"Nasaan si Samantha?" Tanong ni Zander.Biglang na badtrip si Kiel paano ba naman ang sweet moment niya kay Aina naging disaster dahil sa galit na galit na dumating si Zander.
"I don't know. Nagpaalam lang siya umuwi sa akin. Then wala na akong alam kung saan siya nagpunta? Diba susunduin mo siya bakit hindi kayo magkasama" sabi ni Kiel at kumamot sa ulo.
"Hindi niya kasi sinasagot yung tawag ko" sabi ni Zander. At sinuklay ang buhok niya.
"Ah. I think, baka kasama niya y𝚘ng kausap sa phone. I heard her taking with someone over the phone. Inaaya nito si Samantha magkita "sabi ni Kiel.
Agad siyang tumalikod para maglakad paalis sa condominium building si Zander.
"Iba talaga nagagawa ng love sa tao"sabi niya at tinungga ang wine. Kailangan niya kasi makatulog agad. Lalo niya lang mamiss si Aina.
******************
Napabuntong hininga si Aina habang nasa terrice at nakatingala sa langit. Malamig din ang simoy ng hangin dahil nasa probinsiya siya. Sobrang liwanag ng buwan at marami ring bituin na kita.
"Ang lalim naman non?" Sabi ni Loida may dala itong tray at nilapag nito sa lamesita niya.
"Nalulungkot kasi ako sa kalagayan ni Papà. Hindi pa nagiging maayos. Idamay pa yong matandang hukluban na namimilit na ikasal ako sa kaniya. Hindi ko naman kasalanan na matalo si Papà sa pustahan nila sa Casino"sabi ni Aina.
Inamin na kasi sa kaniya ng Papà ang totoo. Natawa pa ang ama niya ng magpakita siya ng umuwi siya rito. Todong yakap ang ginawa ng ama niya sa kaniya. At humingi rin ito ng tawad sa nagawang kasalanan. Medyo nagdamdam siya. Pero winaksi rin niya sa isip niya ang galit. Dahil matanda na rin ang Papà niya. Saka mahirap din magkimkim ng galit. Labag iyon sa utos ng Messiah. Dahil ang Messiah ay sobrang mapagpatawad at sobrang mapagmahal sa tao. Siya pa kayang tao lang. People is imperfect, saka walang taong walang kasalan. Lahat tayo nagkakamali. Alam man natin o hindi.
"Hays, pero wala na sa akin iyon. May dahilan naman si Papà, bakit niya nagawa iyon. Nagipit lang siya. Ang hilling ko lang sana ay gumaling na siya"sabi ni Aina at nag teary eyes na.
"Hays, Nana. Positive lang. Ang Ama ay laging nakabantay sa atin. Hindi mo pa iniisip. Alam na niya"sabi ni Loida.
"Alam ko, Loida. Dapat Siya lang ang ating panghawakan at paniwalaan. "sabi ni Aina at ngumiti.
Sumampa sa kaniya si Mewshie. Naghikab pa ito bago pinikit ang mata.
"Yeah! fighting lang. Lahat ng bagay may dahilan. Minsan yong kalungkutan o kahirapan na ating nalalaman ay binigay ng Ama para tayo ay subukan o para mas lalong palakasin para kahit anong pagsubok ay kakayanin natin"sabi ni Loida saka kinuha ang cup na may cafe. "Iinom mo muna ng cape iyan"dagdag pa nito.
Ngumiti si Aina at niyakap si Loida.
"Thank you, Loida. Kasi hindi mo ako tinuring na iba. Salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob"sabi ni Aina.
"Aytss.. Wala iyon"sabi ni Loida at hinaplos-haplos ang likod niya. "Sabi nga ng Ama 'Love one another as I have love you'. Saka hindi na lang anak ng amo namin ang tingin ko sayo kung di ay kapamilya na rin"sabi ni Loida. "Kaya pag kailangan mo ng payo nandito lang ako. Hindi naman ako mayaman, kaya moral support na lang hehe"dagdag pa nito.
"Hays salamat talaga"sabi ni Aina at humiwalay ng yakap.
"Pero maiba tayo. Kumusta na kayo ni Sir. Kiel?" tanong ni Loida at nagtataas baba pa ang kilay may nakakalukong tingin din.
"Ayon, ayos lang"sabi niya at ngumuso.
Siniko siya ni Loida.
"Ayiee, seryuso talaga sayo?"sabi ni Loida na nakangiti.
"Oo, saka nirerespeto niya talaga ako"sabi niya.
Yeah totoo iyon, na pag usap din nila ni Kiel about sex. Expected na iyon dahil nasa isang relasyon sila. Napag usapan nila na hanggat hindi sila kasal wala non. At bilib din si Aina kay Kiel, dahil inamin nito na hindi na inosente sa ganong bagay may experience na baga. Kaya ang lakas ng self control nito habang magkatabi silang matulog.
"Ay sana all talaga may love life"sabi ni Loida.
"Dadating din iyan, tiwala tayo sa Ama. He is a provider. Lahat ng sumunod sa kautusan niya ay bibigyan niya ng gantimpala. Malay mo on the way pa lang prince charming mo"sabi ni Aina.
"Yeah, saka hindi ako hahayaan ng Messiah na maging matandang dalaga. Kahit na hindi naman masama na maging matandang dalaga o mag isa. Pasalamat parin kasi walang sakit"sabi ni Loida.
"Yeah"sabi ni Aina.
Namiss niya bigla si Kiel kaya naisipan niyang tawagan ito.
["Ahhh bebe, miss na kita" ]lambing nito.
"Ako rin"malambing na sabi niya.
Si Loida naman namimilipit sa kilig.
["Uwi ka na hindi na ako galit" ]biro nito.
Natawa siya bigla dahil mapagbiro talaga si Kiel.
"Uwe ke ne rew, hende na keyse seya galit"pabebe na sabi ni Loida.
"Sorry, Kiel. Kailangan ko pa bantayan si Papà"Sabi niya.
Narinig niyang nagbuntong hininga ito.
["Hindi ba talaga ako pwede pumunta diyan?"]tanong nito.
"Hindi pa, pag sa tamang panahon"sabi niya at napakagat labi.
"Ay AlDub!"sabi ni Loida.
["Is that Loida?"] Sabi ni Kiel with British Accent.
"Oo, kasama ko siya"sabi niya. Tapos narinig niya may boses na lalaki na parang galit sa kabilang line.
["Bè, patayin ko muna ah. Ako na lang tatawag sayo o video tayo"]sabi ni Kiel.
"Ok"sabi niya.
["I love you"]malambing na sabi nito.
"I love you"sabi niya.
....................
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.