"Kiel, ang aga mo naman ata aalis, himala" natatawang sabi ni Mark.
"Nah! ewan ko. Bigla akong nawalan ng gana" sabi ni Kiel.
Nasa VIP room sila na pag aari ni Mark na Club sa resort nito. Si Allen, Mark at Anthony. Ang nasa loob and obviously wala na naman si Zander. Hindi kasi ito mahilig magclub. Kahit kasisimula palang ng gabi. Wala naman kasi silang trabaho tuwing linggo.
"Hu! baka nawalan ka ng gana kasi hindi ka naka score sa type mong chiks!" natatawang sabi ni Anthony.
"Tsk... Hindi yun, na badtrip kasi ako sa Tita ko" nakasimangot na sabi ni Kiel.
"Kay Tita Kiana, why?" takang tanong ni Allen at inayos ang salamin.
"Hmm.. You know? pinipilit ako ipakasal doon sa anak-anakan niyang si Angelica" inis na sabi niya.
"Angelica, you mean yong isip bata?" natatawang sabi ni Mark.
Tumango siya.
"Pakasalan mo na para wala ka ng problema!" sabi ni Anthony. Nag tawanan pa ang mga kaibigan niya.
"Di kaw!" inis na sabi niya at umalis na lang.
Lalo na sira ang gabi niya dahil sa mga luko-luko niyang kaibigan.
***
Habang nag mamaneho siya iniisip niya pa rin ang mommy niya. Lagi kasi nito pinipilit na pakasalan niya ang anak anakan nitong si Angelica. Angelica is very innocent girl. Dahil parang sento-sento ito. Imagine? Gusto ata ng ina niya na mag ka apo ng sinto-sinto.
Tsk.. erase-era-
Napapreno siya ng may babaeng biglang tumawid.
"Fuck!" mura niya.
Buti na lang walang gaanong sasakyan. Kung hindi nag cause ng traffic.
Bumaba siya at tinignan ang babae. Nakita niyang nakaupo ito sa ground. Mukhang shock pa rin sa nangyari. Pinagmasdan niya ito. Nakadress ito na white. fair skin ito. Pero mukhang may lahi dahil kulay gray na may pagkagreen ang mata nito. Black ang buhok nito na nakaipit na may tela. Napansin niya ding may bitbit itong traveling bag at kulungan. Malaking kulungan.
Wait? Cat?
"Hey! Miss, Wala ka bang balak na tumayo riyan. Kung wala ka namang injury. Tumayo ka dahil aalis na ako" malamig na sabi ni Kiel.
***
Nang makabawi ng pagkagulat si Aina. Narinig niyang nag salita ang lalaki.
Lalaki?
Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin. Napanganga siya ng makita ang lalaki.
Blue eyes, Pointed nose, kissable lips at brown ang buhok nito. Maputi din ang lalaki. Halata sa mukha nito na naiirita sa kaniya.
Teka lang? ano nga pala ginagawa ko rito?..
Kaya agad siyang tumayo.
"Nako, pasensiya na Kuya" nag pagpag si Aina ng sarili. Nanlaki ang mata ng maalala na kasama niya si Mewshie.
"Oh! Mewshie pasensiya na naabala ko pa pala ang tulog mo" kausap niya sa pusa niya.
"Are you crazy?" takang tanong ng lalaki sa kaniya.
Sinamaan niya ito ng tingin.
Baliw daw ako??
"Hindi ah!" tanggi niya.
"Why did you talked to your cat?" taas kilay na tanong nito.
"Pake mo ba?" irap niya.
"Total, wala ka namang injury. Aalis na ako" sabi ng lalaki at agad na sumakay ng sasakyan. Agad na pinaharurot nito ang sasakyan.
"Aba't! Siraulo 'to. Anong walang injury? Ang sakit nga ng balakang ko eh!" sabi niya.
Kumulo ang tiyan niya. Agad siyang nag hanap ng makakainan na karenderya. Buti na lang mayroon siya agad nakita.
"Ineng, mukhang mamahalin yang pusa mo ah?" tanong ng tendera sa kaniya.
"Ah! Si Mewshie ho ba? regalo po ng Papà ko" sagot ni Aina habang kumakain ng lugaw at lumpia.
Thanks to Lola Inday at binigyan siya ng pera.
"Mayaman ka ba ine?" tanong ulit ng tendera.
Nako? baka mabuking ako pag nagsabi ako ng totoo...
"H-Hindi po" pag sisinungaling niya.
"Eh. Paano ka nabigyan ng ganyang pusa ng papà mo?" usisa ng tendera.
"Aling Penang, umandar na naman ho! ang pagiging usisira nyo po. Hayaan mo na si Ganda" sabi ng babae.
Nanlaki ang mata niya.
"Loida?" sabi niya.
"Oo nga, ako-? Señorita Aina?" nakangiting sabi ni Loida.
Tumango siya.
"Oo ako nga!!" sabi ni Aina at niyakap ito.
"O? anong ginagawa mo rito sa Maynila?" tanong ni Loida.
"Hindi raw mayaman. Pero señorita?" ismid ni Aling Paneng.
Inirapan ni Loida ang matandang chismusa. Nagbayad si Aina sa matanda bago sila umalis ni Loida sa Karenderia.
"Mahabang storiya" sabi ni Aina.
"Tara sumama ka muna sa akin, may tinutuluyan ka ba?" tanong ni Loida.
"Sa totoo lang wala. Nag layas ako. Kasi nalaman ko na nais akong ipakasal ni Papà sa isang matandang lawyer" sabi ni Aina.
"Seryuso! ang dalaga mo pa para ipakasal sa matanda" sabi ni Loida.
"Oo, kaya ang ginawa ko nag layas ako" sabi ni Aina.
Napatingin si Loida sa pusa niya.
"Hindi mo talaga maiwan ang alaga mong pusa ano?" sabi ni Loida.
"Oo" nakangiting sabi ni Aina. "Pwede ba akong tumuloy sayo. Pansamantala lang naman" dagdag pa niya.
"Hmm.. Ipagpapaalam ko sa amo ko" sabi ni Loida.
"Paano mo sasabihin na mag stay ako ron pansamantala" sabi ni Aina.
Saglit na nag isip si Loida.
"Ahm.. Ganito, tutal gusto mong magtago sa Papà mo. Mag panggap ka munang katulong" nakangiting sabi ni Loida. "And timing dahil naghahanap ng bagong katulong ang amo ko kasi umuwi rin ng probinsiya yong mga kasamahan ko dating katulong" dagdag pa nito.
"Katulong?" kunot noong tanong niya.
"Oo, kunyari. Kaibigan kita na galing probinsiya at nangangailangan ka ng trabaho dahil mahirap lang kayo. Ikaw ang breedwinner ng pamilya ninyo. Kaya kailangan mo ng trabaho" sabi ni Loida.
May point nga ito.
"Saka, medyo may alam ka naman sa gawaing bahay. Wag lang sa pag huhugas at paglalaba. Kasi may allergy ka sa sabon panlaba" sabi ni Loida.
Yes, may skin allergy siya sa sabon na panlaba at sa pang hugas ng pinggan. Madali siyang makabasag but sa pagluluto, masarap siya magluto.
"Paano yon? pag nagtaka sila na hindi ako nag huhugas saka nag lalaba?" tanong niya.
"Hmm. Hindi yan. Tiwala lang, kaso problema lang natin si Mewshie? Halatang may breed siyang pusa saka pang mayaman lang talaga" sabi ni Loida.
"Oo nga no? ayaw ko naman na pabayaan si Mewshie!" emot ni Aina.
"Hmm.. Ganto, sasabihin natin na binigay sayo ng amo mo dati. Dahil masiyado silang maraming alagang pusa" sabi ni Loida.
"Sige, pero Loida. Nakakaguilty naman." sabi ni Aina.
"Pero Seño- ay from now on Aina na or Nana na lang tawag ko sayo para di halata" sabi ni Loida.
Tumango si Aina.
......
BINABASA MO ANG
LAWYER: KIEL DELA CRUZ(On Hold)
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique Credit to americanas.com for the picture.