan mo" inis na sabi ni Zander at niyakap ang dalaga. Na nakasubsob sa dibdib ni Zander.

Bigla siyang napatulala.

Kailan pa naging clingy si Zander? naisip niya.

"Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa kumikilos diyan? Gusto mo na bang tawagan ko si Aina" sabi ni Zander.

"Tsk.. Oo na boss " sabi ni Kiel. Dali - daling tumakbo papuntang kwarto. Narinig pa niyang tumawa ang dalawa. Nagmadali siyang magbihis. Habang nag bibihis siya rinig niya ang ka-sweetan ni Zander. Napangisi siya.

Kunyari pang suplado. Sweet din pala...

"Hindi kaya" nakangiting sabi ni Zander at sinubsob ang mukha sa leeg ng dalaga. "I miss you baby "dugtong pa nito.

Palihim siyang naglakad. Gusto niyang matawa. Ngayon lang kasi naging masiyadong showy si Zander. Kahit noong kay Nutellas. Private ito maglambing.

"Ehem! Wag po kayong magkalat dito sa unit ko." sabi ni Kiel. Sinamaan ng tingin ni Zander siya. "O! Bakit ang sama ng tingin mo diyan?"tanong niya.

Tumayo si Zander at lumapit sa kaniya.

"O? Ano problema mo?" Tanong ni Kiel. At nagtatakang nakatingin sa binata.

"Don't you dare to touch her o gumawa ng kalukuhan man lang  sa kaniya, dahil baka kalimutan kung kaibigan kita" seryusong sabi ni Zander. Madilim ang anyo nito. 

Kaya napalunok si Kiel. Alam niya kasing pagnagsalita si Zander tototohanin nito. Kaya may takot siya rito. Kung baga

'He is a good friend but very dangerous enemy'

Tahimik lang ito pero oras na kinanti hindi siya aatras ng laban. Kaya pinagpapasalamat niyang kaibigan niya ito.

"Oo, gusto mo alagaan ko pa siya. O wag ko nang paglinisin dito sa unit ko " sabi ni Kiel. Tinignan lang siya ng kaibigan.

"Baby, call me pag may ginawang kalukuhan ito hah?" Sabi ni Zander. Tumango ang dalaga. Hinalikan nito sa noo bago umalis.

Lalo niya tuloy namiss si Aina. Gustong-gusto pa naman niyang samahan ito. Gusto na rin kasi niyang magpakilala sa ama nito. Ngunit tumanggi ito. Saka lang daw. Sumagi sa isip niya na baka kinakahiya siya nito. But sumagi rin sa isip niya na dapat mag tiwala siya sa dalaga. Hindi niya basta dapat ito pag dudahan.

Kaya pala mainit ang ulo sa akin ni Zander. Hindi ko naman siya masisi dahil sa maganda naman pala si Samantha. He thought while watching Samantha cleaning his unit.

"Ano pinakain mo kay Zander at naging OA yon?" Basag sa katahimikan ni Kiel. Nakaupo siya sa couch. Nilingon siya ni Samantha na nagpupunas ng mga photo frame.

"Pinakain?" Takang tanong nito.

"Ginayuma mo ba ang kaibigan ko?" Tanong niya. Kinunutan ng noo ni Samantha siya.

"Wala akong ginagawa sa kaibigan mo no! Saka bakit ko siya gagayumahin?" Sabi ni Samantha at nagpatuloy sa ginagawa.

"Maybe, his Money" Kiel said then smirk.

"Pera ba kamo? Sorry hindi ako gold digger. Bakit pa ako magpapakahirap na maglinis sa mga condo ninyong magkakaibigan kung gusto ko lang din perahan si Zander." Taas kilay ni Samantha. "Oo mahirap ako pero hindi ko maatim na mang gamit ng iba para lang sa pera "dugtong pa ni Samantha.

Hmm.. Nice answer. sa isip niya.

"Ok, sabi mo" walang emosyon na sabi niya At tinuon na lang sa T.V ang atensiyon.

Narinig niyang may tumunog. Nakita niya na dinukot ng dalaga ang phone sa bulsa nito. Hindi siya chismuso. Pero curious siya sa kausap nito.

"Bakit naman?" Tanong nito sa kausap.

["Hmm.. Secret mo na. Just say yes."]

Hmm.. may kaboses kausap niya. He thought.

"Secret ka pang nalalaman. Kutusan kaya kita diyan. Hindi ko alam papasok kasi ako bukas sa school" sabi ni Samantha.

Hindi nito alam na nakikinig siya. Kaya ng medyo lumayo ito sumunod siya at nag tago.

["Please Sam!! Samahan mo na ko.Promise last na ito"]Pagmamakaawa nito.

Hmm.. Allen? Bakit? alam kaya ni Zander ito. sa isip niya at bumalik na lang sa upuan.

"Mauna na ako, huwag mo na ako bayaran. Hindi ko pa kasi tapos paglinis sa lahat"sabi ni Sam.

Napatingin siya sa dalaga ng umiiyak ito at nagmadaling lumabas ng unit niya.

Anong nangyari ron? napaisip siya bigla.

May maling nangyayari? 

Napatingin siya sa phone niya ng mag ring ito.

"Ahhh bebe, miss na kita" lambing niya.

["Ako rin"] malambing na sabi nito.

"Uwi ka na hindi na ako galit" biro niya. Narinig niyang tumawa ito. Lalo niya tuloy namiss ito.

LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon