thirteen

19 1 0
                                    

•Kim Namjoon

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Siguro yung mga kasama ko ay tulog na samantalang ako ay hindi ako makatagal ng nakapikit. Hindi ako makatulog.

Tumayo Ako at lumabas ng kwarto. Pagtingin ko sa may balkonahe ay may nakita akong silhouette ng isang lalake na nagyoyosi.

Nilapitan ko ito at ang hindi ko inaasahan ay si Hoseok ang makikita ko dito.

"akala koba hindi ka nagyoyosi?" tanong ko sakanya. Nagitla naman ito at napatingin sakin.

"ano?" tanong kopa uli sakanya.

"kapag sobrang dami kolang iniisip." sagot nya naman.

Humits sya at bumuga. Ako naman ay nakatahimik lang na nakaupo dito.

"ano bang iniisip mo? Care to share?" sambit ko.

"iniisip ko kung paano ko gagantihan yung boyfriend ni Wendy. Iniisip ko kung pano ko sya pahihirapan" madilim na sabi nya.

"unahin muna natin tong misyon natin. Oras ang kalaban natin dito Hoseok." sabi ko sakanya.

"Alam kong dapat natin tong unahin" humits muna sya uli bago bumaling sakin. "pero hindi ko kasi maiwasang isipin."

"kaya nga bilisan natin. Pag natapos to, magagawa na natin yung kanya kanya nating gustong gawin. Pang una palang tong taong to. May dalawa pang kasunod to." mahabang sambit ko sakanya.

Kinaumagahan.

"Ngayon na tayo sasabak sa tunay na gera. Seokjin ikaw yung papasok sa loob para magpanggap bilang isang investor. Hindi Seokjin ang gagamitin mong pangalan. 'James' ang gagamitin mo." umpisa ko.

"noted" sabi naman ni Jin hyung.

"Jungkook, ikaw ang aasahan ko sa panghahack ng mga cctv cameras habang papasok si Yoongi at Taehyung sa likod. Tapos Hoseok sa taas ka manggagaling, si Jimin ang bahala kung pano ka makakarating don. Jimin ikaw naman dun ka sa building katabi na kasingtaas ng mismong opisina ni Montero. Maliwanag ba tayo?" tanong ko sakanila.

"areglado" sagot naman nila.

"Magayos na kayo mamayang hapon eksaktong alas tres ay pupunta tayo sa mga pwesto natin para magsimula." sabi ko at tumayo na.

"bago ang lahat, nag order nako ng umagahan natin. Hindi tayo pwedeng sumabak sa gera nang walang laman ang mga tiyan natin." sabi ni Jin hyung.

"pero Jin inaantok pako" sabi ni Yoongi at di sya pinansin nito. Umirap nalang sya at pasimpleng tumayo nang hinatak ni Jin yung tenga nya at pinabalik sa pag upo.

Napabuntong hiNinga nalang sya at natawa nalang ako. Maya maya pa ay may nag doorbell at si Jimin naman ang tumayo at kinuha yon. Tahimik kaming nagkainan at pagtapos non ay naghanda na para sa gagawin namin.

Nakausap na din namin sila Beomgyu kanina at patuloy daw na may nagaganap na aberya sa kani-kaniyang kumpanya.

•Jung Hoseok

Sa taas ako manggagaling. P*tangama paano ako manggagaling sa taas?!.

Nandito ako sa sala ngayon at nagmumuni muni.

"PANO KUNG PAAKYATIN NYA KO SA BUILDING PARA MAKAPUNTA SA TAAS?!" bulalas ko

"Huy para kang baliw" sabi ni Jimin habang may dalang..

"spie rope? Anong gagawin mo jan?" tanong ko sakanya

"ano pa? Edi gagamitin mo mamaya" tawa nya

"SABOG KABA?!" sigaw ko sakanya

"dude, kalma ka muna, hindi ka mamamatay dito. Ganto daw gagawin mo. Sasabay ka kay kuya Jin pumasok sa building nang nakadisguise. Magdala ka ng comfortable na damit. Hindi ka papasok sa mismong opisina kasi dika naman papapasukin. Si Jin hyung lang. Tapos sa rooftop ka dederetso. Dadaldalin ni Jin hyung si Montero. Pag nakita mong immersed na si Montero sa usapan nila, eto ang isang high class glass circle cutter. Si Taehyung ang gumawa nyan kasi natripan nya lang pero tinawag na high class yan kasi walang ingay na ginagawa yan kapag ginagamit mo. Ikaw ang nilagay dito kasi nabubuhat mo yung katawan mo. Ngayon sa taas ka manggagaling at papasukin mo yung opisina nya, may malaking shelf don sa tabi ng table nya mismo. Bubuksan mo yon at dun ka papasok sa loob. May mga papeles don na magagamit laban sakanya." mahabang sabi nya. Nung narinig ko yung tungkol sa mga papeles ay doon ako naintriga.

Defiance (a BTS Tagalog Au)Where stories live. Discover now